Chapter 29
Micah's POV
"Kiel! Please! Paniwalaan mo sana ako!"
Awwwts! Kawawa naman si Naomi as Mae sa stage play. Kahit kaaway ko sya, naaawa ako sa character na ginagampanan nya.
Story kasi nyan eh, yung girl ay nagkaAmnesia. Yung kababata nyang lalaki, sikreto nyang minahal. Samantalang may feelings din naman sa kanya yung lalaki.
"Tss.. maganda yung story pero hindi ganun kagaling ang bida. Si Kenjie lang ang magaling eh."-kumento ni Tin habang nanonood din.
"Kaya umayaw ako dyan eh. Kung ako ang ginawa nilang bida, eh di kakaiba?!"-Ynna.
=_=" #FeelerAlert
"Sino bang kumuha kay Naomi para maging bida dyan?"-inis na tanong ni Pathy.
"Ako!"-singit ng isang boses mula sa likod namin.
Sabay sabay kaming lumingon at nakita namin si ma'am Kate. O_O OWMAYGAD!
"MA'AM KATE?!"-sabay sabay naming binanggit ang pangalan ni ma'am sa gulat.
Naupo si ma'am sa likod namin at saka nagcross legs.
"Tama nga kayo. Mas maganda kung si Ynna ang ginawa kong bida."-kumento ni ma'am sa ginawa nyang palabas.
Naglakihan ang mga mata namin at saka napatingin kay Ynna.. na Flattered..
"Talaga ma'am?"-tanong ni Ynna.
"syempre hindi no."-sagot ni ma'am sabay tapik nya sa balikat ni Ynna.
"Tss.. ma'am naman eh."-isip batang kilos ni Ynna.
"Hmm.. manood na nga lang kayo. Kesa gawin ko pa yung mga actress dyan."-ma'am.
"Talaga ma'am?"-singit ni Rom.
"At actor.."-dagdag ni ma'am.
Gaya ng sinabi ni ma'am, nanuod na lang ako ng Stage play.
"Mae! Sorry!"-Kenjie as Kiel. May dala syang payong ha. Parang may natatandaan ako sa kanya hindi ko lang alam kung sino.
"Para saan pa? Tapos na ang lahat. At ang lahat ng yun, kinalimutan ko na."-Mae.
Nagkita kasi sila sa park matapos ang mahabang panahon at ang pagsisikreto ni Kiel. Humihingi na sya ng tawad kay Mae pero mukhang tuluyang kinalimutan na sya nito.
"Mae! Please! Forgive me! Pinagsisihan ko na ang lahat."-Kiel.
Hanggang sa umulan.. tss.. papel lang yan. Malakas na ulan ang biglang bumulusok.
Biglang hinawakan ni Kiel ang kamay ni Mae para hilahin papasok sa binuksan nyang payong.
"WHOA~~~!!!!"-sigaw ng mga nanunuod sa loob ng gym sa sobrang kilig.
"OMG! KILIGMUCH!"-kilig na kilig na sabi ni Rom.
"WHUT?! NAKAKAKILIG YAN?! TSS.. YUCK!"-Pathy. #Bitter
"Ako na lang sana si Naomi.."-mahinang sabi ni Mary habang nakatawa at nakatingin sa kawalan.
"Hoy! Nu ba?"-Ako.
Oo. Kinikilig ako syempre. Pero pilit na sumasagi ang taong naaalala ko sa palabas na 'to. Sino ba talaga sya?
"Kiss! Kiss! Kiss!"-sigaw sa loob.
"KISS! KISS! KISS! KISS! KISS! KISS!"-patuloy ang sigawan sa loob.
Pero ako medyo nananakit ang ulo. Kaya hinihimas himas ko na ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Stay Girls [Tropang GG]
Novela JuvenilHAppiness, Love, Loneliness, dorkiness, sweetness etc.. you can find these feelings from your TRUE FRIENDS.. Tropang GG! I miss you a Lot.. TToTT ****** This Story is dedicated to my friends.. ^-^