PAHINA 7※

2.5K 76 25
                                    


Night Become Day.

Naalimpungatan ako nang may narinig akong mahinang boses na tumatawag sa pangalan ko. Nakatulog pala talaga ako sa tabi ni Lord J.

"Harsha, gising"

Narinig Kong muling tinawag ang pangalan ko. Mabagal akong bumangon mula sa pagkakahiga. Wala na si Lord J sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng lungkot.

"Ikaw ba yan Butler Jin?"

May pakiramdam akong si Jin iyon pero kailangan kong makasigurado. Kabilin-bilinan kasi ni Lord J na wag tatanggalin ang blind fold.

"Oo, ako ito. Bumangon ka na dyan! Ayoko sanang gisingin ka pero pinasundo ka na sa akin ni Lord J"

"Pwede ko na bang tanggalin yung blind fold?"

"Pwede na"

Sinubukan kong tanggalin yung buhol ng blind fold sa likod ng ulo ko nguni't hindi ko magawa.

"Tumayo ka dito at tutulungan na kita"

Tumayo ako ng matuwid at ilang saglit lang ay walang kahirap-hirap na natanggal nya sa pagkaka-buhol ito. Matapos iyon ay nauna siyang naglakad agad at sinundan ko siya. Lumingon ako sa Veranda at ito'y nakabukas pa rin. Nabigla ako dahil madilim pa rin ang langit.

"Anong oras na ba Butler Jin?"

Huminto sya sa paglalakad at hinarap ako.

"3:00 am na"

"Kaya pala madilim pa. Pero bakit ginising mo ako? Di ba dapat natutulog pa si Lo-- ay, oo nga pala"

Nginitian ako ni Jin at nanatiling nakatayo sa harapan ko. Mas nagiging close na kami at kita kong mabait talaga siya.

"Dito sa mansyon, lahat ng nakatira ay gising sa gabi at sa umaga nagpapahinga. Si Lord sa ngayon ay nagta-trabaho na. Simula sa araw na ito ay kailangan mo ng masanay sa ganitong schedule"

Tumango naman ako. Tumalikod siyang muli at naglakad. Sinundan ko naman siya ng tahimik. Sa totoo lang ay inaantok pa talaga ako pero kailangan kong mag-adjust para sa ikabubuti ko.

Marahang binuksan ni Jin ang kahoy na pinto at nauna nya akong pinalabas. Nabigla ako nang biglang may nagsalita.

"Wow! The pet made it. How was the first night?"

Nilingon ko ang nagsalita. May nakita akong lalake na nakasandal sa kahoy na pintuan ng kwarto ni Lord J. Ang una kong napansin ay ang bughaw niyang mga mata. Naaalala ko siya, siya yung unang Young Master na nakasalubong ko nang dumating ako dito sa mansyon. Agad akong yumuko.

Shit! Ang gwapo nya rin, ang gwapo nilang lahat!

"Good morning Young Master. Do you need anything from Lord J? He's already at the office"

"I came here to check the pet. I know where J is, Jin"

Nakayuko pa rin ako at nakikinig sa kanila. well, sorry sila dahil naiintidihan ko ang palitan nila ng mensahe. Hindi ko lang maintindihan kung bakit naglalaan ng panahon ang masungit na Bampirang ito to check on me.

Biglang may nakita akong sapatos sa harap ko at sure akong hindi iyon pag-aari ni Jin. Ano kayang problema sa'kin ng isang ito?

Bigla niyang hinablot ang pulsuhan ko na ikinagulat ko. Gayun pa man ay napigilan ko pa rin ang sarili kong sumigaw o tumakbo mula sa kanya.
Inilapat nya ang kanyang hinlalaki sa aking pulsuhan.

"Uhuh! Still a Virgin. I wonder wh--"

Nabigla ako nang marahan akong tinulak palayo ni Jin sa kanya dahilan para mabitawan na niya ako.

"I am really sorry Young Master but you knew what will happen if you touch this human, right?"

I heard the Young Master chuckled.

"Ugh!"

Narinig kong daing ni Jin kaya napatingala ako. Nakita ko nalang na sinasakal na siya ng Young Master at iniangat siya sa ere. Hindi manlang lumalaban si Jin. Maaari siyang mamatay kapag nagpatuloy ito.

"And do you think I fear that Lord of yours? You disgusting low life Vampire should learn how to watch your filthy mouth!"

Napatakip ako sa bibig ko nang makita kong unti-unting mula sa asul ay naging purong itim ang mga mata ng Young Master. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak, nguni't tahimik. Sobra siyang nakakatakot, isa siyang tunay na halimaw.

"The fuck, Yoongi! Put him down!"

Napatingin ako sa dereksyon kung saan nanggaling ang boses. Sobrang bilis siyang tumakbo palapit sa amin. Siya yung nakilala kong Young Master kahapon, si Hobi.

"I said put him down before J hear this commotion!"

Hindi ko na nagawang yumuko ulit. Abala na ako sa pag-iisip tungkol Kay Jin at sa kalagayan niya. Hindi ko na namalayan na malaya ko na pala silang pinapanuod.

Unti-unting naging bughaw muli ang kanyang mga mata at walang sabing binitawan si Jin. Nakita Kong bumagsak siya sa semento at hinang-hina.

"Be thankful Hobi stopped me. Next time you disrespect me, I'll surely break your neck!"

Mabilis siyang naglakad palayo habang naiwanan si Hobi kasama namin. Agad niyang tinulungan si Jin upang makatayo.

"Are you okay Jin? Sorry about Yoongi. You knew very well his patience, right?"

Tumango lang si Jin at mabagal na tumayo. Inayos niya ang kanyang damit at hinimas ang kanyang leeg.

"Salamat Young Master"

Gusto kong tanungin si Jin kung okay lang ba talaga sya. Pakiramdam ko kasi sa sakal na iyon ay dapat namatay na siya or may malaking injury. Ganito yata talaga sila, hindi basta basta namamatay.

"Oh! Good morning lady!"

Napalingon ako kay Hobi. Nakangiti na naman siya ng maluwag nguni't agad din naman akong yumuko. Isa siyang Master at bawal tingnan ng deretso.

"Come'on! Wala namang makakakita! Tumingin ka sa akin. Napapangitan ka ba sa mukha ko?"

Agad akong tumingala at tiningnan siya ng deretso.

"H-hindi po Young Master"

Hindi niya inaalis ang ngiti sa kanyang gwapong mukha. Lumapit siya sa akin ng bahagya at lumanghap.

"Wow! After decades! Finally!"

Napa-kunot ang noo ko. Ano kayang ibig nyang sabihin sa wow niya.

"Young Master, we like to stay longer but Lord J order me to take Harsha to her room and change clothes."

"Okay! See you around!"

Sabi ni Hobi pero sa akin siya nakatingin. Nag-umpisa na kaming maglakad ni Jin palayo nang bigla siyang huminto at suminghap-singhap ng hangin.

"She's here"

Agad niya akong hinatak at tumakbo. Hindi ko alam kung bakit pero tumakbo na lang din ako. Pagkarating sa kwarto ay agad niyang sinara ang pinto.

"Maligo ka na, bilisan mo"

Nataranta naman ako at agad na pumasok sa banyo. Oo, may sariling banyo ang kwarto ko nguni't maliit lamang. Narinig kong sumigaw siya mula sa labas.

"Iiwan ko na dito sa kama ang damit na susuotin mo. Please, wag kang lalabas kung hindi kita susunduin"

"Sige, salamat Butler Jin"

Matapos no'n ay naging tahimik na ang kwarto ko. Ang tanging lagasgas ng tubig mula sa shower na lang ang naririnig ko.

Ano kayang ibig sabihin ni Hobi sa wow at sino yung babaeng dumating at parang nataranta si Jin?

※※※※※※

Please vote and comment :)

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon