PAHINA 30※

1.9K 54 27
                                    


PLAN

Nakakabingi ang katahimikan.  Malamig ang simoy ng hangin. Naghahari ang liwanag ng buwan sa madilim na langit, isama mo pa ang mga bituing nagkikislapan sa himpapawid. Hindi na niya alintana ang pangangalay ng kanyang mga binti sa tagal ng kanyang pagkakatayo dito sa malawak na hardin.

Tila kumikislap ang kanyang mga asul na mata sa tulong ng sinag ng buwan. Nguni't kung anong liwanag nito ay sya namang dilim ng kanyang kalooban. Tila siya sinakluban ng matinding kalungkutan.

Buong ingat siyang pumitas ng isang pamukadkad palang na pulang Rosas at nilanghap ang samyo nito. Subali't wala siyang nasamyo, tila ba nawalan ng bango ito simula nang nawala ang pag-ibig na kanyang iningatan noon kahit ito pa ang dahilan ng lahat ng kanyang paghihirap, kasawian. Mabuti na lamang at may sumagip sa kanya at ngayon ay namumuhay na siya ng maayos, nguni't walang ligaya.

"Seems like seeing him again affected you a lot"

Napabalikwas ako at nabitawan ang Rosas, nguni't hindi ko na ito nadampot pang muli at mabilis kong nilingon ang nagsalita.

"I don't know what you're trying to imply. I've moved on already. I don't even remembered his face"

"Is that so?"

Marahan siyang naglakad palapit sa akin at huminto siya sa aking harapan. Nagtama ang aming mga asul na mata, nakaukit sa kanyang labi ang nakakalokong ismid habang tila binabasa kung ano man ang nasa loob ng aking isipan.

Hinawakan niya ang aking baba at pinatingala niya ako ng bahagya.

"You better be. My Brother is head over heels for you, kung di ka lang niya mahal baka matagal na kitang dinispatya!"

Nakakatakot na sabi niya gamit ang magaspang niyang tinig. Hindi na ako nakasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko, oo't kalahi ko sila. Parehas pa kami ng mata, isa akong pure blood, mahinang pure blood sa katotohanan.

"Anyway, I looked for you because my Brother said that he couldn't find a time to come here. Yet, he will send you a message what you'll do next"

Tumango na lang ako ng marahan. Tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin nguni't huminto siya bigla.

"Oh! One more thing. I just want to say good luck to your mission. Don't ruin my Brother's plan"

Nangilabot ako. Alam ko ng mangyayari ito at mukhang umaayon sa amin ang tadhana. Nangyayari lahat ng resultang inaasahan ko, namin.

"Walang problema, Bo Gum"

Sagot ko nalang at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Naiwanan akong nakatayo pa rin. Nagkaroon na ako ng pagkakataon upang damputin ang Rosas na nabitawan ko kanina.

Tinitigan ko ito. Kasabay ng pagsalakay ng mga malulungkot at masasakit na ala-ala. Pinili't kong wag malungkot, wag masaktan habang pilit na iwinawagli't sa isip ko ang lahat.

"Nakalimutan na kita"

※※※※※※※

Nakatulog na muli si Harsha at wala sa malay na inilapag ko ang aking kamay sa kanyang puson. Halos mapunit ang labi ko sa lawak ng aking ngiti sa tuwing mararamdaman ko ang pintig ng puso ng bata sa kanyang sinapupunan.

Blue eyes din kaya siya katulad ko?

May pangil din kaya?

Nasasaktan sa araw?

Kumakain kaya siya ng pagkaing pantao?

Babae o lalake?

Ang daming tanong sa utak ko na nagpa-excite sa akin sa kabila ng napakaraming problema na kailangan kong lutasin.

"Eherm"

Nagulat ako kaya biglaan kong tinanggal ang aking kamay sa puson niya at nakita ko si  Jin na nakatayo sa may pinto.

"Kanina ka pa ba dyan?"

"Simula nung ipinatong mo yung kamay mo sa tiyan niya"

Napangiti ako. Gusto ko siyang sakalin kaso masyado akong masaya para sirain pa ang mood ko. Nilingon ko siya at ikinunot ang aking noo at nagsalubong ang aking kilay.

"Dadalhin ko si Harsha sa Kwarto ko. Doon muna siya, hindi muna ako magta-trabaho upang maban---"

"We need to seek Lord Anton's help"

Nagpanting ang bagang ko. Oo, naisip ko ng may maitutulong siya sa akin pero, hindi ko kasi maisip kung anong kapalit ang hihingiin niya.

"We can't, Jin. Mabait si Lord Anton at sure na tutulungan niya tayo pero ano naman kayang kapalit?"

"Mas importante pa ba iyon kaysa sa kaligtasan nilang mag-ina? Isa pa, nandyan naman si Taehyung, tapos ikakasal na si Fatima at Yoongi. Basically, para mo na rin siyang Ama"

Napatango ako. Pero, hindi ako kumbinsido at napansin iyon ni Jin.

"Lord Anton is a very powerful Lord. Kaya niyang I-handle ang Comptrollers. Paano kung bukas ay bumalik na sila dito? Ni wala pa tayong idea kung saan natin siya maaaring itago"

Napaisip ako. Paano pala kung tama si Jin? Paano pala kung mas ligtas kung susubukan ko? Mas importante ba ang hihingiing kapalit niya kaysa sa kaligtasan ng aking anak?

"Sige, pupuntahan ko si Lord Anton bukas, isama natin si Harsha"

Sa wakas ay sumang-ayon ako sa naisip na plano ni Jin. Besides, siya lang naman talaga ang maasahan ko patungkol sa mga ganitong bagay. Nakita ko pa siyang ngumiti at nilingon ko si Harsha na mahimbing na natutulog.

"Woah! Great Plan of yours Jin. Saan talaga ay totoong genuine yang concern mo, at totoong gusto mong makatulong kay J"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita.

We seen Yoongi stood up at the door tilting his head with an evil smirk on his face. I was about to answer when he abruptly turn his back and left us dumbfounded. 

Hindi ko alam at maintindihan  kung anong isyu ni Yoongi kay Jin pero isinawalang bahala ko na lang. Basta lang ay wag silang magtalo ng malala ay hindi ako mamamagitan. Masyado na silang matatanda para maki-alam pa ako.

"Sige, J. May pupuntahan lang ako"

Lumabas na si Jin at iniwanan ako.

※※※※※※

Nakapag-update din ako eh

Happy 1k reads to blindfold!!! 

Maraming salamat sa lahat!! 
Mister
😍

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon