PAHINA 40※

1.8K 44 69
                                    


FOUND

Narito ako ngayon sa Bidding. Nakasuot ako ng maskara katulad ng karamihan. Hindi ko alam kung bakit may ganito pang rules pero susunod nalang ako. Tutal naman ay maganda ding paminsan-minsan ay naikukubli ko ang aking taglay na kagwapuhan.

Two years ago ng huling pumarito ako sa bulwagan ng malawak na mansyon ni Namjoon. Iyon yung araw na kasama ko si Fatima at binili namin si Jungkook. Oo, katulad ni Harsha ay dito rin siya nagmula.

Napili kong tumayo na lamang dito sa likuran at pilit na huwag maki-usyoso sa usapan ng mga Bampira. Hindi naman din ako interesado. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagtungo ako sa palikuran.

Napangisi ako ng makarinig ako ng impit na ungol sa loob. Sigurado akong may dalawang Bampirang nagkakasiyahan at wala akong planong istorbohin sila. Mabilis kong tinapos ang aking pakay at naghugas ng kamay. Nagmadali na rin ako dahil narinig ko na ang malalim na boses ni Namjoon na umalingawngaw sa buong bulwagan hudyat na umpisa na ng bidding.

Nagmadali ako at nadismaya ng makita kong isang binata ang nakatayo sa entablado. Bakit nga ba nakalimutan kong alamin kung babae o lalake ang ibebenta nila ngayon?
Naglakad na lamang ako at akmang aalis dahil wala naman akong mapapala. Babae ang kailangan ko para kay Jungkook.

Nakarinig ako ng sigawan at paglingon ko ay may bumunggo sa aking isang babae. Tao siya. Hinahabol siya nung Bampira na putok ang muscles nguni't mabilis siyang huminto nang makita niyang hawak ko ito, o mas tamang sabihing dahil nakita niyang asul ang aking mga mata.

"T-tulungan mo ako. A-ayoko na dito"

Pagsusumamo niya sa akin nguni't umiling ako. Hindi siya pasado sa standards ko para maging kapareha ni Jungkook. Binitawan ko na siya at marahang lumapit sa amin ang lingkod na Bampira at humingi ng pasensya sa akin.

"Pasensya ka na nguni't hindi kita matutulungan. Siguro dapat ay maging masunurin ka nalang upang humaba ang buhay mo"

Huling sabi ko at kinaladkad na siya ng lingkod na Bampira. Siguradong mapaparusahan siya nguni't labas na ako roon. Magpasalamat nalang sana siya na natagpuan ko siya, kung hindi ay malamang na patay na siya sa mga oras na ito.  Akmang aalis na muli ako ng makarinig ako ng nagsalita.

"My apology to you Master. There comes a time talaga na sinusubukan nilang tumakas. What can I do to compensate the disturbance our pet done to you?"

Nilingon ko ang nagsalita at parang pamilyar ang tinig nito. Hindi siya nakasuot ng maskara kaya ng magtama ang aming mga mata ay nakilala ko agad siya.

"Lady Sarah? What are you doing here?"

Tama kayo. Ang maestra ni Sefira ang kaharap ko ngayon. Nakakapag-taka at narito siya.

"Well, I am Master Namjoon's Sister. Maybe you didn't had a chance to see me here before. Besides, minsan lang talaga ako magpunta rito dahil busy ako sa aking proffesion as Teacher"

Nagulat ako. Paanong magkapatid sila ni Namjoon? Blue eyes siya at si Namjoon ay Brown?

"I know what you're thinking. Naka-contact lenses lang si Namjoon. Mahirap kasing patingalain ang mga tao kapag blue eyes ang kaharap. Iniiwasan lang ni Namjoon na magka-damage ang goods niya. For business purposes"

Napatango-tango na lang ako. Magkapatid nga talaga sila. Matalinong Bampira kasi si Namjoon at kaya nga siya nararapat na Business Man. Isa siya sa pinaka-mayamang Bampira sa aming lahi.

"Well, I have to go. Akala ko kasi ay babae ang ibebenta ngayon kaya naparito ako"

Tumango-tango lang din si Sarah nguni't bago pa man ako makahakbang palayo ay pinigilan niya ako. Naikunot ko ang aking noo. Don't tell me, crush niya ako at ayaw niya akong mawala sa paningin niya?

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon