PAHINA 5※

2.6K 79 33
                                    


First Encounter.

Matapos akong maligo ay nagulat ako nang may nadatnan akong babae na sa tingin ko lang naman ay kaedaran ko. Yun nga lang ay hindi ako sigurado dahil pula ang mga mata nya. Ang mga Bampira kasi ay imortal, di sila namamatay sa kantandaan. Kailangan patayin o magpakamatay para mawala sila sa mundo.

Naka-tapi lang ako ng tuwalya. Sinalubong ako ng ngiti nung babae. Siguro ay isa rin siyang mababang uri ng Bampira.

"Halika rito at aayusan kita, babalikan ka nalang ni Butler Jin mamaya upang ihatid doon. Ako nga pala si Maya"

Magiliw nyang pakikipag-usap sa akin. In fairness, napaka ganda niya. Balat palang nya panalo na. Napaka-swerte ng lahi nila. Walang pangit na genes.

Una niyang iniabot sa akin ang itim na underwear at barassiere. Agad ko namang isinuot ito. Kasunod niyon ay ang itim na maiksing bestida. Medyo hapit ito sa aking katawan kaya naman halata ang kurba ng aking impis na tiyan at malapad na balakang.

"Maupo ka dito Harsha at magsisimula na ako"

Agad naman akong tumalima at naupo. Una niyang sinuklay ang itim kong buhok na hanggang balakang ang haba at ginamitan ng hair blower para mabilis na matuyo.

"Gusto ni Lord J ang mahabang buhok kaya ilulugay lang natin ito, okay?"

Hindi ako sumagot. Parang may bikig sa lalamunan ko kaya hindi ako makapag-salita. Ibig sabihin, ngayong gabi ay maaaring mawala na ang virginity ko or worst mamamatay na ako.

Matapos niyang masigurong tuyo na ang buhok ko ay pumunta naman siya sa aking harapan at inumpisahan lagyan ng eye shadow.

"Ayaw ni Lord J ng may pulbos sa mukha ang babae kaya eye shadow at lipstick lang ang ilalagay ko sa'yo, okay?"

Pumikit ako, hindi naman ako ignorante. Ayokong sabihan pa nya akong pumikit para malagyan ng eye shadow make-up sa mata. Nasa kalagitnaan siya ng pagpapahid ng kung ano sa akin nang maisipan ko na magtanong.

"Sino po ba si Lord J?"

Naramdaman kong huminto siya sa ginagawa niya kaya dumilat ako.

"Hindi gusto ni Lord J na may nagtatanong ng tungkol sa kanya. Ang masasabi ko lang ay siya ang pinaka-mataas sa clan namin. Kung ikukumpara sa mga tao, para siyang Governor sa lupang nasasakupan"

Sa totoo lang wala akong masyadong alam sa mga Bampira kundi ang pagiging malupit nila at ang pagkain nila ay ang dugo naming mga buhay na tao. Hindi ko alam na my Clan sila at may namumuno. Wala pala talaga akong alam.

"Done! Here, look at yourself"

Iniabot nya sa akin ang isang salamin at hindi ko makilala ang sarili ko. Eye shadow lang ito at lipstick pero ang laki ng pinag-iba sa itsura ko kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Shet! Ang ganda ko pala kapag naayusan! At least maganda akong mamamatay kung sakali.

"Harsha"

Kinuha nya ang salamin at hinawakan ang kamay ko. Ngayon lang ako naka-encounter ng mabait na Bampira. Hindi naman pala lahat sila masama.

"Paalala lamang mula sa akin. Kung gusto mong maka-survive sa first night mo kasama si Lord J ay wag na wag kang magtatanong, sasagot lang pag kailangan, at sundin mo lahat ng ipagagawa nya sa'yo"

Bigla akong ninerbyos. Hindi pa ako handang mamatay sa totoo lang. Pero sana, sana talaga ay maka-survive ako ngayong gabi. Nguni't biglang may naisip akong itanong sa kanya.

"Bakit, alam na alam mo? Pang-ilan na ba akong nabili nya? Lahat ba ng nauna sa akin ay hindi nakaligtas?"

Bumuntong hininga muna siya at tiningnan ako ng mataman. Pulang pula ang mga mata niya. Lalo tuloy tumingkad ang maputi niyang balat.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon