PAHINA 24※

2.3K 50 24
                                    

Threat.

Prenteng naka-upo ang binatang Bampira sa Hardin na animo'y may hinihintay.

Hindi maitatago ang pag-ismid at iritasyon sa kanyang gwapong mukha. Tumingala siya sa madilim na langit, napaka-liwanag nito buhat sa mga bituin nguni't para sa kanya'y isa itong parusa. Sana ay natatandaan niya kung kailan huli niyang nagustuhan ang mga bituin sa langit.

Awtomatiko siyang napatingin sa malaking entrada ng mansyon nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Dumating na ang kanyang hinihintay.

Madali siyang tumayo at ipinanatili ang ngisi sa kanyang mapupulang labi hanggang sa unti-unting bumukas ang malaking tarangkahan at bumasok ang itim na kotse na madalas ginaganit ni jin.

Naunang umibis mula sa sasakyan ang nasabing binata at mabilis na umalis ang sasakyan upang pumurada sa dapat nitong kalagyan.

"Have you visited her again? "

Nanunuyang tanong ni Yoongi sa binata. Agad naman siya nitong nilingon kalakip ang nakakatakot nitong aura.

"Wala ka ng paki-alam doon."

Magkaharap na ang dalawang binata nguni't may ilang hakbang silang pagitan. Hindi na nagsayang ng panahon si Yoongi at agad na nilapitan si Jin hanggang sa dalawang hakbang na lang ang layo nila sa isa't -isa.

"It's funny how you manage to stay as servant to J when you already have what you wanted. I mean, Althea ? Or should i call her. . ."

Mapang-asar na turan ni Yoongi na tila sinasadya niyang inisin ang bampirang lingkod.

"Quit it ,Yoongi. Kahit anong gawin mo ay wala kang makukuha sa akin. I just get what I deserve, she love me."

"She love you ?"

Tumawa ng nakakaloko si Yoongi, matapos niyon ay tinitigan niya ng maagi si Jin at may kahalo na itong galit.

"You didn't know what J went through because of your stupid love, Jin! And let me tell you this, hide that bitch carefully, because once i found her, i will kill her nice and smooth. Got that ?"

Namulsa si Yoongi matapos niyang bitawan ang maanghang na salita at tuluyan ng nagalit si Jin. Unti-unti naging itim ang kanyang mga mata.

"Papatayin mo na ba ako, Jin ? "

Humakbang pa ng malapit si Jin at tinanggal ang pagitan sa kanilang dalawa. Oo't mas matangkad sa kanya si Jin nguni't hindi iyon kailan man magiging dahilan upang matakot siya. Isa siyang Pureblood at si Jin ay isa lamang na. . .

"Hindi mo kaya ,Jin. "

Marahang lumitaw ang ang itim na ugat sa balat ni Jin. Nagtataka man si Yoongi kung bakit ganoon siya ay hindi niya mahanap ang sagot. Magaling ang lingkod sa pagtatago ng sikreto.

Si Jin naman ngayon ang tila nag-aalab sa galit at yumuko siya ng marahan upang magtama ang mga titig nila ni Yoongi tyaka nagsalita.

"Correction , Yoongi. I cannot kill you for now but i deffinetely would in time. Besides, i could start with your lovable bitch."

Umusbong ang matinding galit mula sa kaibuturan ni Yoongi at agad na sinunggaban ang ang kwelyo ni Jin. Nag-umpisa na ring umitim ang kayang kanina'y bughaw na mga mata.

"How dare you call her, bitch!"

Napa-ngisi si Jin at padabog na tinggal ang kamay ni Yoongi na nakahawak sa kanyang kwelyo.

"You called mine also that way earlier but i did not budge, Young master "

Matapos iyon ay agad na tumalikod si Jin at nagtangkang umalis nang siya'y mapahinto dahil sa tinuran ni Yoongi.

"I know where she is and I'm wondering how her blood would taste like since she was an AB before, right? You should've kept her away from me. Besides, I am still a pure blood, Jin. Stronger than you. "

Malumanay na pahayag ni Yoongi at tila nagtagumpay siya sa Plano niyang galitin ang lingkod dahil ito'y madaling humarap muli sa kanya, tumakbo papalapit at sinunggaban ang kanyang leeg.

Hindi lumaban ang Master na bampira at hinayaan niyang kainin ng galit si Jin. Gusto niyang makita kung ano pang mayroon siya. Nginisihan niya pa ito na naging dahilan upang lalong higpitan ni Jin ang pagkakasakal sa kanya.

Napa-ingit siya ng maramdaman niyang tila nauubusan na siya ng hininga nguni't Hindi pa rin siya nagtangkang lumaban. Kayang-kaya niyang tanggalin ang mapangahas na kamay ni Jin na nakasakal sa kanyang leeg subali't hindi niya ginawa.

"Holy shit! "

Agad na napalingon si Jin nguni't mabilis ding tumalikod at binitawan si Yoongi. Ito pa lamang kasi ang nakakakita sa kanyang pag-iibang anyo tuwing nagagalit.

Pilit niyang pinakalma ang sarili hanggang sa may naramdaman siyang humila sa kanyang damit pang-itaas at nang mapaharap siya sa taong iyon at sinalubong siya nito ng malakas na suntok sa kanyang panga.

Hindi siya naging handa kaya napa-upo siya sa lupa. Matapos niyon ay agad niyang dinaluhan ang kanyang nakatatandang kapatid ba si Yoongi.

"Anong nangyari ? Kailan ba kayo titigil sa pag-aaway ? Kalahating siglo na kayong ganito! Ano ba! Please, grow up!"

Singhal niya kay Yoongi at tinangka niya itong tulungan upang makatayo nguni't hinawi lamang nito ang kanyang kamay. Matapos niyon ay mabilis itong naglakad palayo mula sa kanya. Naiwan sa Hardin si Hobi na nakatitig kay Jin na nakasalampak pa rin sa lupa.

Napa-iling na lamang siya at nilapitan si Jin at inilahad ang kamay upang tulungan siyang tumayo. Tinanggap naman agad ito ng lingkod . Buong lakas siyang hinila ni Hobi at sa wakas ay nakatindig sa siyang muli.

"Ano bang nangyari? Tyaka Jin, Hindi tama na pinapatulan mo si Yoingi. Kung ako lang o si J ang makakahuli sa'yo ay okay lang, pa'no kung iba na ? Alam mo ang parusa sa mga kumakalaban sa mga Pure Bloods."

Mahabang litanya ni Hobi. Tunay siyang nag-aalala sa dalawa, parang kapatid na rin kasi ang turing ni Hobi kay Jin kaya ayaw niya rin itong mapahamak. Isa pa, alam na alam niyang hindi ganun kaganda ang ugali ni Yoongi .

"Don't worry, hindi ko na siya ulit papatulan next time."

Ngumiti ng maluwag si Jin sa kanya.

"Pasok na tayo, sandali na lang at sisikat na ang araw."

Namulsa lang si Hobi at hinayaang maunang maglakad si Jin, nguni't may nakalimutan siyang itanong rito kaya't binilisan niya ang kanyang bawat hakbang at nang natapatan niya ito ay biglang humangin ng medyo may kalakasan at may dumaang pamilyar sa kanyang pang-amoy.

Awtomatiko siyang napa-hinto at siyang lingon naman sa kanya ni Jin.

"Bakit ?"

"Ah, sige , mauna ka na. Nakalimutan kong lumabas pala ako dito upang kumuha ng Rosas para sa Opisina ni J"

Agad tumalikod si Hobi at nagmadaling bumalik sa Hardin kung saan nakatanim ang mga rosas. Dala-dala ang isang tanong sa kanyang isipan.

Rosalia? Why does he smell like her ?

※※※※※※※

Just update po

Salamat sa mga magbabasa.

Please, vote and comment.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon