PAHINA 26※

2.1K 44 12
                                    


Century check?

Bakit ba kailangan palagi nilang ipaalala yung bagay na pilit kong kinakalimutan? Mahirap bang mahalata sa aking pananalita na hindi ko gustong nauungkat ang nakaraan? Hindi ba nila naiisip na, ayaw ko ng maramdaman yung sakit ng nagdaang panahon na sa pakiramdam ko'y tila kahapon lamang naganap?

Love their ass. It was made to destroy everything, even yourself.

Kanina pa dapat ako nagbabasa ng mga papeles na kailangan kong aralin nguni't narito ako't nakatitig sa Rosas na nakalagay sa Plorera.

Siguro ay kasalanan ko din kung bakit hindi ako makalimot. Paano ako mag-uumpisa sa paghakbang kung ang simpleng mga Rosas na ito ay hindi ko magawang isantabi? Itapon?

Tumayo ako ng marahan habang nakapukol ang aking tingin sa mapupulang bulaklak na kahalintulad ng kanyang labi noong unang masilayan ko siya. Hindi ko namalayang may gumuguhit na palang ngiti sa aking mga labi subali't kasabay niyon ang dagliang pagkirot ng aking puso.

Masakit pa rin pala.

Binuhat ko ang Plorera sa maingat na paraan upang ilagay ito sa may kalayuan sa akin. Kailangan kong matututong lumimot kahit kaunti muna, at uumpisahan ko ito sa Rosas na hawak ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglaang bumukas ang pinto at dahil sa nabigla ako ay nabitawan ko ang Plorera, ang tunog ng pagkabasag nito ay tila nagpa-bingi sa akin. Tinitigan ko ang nagkalat na piraso ng basag na plorera, ang malinaw na tubig na nagkalat sa semento at ang Rosas na tila nawalan ng buhay. Katulad lang noon.

Why the fuck everything reminds me of her?

"S-sorry J. Kakatanggap ko lang ng liham. Ilang oras lang ay darating na sila"

"Sila?"

Naikunot ko ang aking noo. Pansamantala kong nakalimutan ang malalim kong ini-isip kanina. Ipinagpapasalamat ko iyon kay, Jin.

"Yung Comptrollers! Here is the letter J"

Agad lumapit sa kanya si Jin at inabot ang Letter. Hindi pa nabubuksan ang sobre nguni't nakasulat sa labas nito kung saan ito nagmula kaya nalaman agad ito ng lingkod. Mabilis na binuksan ni Jimin ang liham at binasa.

To Lord of Coron Clan,

We are here to inform you that today is the day we'll visit your mansion to check. I hope everything is fine and ready as we get there. I also ask for your cooperation to make this inspection doesn't take longer. Please, expect us in few hours. Thank you for your time.

Respectfully,
Comptrollers


Agad na nilamukos ni Jimin ang maliit na liham at galit na ibinato ito kung saan.


"Bakit ako agad? Talaga bang iniinis nila ako?"


Hindi man lang natakot ang lingkod kahit bakas sa kanya ang sobrang galit.


"My apology, Lord J. Hindi ko rin napansin ang petsa. It's Septemer 7, 2017 today. Exact 50 years after of Sept 6, 1967. And we all know, why they like to check on you first, you almost break the rules"


"I did not break any rules, I was just been nicer and ---"


"I know. So what are we gonna do? Seems like you've been so nice again?"


"Call the boys, Jin "


Nag-umpisang lumuhod si Jimin at isa-isang dinampot ang nagkalat na Rosas mula sa simento.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon