PAHINA 39※

1.8K 42 33
                                    


Mate

"Ano ng gagawin ko sa'yo ngayon Kookie? May asawa na si Fatima at busy na siya. Hindi ka na niya maaalagaan"

Usal ko habang hawak ang platong may lamang pagkain. Simula nang manganak si Fatima ay ibinalik na niya dito sa mansyon si Jungkook at ako ang pansamantalang nag-aalaga sa kanya. Nakakahinayang din kasi dahil isa siyang type AB. Isa pa, naging masunurin siyang alaga sa aking kapatid.

"Kung ibabalik kita sa tinadahan ni Namjoon ay baka hindi ka na niya tanggapin dahil marami ka ng kagat"

Napakamot ako ng ulo at inilusot ko na sa butas sa ilalim ng kanyang kulungan ang pagkain. Hindi umimik si Jungkook at marahang nagsimulang kumain.

"Pa'no kaya kung bumili na lang ako ng mapapangasawa mo?"

Napatingala si Jungkook kay Taehyung at napaubo. Tila nabulunan siya at napansin naman iyon ng Bampira kaya inabot sa kanya ang baso ng tubig.

"A-ano? Bata pa ako para mag-asawa!"

Sigaw nito nang matagumpay na niyang nalunok ang kanyang kinain. Hindi pa siya handang mag-asawa at isa pa, ayaw niyang magkaroon ng anak tapos ay magiging alipin lamang iyon. Mas gugustuhin nalang niyang mamatay.

"Anong gagawin ko sa'yo? Buti sana kung babae ka at magkakaroon ka ng silbi sa akin"

Nakaupo nang muli si Taehyung sa malambot na sopa at matamang nagkipagtitigan kay Jungkook.

"A-ayokong mag-asawa tapos ay magiging alipin katulad ko ang aking anak pagdating ng panahon. Mas gugustuhin ko pang mamatay o tumandang mag-isa"

Nahabag ang Bampira sa inusal ng binatang tao sa kanyang harapan. Sa totoo lang ay nakakaramdam siya ng awa para sa mga ka-uri niya. Nguni't magka-iba sila at kailan man ay hindi sila magiging pantay.

"Sige, mananatili ka nalang dito habang wala pa akong naiisip na gawin sa iyo. Pero, pupunta pa rin ako sa Bidding mamayang gabi. Malay mo, may makita akong magandang babae na pwede kong ipareha sayo"

Umismid si Taehyung at tumawa rin ng mahina pagkuwan. Napailing na lang si Jungkook at itunuloy ang pagkain. Wala naman kasi siyang magagawa, wala siyang kakayahang magdesisyon para sa sarili niya.

※※※※※※

Nakatitig ako sa kawalan at pilit na inaalis sa isip ko ang mga agam-agam. Hindi pa rin kasi mawaglit sa aking isipan ang mga panaginip ko. Madalas kong napapanaginipan si Harsha nguni't pareho lang ito at paulit-ulit. Hindi ko alam kung anong nais niyang ipahiwatig. Inaalagaan ko naman ng mabuti si Sefira, hindi ako nagkulang para pakitaan niya ako ng ganito. Isa pa, imposibleng ipinapahiwatig nito na siya ay buhay dahil ako mismo ang naglibing sa kanya kasama ang aking mga kapatid, Jin at Taehyung.

"Lord J?"

Nahila ako sa katotohanan nang may tumawag sa aking pangalan. Sa sobrang lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan na may pumasok na pala sa aking silid opisina.

"My apology Lord J, kanina pa ako kumakatok nguni't hindi niyo yata ako naririnig kaya pumasok na ako"

Bungad na paliwanag sa akin ni Sarah. Siya ang maestra ng aking anak. Siya ay nagmula sa Baron Clan nguni't hindi ko sigurado kung siya'y nag-iisang anak. Ang tanging alam ko lamang ay isa siya sa pinaka-matatalinong Bampira na nabubuhay sa aming lahi. Nguni't mas pinili niyang maging maestra ng mga batang Bampira kaysa gamitin ito sa pulitika naming lahi.

"It's fine. What can I do for you?"

Tanging naitanong ko at itinuro ko ang silya senyales na siya ay aking pinauupo upang makapag-usap kami ng maayos.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon