PAHINA 29※

1.9K 44 13
                                    

※※※※※※

BLACK EYES

"What the fuck? How is that even possible! The Comptollers just went here, J! They will come back to get her! This is insane!"

Hysterical na sabi ni Taehyung. Kinumusta niya kasi ako dito sa aking opisina. Si Harsha ay iniwan kong natutulog sa kwarto ni Jin. Hindi ko na sinubukan pang mag-lihim sa kanya dahil nagbabaka sakali akong matutulungan nya ako. Isa pa, naniniwala akong hindi niya ito ipagsasabi kahit kanino.

"I don't know how it happened too! I-I thought it's impossible for a Vampire and a Human to produce a seed. I was surprised too!"

Tugon ko sa kanya at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi ito ang tamang panahon upang magtalo kami.

"Look! You lost a human 50 years ago, just because you treated her nice at wala kang nagawa para pigilan iyon. Ngayon, sa tingin mo ba mapipigilan mo iyon?"

Naikuyom ko ang aking mga palad at padabog na napatayo.

"You're not helping Taehyung! Kaya ko sinabi lahat sa'yo dahil I trust you and I am hoping na may maisip kang paraan!"

Natahimik si Taehyung nguni't marahas na naihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha nang biglang may pumasok sa loob.

"Tama ba ang narinig ko? Harsha and you produced a seed?"

Si Hobi ang bagong panauhin na pumasok. Narinig na niya ang lahat at wala na akong maililihim pa. Kaya tumango nalang ako bilang pag-amin.

"We need to do something. Siguradong kukunin siya ng Comptrollers at pag-aaralan siya pati na rin ang pamangkin ko!"

Tama si Hobi. Pero hanggang sa ngayon ay wala pa kaming naiisip na paraan.

"What if --- Gawin natin siyang Vampire?"

Suhestiyon ni Taehyung.

"We can't do that now. Only 10% ang chance na maka-survive siya.  Maaring mamatay din ang bata. Kailangan natin siyang itago sa ngayon"

Tutol ni Hobi. Tama siya, delikado ang pagsasalin. Hindi ito kakayanin ng katawan niya ngayon. Baka mapahamak pa ang aking anak.

"Gusto mo bang dalhin ko muna siya sa amin?"

Alok ni Taehyung.

"Kapag nalaman nilang naroon sa inyo si Harsha ay malamang na madamay ang clan ninyo sa parusang ipapataw sa akin, kung sakali"

Ayokong may madamay. Lalo pa't sarili ko itong problema. Kailangan ko pang mag-isip ng ibang paraan para maitago si Harsha, upang maprotektahan ko sila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip at sila din ay natahimik na nang biglang may pumasok sa loob. Nagbigay galang siya sa aming lahat at tyaka ako hinarap.

"Gising na si Harsha, Lord J"

*^▁^*

Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Pakiramdam ko rin ay hinang-hina ako at giniginaw. Medyo malabo pa ang aking paningin kaya ilang beses akong pumikit at nang malinaw na ito ay nagulat ako ng nakitang hindi pamilyar sa akin ang kisame ng kwarto kung saan ako naroon.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon