Pahina 52

1.5K 32 32
                                    


※※※※※※

"Where have you been?"

Bungad sa akin ni Lord Luhan. Hindi ko akalain na namalayan niyang tinakasan ko na naman siya. Balak ko pa naman sanang maligo pagka-uwi dahil alam kong malalaman at malalaman niya kung saan ako nagmula.

"H-huh? Nagpunta lang ako sa Baron."
Pagsisinungaling ko pero tila kilalang-kilala na niya ako. Humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay humakbang paatras, palayo sa kanya. Bakas ang galit sa kanyang mga mata at nag-uumpisa na rin sumikip ang aking paghinga dahil sa kaba.

Patuloy lang aking paghakbang paatras at tila isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya at sinunggaban niya ang aking kanang braso. Napakahigit nang hawak niya rito. Hinigit niya ako palapit sa kanya at naramdaman ko nalang ang kanyang hininga sa aking leeg. Sinisinghot niya ang aking samyo at bigla niya akong sinampal nang napakalakas ngunit hindi ako natumba o nakaiwas dahil hawak niya pa rin ako at lalo itong humigpit dahil sa galit niya.

"You traitor, bitch!"

Mabilis na nangapal ang pakiramdam ko sa aking pisngi na kanyang nasampal. Kinaladkad niya ako papasok ng mansyon. Nakita pa kami ng ibang bampira na nasa loob pero wala silang nagawa. Lahat sila ay yumuko lamang at walang nag-komento. Sino ba naman ang lalaban sa isang Lord?

Patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin hanggang sa makarating kami sa aming kwarto. Oo, amin, bilang mag-asawa. Pabagsak niyang sinipa ang pinto at agad itong nabuksan. Nang makapasok kami ay inihagis niya ako sa kama. Kung hindi lang malambot ang kutson ay baka nagkalasog-lasog ang mga mga buto ko sa lakas ng hagis niya sa akin.

Punong-puno ng luha ang aking mukha at pulang-pula na rin ang braso ko na hawak-hawak niya kanina.

Namaywang siya sa aking harapan, sa dulo ng kama at ilang ulit na marahas na sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Tell me. What information did you give J!"

Hind ako sumagot. Patuloy lang ako sa paghikbi. Wala akong planong ipahamak si Lord J. Kung papatayin niya ako ay wala akong paki-alam. Pero, lalong nagalit si Lord Luhan at nilapitan ako. Kulay itim na ang kanyang mga mata at hinila na naman ako. Napa-igik ako dahil doon na naman niya ako hinawakan sa namumula ko ng braso. Sinampal niya akong muli. Kumalat sa mukha ko ang aking mahabang itim na buhok. Matapos niyon ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyugyog. Lalong lumakas ang aking iyak ngunit tinatagan ko ang aking loob. Hindi kailanman ako magsasalita tungkol doon.

Bigla niya akong binitawan at tumawa siya nang malakas. Galit pa rin siya at itim pa rin ang mga mata. Hinaplos ko ang aking namamagang pisngi nang bigla siyang nagsalita.

"Strip!"

Nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata dahil sa utos niya. Oo, alam ko at totoong maraming ulit nang may naganap pero lahat iyon ay sapilitan at hindi ko ginusto.

"I said strip down your fucking clothes!"

Umiling ako at niyakap ang aking sarili. Hindi ko talaga gustong may nangyayari sa amin. Pakiramdam ko ay napakarumi ko at hindi na dapat na matanggap pa ng kahit na sinong lalake. Kahit pa ni Lord J.

Marahan na lumapit sa akin si Lord Luhan at hinawi ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Kinilabutan ako nang hawakan niya nang marahan ang aking mga balikat at naramdaman ko rin na unti-unting ibinababa niya ang zipper ng aking dress sa likuran. Halos pigilin ko ang aking hininga nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin, akala ko ay hahalikan niya ako pero dumeretso ang kanyang mukha sa aking tainga.

"Jin is currently doing his ultimate revenge and as of now, I guess, one of the Coron son  was already dead..."

Bulong niya at naramdaman ko na lang na bumagsak sa aking paanan ang aking damit. Dinampian niya ng halik ang aking leeg at nangatog na naman ako. Takot na takot ako dahil sa aking nalaman.

"P-please, stop this Lord Luhan. Stop Jin."

Lumayo siya sa akin nang kaunti pero nakayakap sa aking hubad na bewang ang kanyang mga braso saka ngumiti.

"If you do well tonight, I will tell Jin to spare Sefira."

Lumukob sa akin ang sobrang takot. Hindi na ako sumagot dahil alam ko naman na hindi siya makikinig. Lumandas muli sa aking pisngi ang aking masaganang mga luha. Pero, tila walang nararamdaman na awa si Lord Luhan para sa akin.

"Now, strip your remain clothes and pleasure me, Harsha."

※※※※※※

Nagmadali akong makarating sa Coron Mansion. Nasa entrada pa lang ako ay rinig ko na ang kaguluhan, rinig na rinig ko ang daing ni Hobi at tila hirap na hirap. Mabilis akong bumaba mula sa aking kotse at tunakbo sa loob.

Wala akong maramdaman na pagod o hingal pero damang-dama ko ang malakas na pagwawala ng aking puso. Hindi ako nag-aksaya kahit isang segundo at tila naubusan ako ng hangin nang sa bukana palang ng bulawagan ay nakita ko na ang nagkalat na mga abo, katibayan na marami ng namatay na bampira dahil sa labanan.

Tumakbo pa ako at hinanap ko at sinundan kung saan nagmumula ang daing ni Hobi hanggang sa makararing ako sa gitnang bahagi ng bulwagan.

Roon ay nakita ko ang isang matangkad na lalake na may malapad na balikat. Sakal-sakal niya si Hobi sa ere. Kitang-kita ko ang paghihirap niya kaya mabilis akong tumakbo na tila kidlat at binigyan ng suntok si Jin ngunit nakaiwas agad siya sa akin. Bigla niyang binitawan si Hobi at nakahinga naman ako nang maluwag nang dumaing ito, patunay na buhay pa siya.

Hinarap ako ni Jin at ang una kong napansin ay ang kumikinang niyang asul na mga mata. Limang dekada ang lumipas nang huli ko iyon nasilayan. Akala ko ay permanente nang magiging kayumanggi ang kanyang mga mata gaya ng kanyang sinabi noon. Mabilis kong dinaluhan si Hobi at tinulungan siyang tumayo.

"Are you okay? Where are everyone? Seffira? Where is she?"

Hindi ako masagot ni Hobi dahil nanghihina pa siya. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Jin kaya mabilis akong napalingon sa kanya. I never thought that the person I trusted since then was the one who's going to betray me.

Namulsa si Jin at nag-umpisa maging itim ang kanyang mga mata at may lumabas na mga ugat sa kanyang leeg hanggang sa kanyang mukha. Pari na rin ang kanyang mga kamay ay nagkaroon ng ugat na kulay itim. Nakakakilabot ang kanyang awra, napakalakas ng enerhiya na lumalabas sa kanyang katawan. Hindi ko akalain na ganito siya kalakas, paanong nagawa niyang itago ang kanyang lakas? Paanong hindi ko namalayan ang kanyang enerhiya sa loob ng ilang dekada? Hindi ko mai-alis sa kanyang anyo ang aking paningin at nakita ko siyang humakbang ng ilang ulit at huminto sa mismong aming harapan ni Hobi.

"They're all dead, Jimin my brother."

※※※※※※

Sorry natagalan sa update.

Patapos na po kasi eh.

😞

Thank you for reading.

I love you all.

Mister

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon