PAHINA 23※

2.4K 67 47
                                    


( WARNING ⚠- SPG) 

At the office?

Bumalik akong mag-isa sa loob ng mansyon. Naisip kong bigla na maganda rin pala ang epekto sa akin ng pagyaya ni Taehyung na pumasyal kami sa Hardin. Hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan huli akong nakaramdam ng kapayapaan. Kahit na minsan, nag-iisip pa rin ako ng mga negatibong bagay na maaaring mangyari sa akin at madalas ko ding naaalala ang aking pamilya.

Hindi ba pwedeng magkasundo yung mga tao at Bampira? Yung kusang loob kaming magdodonate ng dugo, yung may routine. Para hindi nila kailangan kami'y gawing alipin at pareho kaming mamumuhay ng masaya. Kami sa umaga at sila naman ay sa gabi.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang sumulpot si Jin sa aking harapan. Nguni't hindi man lang ako nagulat, lubha yatang sobrang napalalim ang aking iniisip.

"Pinapatawag ka ni Lord J sa opisina niya"

Nagtaka naman ako at nang mapagtanto ko ang maaaring dahilan ay natutop ko ang aking bibig. Di kaya parurusahan niya ako dahil nahuli niya kami kanina ni Taehyung? Kasama kasi sa rules yun eh! Rule number 3! Bawal makipag-ugnayan sa tao kahit na sa ibang Bampira.

Patay ka, Harsha!

Naunang naglakad sa akin si Jin, hindi pa ako nakakapunta sa opisina ni Lord J kaya siguro ay ihahatid niya ako. Tahimik kaming naglakad at wala ni isa sa amin ang nagbukas ng paksa upang may mapag-usapan.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa Opisina. Halos malula ako sa lapad ng kahoy na pinto. Subali't, napukaw ng napakagandang ukit ng mga Rosas ang aking atensyon. Mahilig siguro sa Rose si Lord J. Marami siyang Rosas  sa hardin tapos ganito rin ang disenyo ng kanyang Opisina.

"Maiwan na kita. Pumasok ka na sa loob"

Mabilis na tumalikod si Jin at iniwanan ako. Hindi man lang ako nakapag-pasalamat na hinatid niya ako rito.

Humugot ako ng malalim na hininga bago kumatok at kasabay niyon ay ang pagkabog ng puso ko ng sobrang bilis, walang kontrol at animo'y naririnig ko na ito sa aking mismong tainga.

Walang sumagot kaya nagpasya na lang ako na itulak na ang kahoy na pinto at doon ay nakita ko si Lord J sa loob na prenteng nakaupo sa likod ng kanyang lamesa at halatang naghihintay. Agad na nagtama ang aming paningin at ang pakiramdam ko'y tila naging balisa.

Hindi ko maipaliwanag ng maayos nguni't sigurado akong hindi maganda ang kahihinatnan ng aming magiging pag-uusap kung iyon man ang magaganap. Tila ba ang kanyang mata'y nagaalab at pumapaso sa aking balat.

Pinilit kong timalikod upang isara ang pinto at para na rin mabawasan ang kabang aking nararamdaman. Matapos kong maisara ang pinto ay humarap ako sa kanya nguni't nakayuko ako.

"Bakit mo po ako ipinatawag, Lord J?"

"Come here and sit down. Anyway, please, look up."

Marahan kong iniangat ang aking ulo. May nakita akong upuan sa harapan ng kanyang lamesa kaya madali akong lumapit hanggang sa marating ko ang kahoy na upuan at nagtangkang uupo nang pigilan niya ako.

"Not there, Harsha. Here."

Naikunot ko ang aking noo, tinitigan ko siya at naghanap ako ng bakanteng upuan na malapit sa kanya nguni't nabigo akong makakita kahit isa.
Nakuha siguro ni Lord J na hindi gumagana ng maayos ang utak ko kaya muli siyang nagsalita.

"Sit ON me, Harsha."

Sit on me? Lord J, wanted me to sat down on him? Gosh, help me heavens with this.

Nag-umpisa akong maglakad ng mabagal at tila nahihiya pa akong lumapit sa kanya at nang ilang hakbang na lang ang aming pagitan ay bigla niyang hinablot ang aking kamay at awtomatiko akong napaupo sa kanyang kanlungan.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon