PAHINA 55

1.7K 42 28
                                    


"Daddy!"

Malakas kong sigaw nang makapasok kami sa mansyon. Halos madapa ako sa sobrang bilis ng aking takbo upang matulin na makarating sa loob ng mansyon. Nanlumo ako nang makita ko ang aking ama, si Uncle Yoongi at Uncle Hobi na nakatali ng kadena. Kulay pilak iyon at kahinaan namin ang pilak. Iyon ang tanging panlaban sa amin ng mga tao.

"Kumpleto na tayo, simulan na ang palabas!"

Malakas na anunsyo ni Butler Jin. Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang isang patalim na gawa rin sa pilak. Tatakbo na sana ako upang sugurin siya at agawin ang patalim pero pinigilan ako ni Master Taehyung sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa aking kanang braso. Mabilis akong lumingon sa kanya at ang isinagot niya sa akin ang marahang pag-iling.

"Wag kang mag-alala Sefira. Hindi ko naman sila papatayin..." Paunang salita ni Butler Jin habang pinaglalaruan ang maliit na sandata sa kanyang mga palad at naglakad sa likuran nina Daddy at Uncle, na nagpupumilit makawala maliban kay Uncle Hobi na walang malay. "Basta ba makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko at susunod ka."

"Wag ka makinig sa kanya anak. Tumakas ka na, makakatakas kami!" Sigaw ni Dad pero umiling lang ako. Sa itsura niya ay halatang hindi siya makakatakas. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Master Taehyung sa braso ko. Napalingon muli ako sa kanya.

"Ikaw ang sunod na tagapagmana ng Coron. Kapag namatay kayong lahat. Mawawasak ang Coron at sasakupin ito ng ibang Clan." Bulong sa akin ni Master Taehyung. Iyon siguro ang dahilan ni Dad kaya gusto niya akong tumakas. Pero, paano ko masisikmurang iwanan sila at hayaang mamatay ng ganun lang?

"Una sa lahat, nais ko ipakilala sa iyo ang iyong long lost mother. Harsha or known as Mistress Natasha!"

Pahayag niya. Mabilis kong binawi ang paningin mula kay Master Taehyung at nilinga ang tingin sa bulawagan. Noon ko lang napansin na naroon si Mistress Natasha. At may kasama siyang isang pure blood na bampira. Ito siguro ang kanyang asawa dahil na rin sa bakas ng kagat ng pangil sa leeg nito.

"No... Hindi siya ang mommy ko. Bakit gugustuhin ng mommy ko na mapahamak si Dad. Hindi..."

Hindi ko namalayan ang biglaang pagpatak ng luha ko habang nakatitig sa babaeng ngayon ko lang napansin na malaki ang hawig sa aking itsura. Nguni't namuhi ako, hindi lang dahil sa may iba na siyang asawa, hindi lang dahil sa iniwanan niya ako at si Dad. Kundi dahil sa narito siya at pinapanood na mamatay si Dad at kakampi pa niya ang mga kalaban nito.

"Wag kang umiyak Sefira. Makakasama mo rin naman ang iyong Ina, iyon nga lang..." Narinig kong sabi na naman ni Butler Jin pero hindi ko siya nilingon. Napukol na ang atensyon ko sa sinasabi niyang Ina ko raw. Nakita ko siyang umiiling at lumuluha. Tila gusto niya akong lapitan pero hindi niya magawa dahil hawak siya sa braso ng kanyang asawa. "Si Lord Luha na ang magiging Daddy mo at ako bilang asawa mo."

Matapos kong marinig ang sumunod niyang litanya at napalingon na ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatayo sa likuran ng akin ama at nakatitig ng matalim sa akin.

"Hindo kita pakakasalan! Mamamatay muna ako bago mo makuha ang gusto mo!" Sigaw ko pabalik.

"Ganun ba?" Nakangisi niyang tugon at dumilat ng sobra ang aking mga mata ng makita kong paunti-unting nilapit ni Butler Jin ang talin mg kutsilyo sa balikat ni Ama.

"Wag!" Sigaw ko ng malakas ang pumapalag sa hawak ni Master Taehyung pero hindi ko magawa.

Napakalakas ng sigaw ni Ama nang paunti-unting hiniwa niya ang balikat nito. Para lang siyang naghihiwa ng karne ng hayop na lulutuin. Umagos ang dugo at namantsahan ang damit ni ama.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon