PAHINA 45※

1.8K 38 38
                                    


Meet Again.

"Happy birthday my Princess!"

Malakas na bati ko sa aking anak na kasalukuyang nakabaluktot pa at natutulog ng mahimbing sa kanyang higaan. Tila hindi niya ako narinig kaya inilapag ko muna ang maliit na round chocolate cake sa bed side table at nilapitan siya upang kilitiin.

"Gising na Princess ko! It's your birthday today!"

Nakarinig ako ng hagikgik at hinuli niya ang kamay na kumikiliti sa kanyang tiyan. Masaya ako, masayang masaya at hindi ko rin mapigilan ang tumawa. Nasabi kong napaka-swerte kong nilalang dahil sa kabila lahat ng pinagdaanan ko ay biniyayaan ako ng napaka-gandang anak na nagsisilbing kulay at liwanag sa buhay ko.

"D-Daddy! Tama na po! Ha ha ha! Ang sakit na po ng tiyan ko!"

Sigaw niya habang walang tigil sa paghalaklak. Binitawan ko na siya at dinampot ang cake sa bed side table. Nanlaki ang mata ni Sefira nang makita iyon at ang kasunod ay ang pagpatak ng kanyang luha.

"Happy Birthday Sefira! Mag-wish ka na at i-blow ito. Matutunaw na yung candle."

Alam kong nagtataka kayo kung bakit nag-effort pa akong bilhan siya ng cake though we are blood suckers. It's because Sefira eat human foods. Tama kayo ng rinig, kumakain siya ng pagkain ng normal na tao. Sobrang kakaiba ang aking anak. Mas madalas pa nga siyang kumain ng pagkain ng Tao kaysa sa uminom ng dugo. Kaya hindi kami namomoroblema kung saan hahanap ng Vampire blood na iinumin niya.

Pumikit ng mariin si Sefira at ilang segundong dumaan ang katahimikan. Matapos niyon ay inihipan na niya ang kandila. Pumalakpak pa siya at bigla akong niyakap. Buti na lang at mahigpit ang hawak ko sa lagayan ng cake kaya hindi ko ito nabitawan.

"I love you! You are the best Dad ever!"

Sigaw niya at hinigpitan pa ang yakap. Tila hinaplos ang puso ko nguni't may bahid din ng lungkot. Alam kong masaya siya ngayon pero siguro ay mas sobra pa ang kanyang ligaya kung kasama namin ang kanyang Ina. Si Harsha. Si Sefira ang kusang kumalas sa yakap niya sa akin at mabilis na tumayo at tumakbo sa palikuran.

"Punta ka na lang sa Kitchen anak, doon mo kainin yung cake!" Sigaw ko upang marinig niya ako kahit nasa loob na siya ng palikuran.

"Yes,Dad! See you there!" Sagot niya.

Lumabas na ako ng silid dala ang kanyang cake at nagtungo sa dining area. Doon ay naabutan ko si Fatima at Yooma na nag-aalmusal. Wala na akong isyu ngayon sa kanya dahil natutunan din naman niyang mahalin si  Yoongi at ngayon ay may anak na silang kamukhang kamukha ng kanyang ama. Sana lang ay hindi niya manahin ang ugali nito. Sana lang talaga.

"Lord J! Is today Ate Sefira's birthday?"

Tanong sa akin ng aking pamangkin na si Yooma. Inilapag ko ang cake at lumawak ang ngiti niya nang makita ito. Maniwala kayo at sa hindi. Natutong kumain ng pagkain ng tao si Yooma ng dahil kay Sefira. Hindi nga lang daw ganoon kasarap, mas okay pa rin sa panlasa niya ang dugo.

"Yeah, and we will be having celebration bit later. Wear your best Yooma, okay?"

Biglang tumayo at si Yooma at nagtatalon sa tuwa. Ginulo ko pa ang kanyang buhok at siya'y nginitian.

"Fatima, if Sefira looked for me. Tell her I'm in the office."

Bilin ko kay Fatima. May darating kasing mga mag-aayos ng bulwagan para sa kaarawan ng aking anak. Nguni't pili lang ang aking inimbita.
Tumango lang sa akin si Fatima at lumabas na ako ng dining area para magpunta sa aking opisina.

Binabagtas ko ang daan patungo roon nang makita ko si Jin na tila may kausap sa kanyang cellphone pero wala akong planong alamin kung sino ang kanyang kausap dahil hindi naman ako nakikialam sa personal niyang buhay.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon