PAHINA 35※

1.7K 47 37
                                    


※※※※※※

Harsha's Death.

"Lord Luhan?"

Mahinang bigkas ni Maya at mahigpit na niyakap ang sanggol na tila nakaramdam ng kapahamakan at muling umiyak ng malakas. Marahang pinahigang muli ni Taehyung si Harsha at siya'y tumayo ng matuwid. Gayun din si Jin. Tila sila'y naghahanda para isang malagim na kaguluhan.

"Bakit kayo nandito? Wala kaming natanggap na kahit na anong liham na kayo'y magagawi dito sa Coron Mansion"

Matapang na tanong ni Taehyung. Si Maya naman at nagtago sa likod nito. Hindi nila alam kung paanong nangyaring nandito sila, sa mismong gabi kung kailan isisilang ang batang half-breed. Huminto ang nasabing panginoon at naglakbay ang kanyang paningin tungo sa walang buhay na dalagang nakahiga sa lupang nasasapinan lamang ng puting tela.

"Seems like the target was dead"

Nang-uuyam na turan niya na may bahid ng panghihinayang. Dumako ang kanyang tingin kay maya na pilit nagtatago sa likod ni Taehyung habang karga ang naulilang sanggol.

"Wala kayong appointment dito. Makaka-alis na kayo"

Matapang na pahayag ni Taehyung. Naisip niyang kailangan niyang maging matatag upang maprotektahan ang mga dapat proteksyunan.

"We knew that human will born her child at the first full moon of her pregnancy. That's why we're here. Just sadly that She died laboring"

Malamig na sabi ng Panginoong Bampira. Naikuyon ni Taehyung ang kanyang mga kamao. Napagtanto kasi niyang naparito sila upang kuhanin si Harsha. Nguni't dahil patay na ito ay hindi na nila ito kailangan.

"Maaari ko bang makita ang sanggol?"

Sabi ng Lord Luhan gamit ang malalim niyang tinig. Mabilis na kumilos si Jin at tinabihan si Taehyung upang mas makakubli si Maya sa kanilang likuran.

"No, bakit kailangan mo pa siyang makita? Lord J will sure kill you kapag pinilit mong dampian kahit ng paningin mo ang bata"

Tumawa ng malakas ang Lord Luhan at kasunod niyon ay ang pagtitig niya ng masama. Hindi nagtagal itinaas niya ang kanyang kanang kamay at sumenyas ng senyales upang sumugod ang kanyang mga kasama.

"Takbo! Iligtas mo ang bata!"

Sigaw ni Taehyung at mabilis na tumakbo si Maya ng walang lingon. Sumiklab ang gulo, napaka-rami nila at naging abala si Jin at Taehyung sa pakikipaglaban. Habang ang dalawa ay hinabol naman si Maya. May mga lumabas na Bampira upang tulungan si Jin at Taehyung nguni't tila malalakas na uri ng sundalo ang dala ni Lord Luhan.

Habang kasalukuyang sumisiklab ang kaguluhan ay hindi nila namalayang dumating na pala si Hobi at Jimin. Hindi nila kasama si Yoongi dahil hindi siya pinahintulutan ng kanyang asawa. Tutol din ang Ama nito.

Mabilis na nahagip ng paningin ni Jimin ang nakahigang si Harsha. Gustong-gusto niya itong daluhan nguni't mas kailangan munang labanan nila ang mga nanghimasok na lapastangan sa kanyang mansyon.

Mabilis na umitim ang kanyang mga mata at napiling si Luhan ang sugurin. Nakangiti namang sinalubong nito ang kanyang sana'y suntok nguni't ito'y nakaiwas sa una. Pantay lang ang kanilang lakas nguni't aaminin ni Jimin na matagal na siyang walang ensayo sa pakikipagdigma. Hindi katulad ng kanyang katunggali na tila tinatrato lamang biro ang kanyang bawat amba, sipa at suntok.

Nagkagulo na ang lahat. Walang gustong magpatalo. Lahat sila'y ibinibigay ang isang daang porsyentong lakas upang ipaglaban ang kanilang mga sarili.

"Tigil!"

Malakas na sigaw ng isang babae. Lahat sila ay napalingon dito. Walang makagalaw ni isa man sa kampo ng Coron. Lahat sila'y tila nawalan ng pag-asa. Halos magunaw ang mundo ni Jimin at gusto niyang sugurin ang dalawang Bampirang may bihag kay Maya habang hawak nito ang kanyang sanggol.

Mabilis na iniayos ni Luhan ang kanyang sarili at nilapitan ang kanyang mga taga-sunod. Himinto siya sa harap ni maya. Matapos niyon ay kinuha niya ang sanggol sa mga bisig nito. Nang mahawakan na niya ang bata ay walang sabi sabing sinagpang ng dalawang pambira ang dalaga. Di nagtagal ito ay namatay at naging isang abo, isang alaala.

Walang magawa si Jimin habang maingat na hinenele ni Luhan ang sanggol sa kanyang mga bisig.

"Bitawan mo ang anak ko!"

Sigaw niya nguni't hindi siya gumawa ng kahit na anong hakbangin dahil natatakot siya para sa kaligtasan ng kanyang anak. Hindi sumagot ang Luhan at hinimas himas lang ang pisngi ng bata. Ilang sandali ay bigla itong umiyak.

"Woah! She has blue eyes like yours but the face resembles her Mom. I wonder what this Half-breed could do"

Tila mapang-asar na turan ng Panginoong Bampira at panay lang ang himas sa pisngi nito at patuloy lang ito sa pag-iyak. Ilang sandali lang ay deretso itong tumingin sa mga mata ni Jimin.

"Simple lang, Lord J. I will give back to you this child but you will send us every information about her. Also give us access to visit her once a month. Take it as like a business, you have your lovely daughter and we will have our studies run further"

Iiling na dapat si Jimin upang hindi sumang-ayon nang biglang sunggaban ni Jin ang kanyang braso.

"Lord J. Pumayag ka nalang. Pero, humingi ka rin ng kapalit"

Tumango ng mabilis si Lord J. Wala na siyang maisip na paraan kundi ang pumayag upang makuha niya ang bata. Ulila na ito sa Ina kaya dapat lang na maprtotektahan niya ito sa alin mang halaga.

"Sige! Pero, kami ang pipili kung sino ang Comptroller na dadalaw sa kanya at kung tuwing kailan!"

Sigaw pabalik ni Jimin kay Luhan. Napangiti ng maluwag ang Panginoon at marahang naglakad palapit kay Jimin. Himas-himas pa rin niya ang pisngi ng umiiyak na sanggol nang bigla siyang mapasigaw.

"Fuck!"

Kinagat ng bata ang ang kanyang daliri. Nakakapagtaka dahil may maliit na pangil agad ito. Mabilis nagdugo ang kanyang daliri at maligayang sinipsip iyon ng sanggol tumigil din iyon sa pag-iyak. Pilit na tinanggal ni Luhan ang kanyang daliri at nang magtagumpay siya ay tila.nakangiti na ang sanggol.

"Ito na ang anak mo. Wag mong kakalimutan ang ating kasunduan"

Mabilis na naglakad palabas ng mansyon si Luhan kasunod ang kanyang mga kasama. Hindi na nila.ginawang magpa-alam pa.

Tinitigan mabuti ni Jimin ang bata at tila may humaplos sa puso niya. Naramdaman na lang niyang umaagos na pala ang kanyang luha. Naghahalo kasi ang ligaya, kalungkutan at takot. Naaawa din siya dahil ulila na ang kanyang anak.

"May, naiwan bang pangalan si Harsha para sa aming anak?"

Oo, kanilang anak. Hindi siya sigurado kung mahal  ba niya ito  nguni't naging sobrang malapit sa kanya si Harsha nung mga panahong narito pa siya at nagdadalang Bampira pa lang sa kanyang piling.

"Sefira"

Bulong ni Jin sa kanya. Napaka-gandang pangalan at kakaiba katulad ng sa kanyang Ina. Sinulyapan niya si Taehyung na umiiyak habang nakaupo sa harap ni Harsha. Hindi lingid sa kaalaman niya na may pag-ibig si Taehyung para sa dalaga. Sayang lang ay wala na ito.

Ibingay niya ang sanggol kay Jin at lumapit siya sa bangkay ni Harsha. Napatingala sa kanya si Taehyung ng buhatin niya ito.

"Anong gagawin mo sa kanya?" Tanong nito.

"Ibibigay natin sa kanya ang nararapat na maayos na libing katulad ng sa mga tao"

Tumango na lang si Taehyung at sinundan nila ako papasok sa mansyon. Humihigpit ang hawak ko sa nag-uumpisa ng lumamig na katawan ni Harsha habang patuloy sa paglandas ang aking luha.

Paalam, Harsha.

※※※※※※※

Sorry kung namatay ang ating bida.

Sana basahin nyo pa rin!

Maraming surprise !

Salamat!

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon