PAHINA 10※

2.5K 80 30
                                    


Breakfast at Night?

Nagising ako nang may naramdaman akong marahang pumapalo sa braso ko. Ang lalim pala ng tulog ko, hindi ko namalayang gabi na naman.

"Wake up, Harsha. Let's eat breakfast at the servants kitchen"

Pumikit-pikit ako upang luminaw ang paningin ko. Ayaw ko pang bumangon, inaantok pa ako. Nguni't kailangan ko ng tumayo.

Bumangon ako sa kama at walang buhay na naupo sa gilid nito. Pinagmasdan ko si Jin habang kumukuha na naman ng damit sa Kabinet. Ang napili niya ay isang Royal Blue color na dress.

"Com'on, Harsha. Take a bath now so we can go"

Hinila niya ang kamay ko upang mapilitan aking tumayo.

"Anong oras na ba?"

"5 pm, bilis! Mamayang six kailangan mong magpunta kay Lord J"

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Lahat ng antok ko ay biglang lumipad kung saan.

Gagawin yata akong breakfast! Shit!

Marahan akong itinulak ni Jin papasok sa Palikuran. Wala na akong nagawa pa kundi ang maligo, bahala na kung anong mangyayari sa akin ngayong gabi.

---------

Normal naman ang nakikita ko ngayon sa servant's kitchen. Lahat sila ay may pulang mata. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Jin na may ibang tao dito bukod sa akin, nasaan kaya sila?

Binigyan ako ni Jin ng sunny side up egg, hotdog at fried rice.

Kahit naman kasi laganap na ang lahi ng Bampira, nananatili pa ring buhay ang mga pabrika ng pagkain para sa tao. Kailangan nila kaming buhayin para mapakinabangan nila kami. Parang hayop lang, pakainin mo para pagsilbihan ka.

Busy ako sa pagkain ng almusal nang biglang may tumabi sa akin na medyo ikinabigla ko. Si Jin kasi ay nasa tapat ko nakaupo at sumisimsim ng dugo sa isang babasaging malinaw na baso.

"Good morning!"

Nilingon ko ang nagsalita at napanatag ako nang si Maya lang pala iyon.

"Good morning din?"

Pa'no naman kasi, hapon tapos good morning. Nakakaloka din kaya.

"How was the first night with Lord J ?"

"Maya"

Tawag ni Jin sa pangalan niya na parang sinasaway niya itong magtanong pa sa akin. Nguni't medyo makulit itong si Maya.

"What? I am just happy that finally your Lord touched human"

Napatingin ako kay Maya at naikunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Maya, quit it"

Napalingon naman ako kay Jin na napaka-seryoso na ng mukha.

"Okay fine! I'll quit but I will only stopped after you tell me what happen"

Kay Maya naman ulit ako tumingin. Napaka-ganda ng ngiti niya at halatang excited siya sa ibabalita ko.

"Wala naman nangyari, natulog lang kami"

Tangina! Bakit ang lungkot ng tono ko?

Bakit nga ba? Ano bang meron at nadismaya ako na walang nangyari? O baka naakit lang ako kasi mabango siya, tyaka yung haplos at halik nga! Grabe ang epekto niyon sa akin. It sends shiver in evey inch of my flesh, the foreign sensation that I've never experienced before got me so addicted. I actually waiting for it to happen again.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon