PAHINA 36※

1.8K 38 19
                                    

Vampire's Blood

Hindi namin pinatagal ang paglilibing Kay Harsha. Nilinisan at inayusan namin ang kaawa-awang dalaga bago namin siya inihatid sa huli niyang hantungan.  Kaming mga Bampira ay nagiging isang abo kapag namamatay hindi katulad ng mga tao na kailangan pang ilibing sa ilalim ng lupa.  Pero dahil espesyal siya sa amin ay binigyan namin siya ng maayos na libing at magandang ataul.

Tahimik ang buong mansyon resulta ng pagdadalamhati namin sa pagkawala ng dalawang nilalang na naging bahagi na ng aming mga buhay.

Narito ako ngayon sa aking silid at pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na aking anak. Tama si Luhan, magkamukhang makagkamukha ang mag-ina. Kulay asul lamang ang kanyang mga mata na namana mula sa akin. Hinaplos ko ang kanyang malambot na pisngi at may ngiting namutawi sa aking mga labi.

"I'm sorry anak"

Naibigkas ko at tila may bikig na bumara sa aking lalamunan. Naaawa ako sa aking anak, lalaki itong walang Ina. Nguni't sisiguruhin kong maibibigay ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal na kailangan niya.

Umikot ang aking paningin sa loob ng aking silid. Sinakluban ako ng kalungkutan ng maalala ko ang mga sandaling dito namamalagi si Harsha sa loob ng aking kwarto. Ang kanyang ngiti, tawa at mga kwentong nakakatuwa. Madalas ko rin siya noong sabayan sa pagkain kapag hindi ako abala at sobrang nakakabighani siyang tingnan habang masayang kumakain. Tila kumirot ang aking pusong napatlangan bunga ng kanyang pagkawala.

Ako'y bumuntong hininga at mabagal na tumayo upang hindi ko magambala ang aking natutulog na sanggol. Dumako ang aking paningin sa diary na nakapatong sa bed side table at ito'y aking dinampot. Kailangan ko na yatang umpisahang basahin ang diary ng aking Ama.

Enero 5 1693,

Isa akong manunulat.  Nguni't ako lang ang nagbabasa ng aking mga akda.  Isa lamang itong libangan dahil mas kailangan kong pag-tuunan ng pansin ang pamamahala sa Coron. Ako si Lord Gabriel ng Coron at inilakda ko ang diary na ito upang pagdating ng panahon ay mayroon akong mabasang malinaw na makapagpapa-alala sa akin ng aking buhay.  Oo nga pala, bukas na ang kaarawan ng aking  matalik na kaibigan. Si Lord Anton. Gusto ko siyang bigyan ng magandang regalo. Ano kaya kung bigyan ko siya ng alipin? Tama. Susubukan ko mamaya baka may maligaw na tao rito sa gubat. Sigurado akong matutuwa si Ton-Ton. Lalo pa't wala pa siyang planong mag-asawa.

Kumunot ang noo ako. Nag-umpisa ang diary nito isang taon bago ako ipanganak. Ngayon lang din niya napagtanto na manunulat pala ang kanyang ama. Nakakapagtaka lang na ni kailanman ay wala siyang nakita o nabasang aklat nito kahit noong nabubuhay pa siya.

"Uhhaaa! Uhaaa!"

Mabilis na inilapag ni Jimin ang aklat at kinarga ang kanyang anak. Hinele niya ito nguni't lalo lamang lumakas sa pag-iyak. Mabilis niyang dinampot ang botelyang may lamang dugo ng tao. Naisip niya na baka gutom ang kanyang supling.

Mabilis na sinupsop ito ng sanggol nguni't niluwa niya ito. Nagpatuloy siya pag-iyak at siya ay nataranta. Lumabas siya ng kwarto at umalingawngaw sa bulwagan ang malakas na iyak nito. Nakita niyang lumabas mula sa kanyang silid si Hobi at nilapitan siya.

"Hobi, kumuha ka nga ng bagong dugo sa kusina. Baka gusto niya yung bago. Medyo malamig na kasi yung dugong nasa botelya niya"

Mabilis na tumalima si Hobi at siya'y iniwanan. Patuloy niya itong hinele at kinakausap din upang tumigil ito nguni't nagpatuloy lang.

"Eto, bagong-bago yan"

Mabilis na pinasipsip ni Jimin iyon sa bata nguni't kagaya ng una ay inuluwa niya rin ito. Nataranta na silang pareho. Dinama ni Hobi ang noo nito at Leeg.

"Wala naman siyang sakit. Bakit iyak siya ng iyak?"

Tanong ni Hobi at sinubukan niyang sundutin ang pisngi nito at nakita niyang ngumanga ang sanggol at tila hinahabol ang kanyang daliri. Nagkatinginan ang dalawa. Nagulat man si Jimin sa ginawa ni Hobi nguni't huli na ang lahat.

"Ugh!"

Impit na ungol ni Hobi. Hinayaan niya kasing makagat siya ng sangol at nakita nilang pareho kung paanong maligayang sumipsip sa daliri niya ito.

"J, Sefira preffered Vampire's Blood. Ganito pala ang half breed"

Namamangha at nag-aalalang turan ni Hobi. Ngayon lang kasi sila nakakita ng Bampira na dugo ng Bampira ang gustong kainin. Si Jimin naman ay nababahala para sa kanyang anak. Saan naman sila hahanap ng Bampirang magsasakripisyong mamigay ng dugo maliban sa kanila.

"Woah! Ang cute naman ng pamangkin ko. Look J. Namana niya dimples ko!"

Turo ni Hobi sa malalim na Dimples ng sanggol sa tabi ng sulok ng mga labi nito. Ang cute nga nito. Ilang sandali lang ay nakatulog na ang bata at sa wakas ay lumuwag na ang pagkakasip-sip nito sa daliri ni Hobi.

"Hmmm, 'di naman pala masama ang lasa. Parang kagaya lang ng sa tao"

Turan ni Hobi dahil sinipsip niya rin ang kanyang daliri upang tikman ang kanyang dugo. Napa-ngiwi naman si Jimin sa ginawa ng kapatid.

"Salamat Hobi. Sige, ilalapag ko na si Sefira sa loob"

Ngumiti lang ang nasabing Bampira at pumasok na siyang muli sa kanyang silid. Maingat na inilapag niya ang sanggol at nahiga sa tabi nito. Napalingon ulit siya sa Diary. Gusto niyang magbasang muli nguni't tila hinila siya ng pagod at antok. Hanggang sa tuluyan na siyang yakapin ng dilim.

※※※※※※

Update!

Ang cute ng Sefira natin! He he

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon