PAHINA 47※

1.6K 36 39
                                    


Changes

"May secret akong sasabihin sayo Kookie."

Turan ng  batang kaharap ko. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat mula sa aking nasaksihan. Ang akala ni Master Taehyung ay tulog na siya nguni't mabilis itong bumangon nang tuluyan ng lumabas sa pinto ang nasabing Bampira. Mabilis siyang bumaba ng kama at binuksan ang Veranda. Namangha ako nang makita kong hindi manlang siya nasilaw sa sinag ng araw. Mag-uumaga na kasi at naguumpisa nang umakyat at mamayagpag ang haring araw. Tila kakaiba siya sa karamihan.

Bumalik siya sa harap ng kulungan ko at marahas na tinanggal ang kandado gamit lang kanyang kamay. Namangha na naman ako. Isa lamang siyang bata pero napakalakas. Di kaya normal lang ito sa kanila dahil isa nga siyang Bampira at Pure Blood? Napaatras ako sa sulok nang pumasok siya at isinara ito. Naupo siya sa sahig at tinitigan ako.

"Are you afraid of me? I shoud be the one in fear because this is my first time to see human. I only see your kinds in stories."

Sambit niya. Mukha naman siyang harmless kaya naupo na rin ako sa sahig. Pwede kong gamitin ang time na ito para tumakas pero napakalaki ng mansyon na ito at bago pa ako makarating sa pintuan upang nakalabas malamang ay patay na ako, kaya wag na lang.

"Anong sikretong sasabihin mo?" Naitanong ko sa kanya. Unti-unting nawawala ang takot ko at naging komportable kalaunan.

"I adore humans! Nababasa ko sa books na takot kayo sa amin kasi blood sucker kami at marami kaming abilities na wala kayo. Pero, sa tuwing nakakabasa ako ng human na hindi takot sa Vampire ay talagang natutuwa ako."

Masayang sabi niya. Gusto niya kaming mga tao? Teka, kanino bang anak itong kaharap ko? Bakit naman nila hinahayaan magkagusto sa Tao ang isang Bampirang katulad niya? Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot. 

"Kookie ang  pangalan mo di'ba? Ang cute!" Naibulalas niya.

"Huh? Hindi, Jungkook ang pangalan ko. Binigyan lang nila ako ng pet name." Saad ko at pilit na binabasa kung anong nasa isip niya kung posible man iyon.

"Cute din ang real name mo, Kookie! Pero, bakit malungkot ang mga mata mo?"

Lumapit siya sa akin bigla at napapitlag ako. Naramdaman ko na lang na nasa pisngi ko na ang isa niyang palad at nakatitig sa mata ko. Tila parang nag-iisip siya o nagko-concentrate. Kinakabahan ako, baka mamaya bigla nalang akong sagpangin ng batang ito. Baka ikamatay ko pa.

"Stop thinking non-sense. Let me see what's inside you." Suway niya sa kin kahit wala naman akong sinasabi. Pero totoong maingay ang utak ko ngayon.

Ilang saglit lang ay bumitaw na siya sa aking pisngi at tumayo. Lumabas siya ng kulungan ko at isinara iyon pero wala ng kandado dahil nga sinira niya iyon kanina. Napaka-bipolar ng batang ito. Kanina lang ang jolly niya tapos ngayon parang biglang nalungkot siya.

Bakit ang lungkot ng mga mata mo?  Naalala kong sambit niya kanina. Di kaya iyon ang dahilan kaya nawala siya sa mood bigla? Nakatayo siya sa harap ng kulungan ko at nakatitig sa akin habang malungkot ang kanyang mukha.

"Sorry, kung dahil sa mga katulad ko ay namatay ang mga magulang at kapatid mo. Sorry kung kinakain namin kayo. Sorry kung ginawa namin kayong alipin. Sana mapatawad mo ang aming lahi."

Bigla siyang yumuko at lumuhod. Ito ang kauna-unahang beses na may Bampirang nagpakumbaba sa isang tao. O baka dahil isa siyang bata at naaawa siya sa'kin? Tyaka pa'no niya nalaman ang nakaraan ko? Nakakakita ba siya ng mga pangyayari sa nakaraan? Kung totoo iyon, kakaiba ngang Bampira ang batang ito, espesyal siya.

Mabilis akong lumabas sa kulungan at inalalayan ko siya upang makatayo. Umiiyak na pala siya. Sobra yata ang pagka-awa niya sa akin. Pero, wala akong masabi sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin ang lahat ng sakit, baka hindi ko na rin mabuksan ang puso ko para sa pagpapatawad sa lahi nila.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon