Pahina 53

1.6K 37 13
                                    

※※※※※※

"Let me go! I need to go back and help Uncle Hobi!"

Pilit na kumakawala si Sefira sa mahigpit na hawak ni Taehyung sa kanyang pulsuhan. Sila ay pansamantalang tumatakas kasama si Lady Fatima at Master Yoongi, kasama rin ang kanilang anak na si Yooma na walang tigil sa pag-iyak.

"Kabilin-bilinan sa akin ni J na huwag kang pabayaan Sefira! Kailangan na nating makalayo rito!"

Hinila akong muli ni Master Taehyung ngunit ginamit ko ang aking lakas upang makatakas mula sa kanya. Hindi ako makakapayag na iiwanan na lang namin basta si Uncle Hobi. Kitang-kita ko kanina kung paano patayin ni Butler Jin ang lahat ng bampirang naroon nang walang kahirap-hirap. Sinubukan kong tumakbo palayo sana matapos kong titigan ang nagmamaka-awa nilang titig at nakakunot na noo pero mas importante si Uncle Hobi.

"Makinig ka nalang kay Taehyung! Ako na lang ang babalik. Siniguro ko lang na makakalayo na kayo ng matagumpay."

Biglang pigil sa akin ni Uncle Yoongi. Nakita ko kung paanong tila kidlat na niyakap ni Lady Fatima si Uncle Yoongi at ginawaran naman ng huling nabanggit ang kanyang paslit ng halik sa noo. Naikuyom ko ang aking palad habang nagbabadyang pumatak ang aking mga luha.

"Babalikan ko kayo. Sige na Taehyung. Dalhin mo na sila sa Tipolo."

Tumango si Taehyung matapos sabihan nito ng ingat si Uncle Yoongi. Nag-umpisa ulit tumakbo ang aking mga kasama at nilingon ko sa huling pagkakataon si Uncle Yoongi na tumatakbo papalayo sa amin at naibulong ko ang salitang "Iligtas mo sila."

Nakarating kami sa Tipolo at dumeretso si Master Taehyung sa kanyang ama na si Lord Anton. Si Lady Fatima ay humanap ng ibang bakanteng kwarto dahil nasa luma niyang silid si Jungkook, ang tao na matagal na niyang bihag. Dala ng pag-aalala at kaba ay naisipan kong magpahinga, susubukan kong ikalma ang aking sarili kahit alam kong impossible iyon. Bawat segundong lumilipas ay maaaring nasa malagim na kalagayan na ang aking mga tiyuhin maging si Ama.

Pumasok ako sa silid ni Lady Fatima at ang una kong napansin ay ang malaking kulungan na natatabunan ng itim na makintab na seda. Marahan akong humakbang papalapit roon at nang nasa tapat na ako nito ay mabilis kong tinganggal ang nakatabon na tela. Nakita kong nagulat si Jungkook pero agad din namang nakahuma nang makita niyang ako lang naman ang nasa kanyang harapan.

Katulad ng aming pagkikita ay sinira ko ang kandado ng kanyang selda at pumasok sa loob. Nagtataka man siya noong una ay ginawaran niya rin ako ng ngiti kalaunan. Gusto ko rin siyang ngitian pero hindi ko magawa. Hindi matanggal sa isipan ko ang pag-aalala.

Naupo siya nang maayos sa aking harapan ang ganoon din ako. Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha, mayroon siyang bilugang mga mata, matangos na ilong at mapulang labi. Ang kanyang itim na buhok ay kumikintab resulta ng sinag ng buwan mula sa nakabukas na veranda. Isa siyang tao na may magandang pisikal na anyo.

"May problema ba?"

Roon lang ako natauhan nang marinig ko ang kanyang tanong. Siguro ay halata sa aking mukha ang problema at pag-aalala. Tinitigan ko si Jungkook sa kanyang mga mata at ganoon rin ang kanyang ginawa. Sobra ang kanyang katapangan. Ang alam ko ay bawal tumingin sa aming mga mata ang mga tao.

"Kasalukuyang nakikipagdigma ang aking mga tuyuhin at baka pati na rin si Ama. Nakakalungkot na wala akong maitulong sa kanila."

Dismayadong sagot ko sa kanyang katanungan. Kung sana lang talaga ay may magagawa ako para sa kanila. Kung sana ay malakas ako tulad nila. Kung sana ay...

"Wag kang mag-alala. Lord ang iyong ama kaya siguradong matatalo niya kung sino man ang kanyang kalaban."

Napangiti ako nang dahil as kanyang tinuran. Nakahinga ako mang maluwag kahit papaano. Dapat na magtiwala ako sa kakayahan ng aking ama. Dapat na maniwala ako na makakabalik silang lahat nang ligtas mamaya. Bugso ng damdamin. Marahan kong inilapit ang aking palad sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong tapusin na mapanood ang kanyang ala-ala. Pumikit ako nang magsimulang may lumabas na mga larawan sa aking isipan ngunit naikunot ko ang aking noo nang may nakita akong eksena kung saan nakatingin siya sa isang babae na nakasuot ng kakaibang damit at tila mayroon itong kawangis.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon