PAHINA 38※

1.7K 39 63
                                    


Confuse

"Tito Hobi, bakit po palaging nandito yung Lady Althea? Sabi naman ni Daddy hindi siya ang Mommy ko" Nagtatakang tanong ni Sefira.

Dalawang taon na ang nakalipas simula ng maipanganak siya. Noon ay halos araw-araw pumaparoon sa Mansyon ang Comptroller na si Althea dahilan na rin sa kakaiba ang growth and development ng bata. Nguni't nang tumuntong siya ng isang taon ay dapat isang bases na lamang sa isang buwan nguni't tila hindi tumutupad sa usapan ang dalaga at bigla nalamg dumarating ng walang pasabi.

Isang buwan na lang at magdadalawang taon na si Sefira nguni't ang bulto ng kanyang pangangatawan ay maihahalintulad sa isang ten years old na bata.  Ganoon kabilis ang kanyang paglaki.

"Ate sefira!"

Sigaw ng isang maliit na tinig at paglingon ni Hobi at Sefira ay tumatakbo papalapit sa kanila ang isang limang taong gulang na bata kung titingnan nguni't apat na buwan lang naman ang pagitan ng kapanganakan ng dalawang bata.

"Bakit Yooma?"

Tanong ni Sefira sa kanyang nakababatang pinsan na lalake. Si Yooma ay anak ni Fatima at Yoongi. Siya ay may kulay bughaw na mga mata tulad sa kanyang mga magulang at kawangis niya ang kanyang Ama.

"Kausapin mo naman si Daddy Yoongi! Gusto ko na din mag-aral! Sali ako sa home study mo, please"

Napakamot ng ulo si Hobi at binuhat ang kanyang pamangkin na lalake. Tyaka siya magsalita upang paliwanagan ito.

"Yooma, malapit naman na ang enrollment. Next full moon ay pwede ka na mag-school. Tyaka hindi mo maiintindihan ang turo kay Ate Sefira dahil malaki na siya"

Nag-pout ng lips ang napaka-cute na si Yooma at lalong umalsa ang kanyang mamula-mulang pisngi. Nakatingala lamang sa kanila si Sefira na tila nag-iisip.

"Yooma, Anak! Kinukulit mo na naman ba si Ate Sefira mo? Halika ka nga dito"

Malambing na turan ni Fatima. Hindi nila napansin na dumating pala ito at ilang hakbang na lang ang layo mula sa kanila.

"Mommy!"

Masayang sigaw ni Yooma at agad na ibinigay ni Hobi ang bata sa kanyang Ina. Nalipat ang tingin ni Sefira sa mag-inang masayang magkayakap. Ayaw man niya ay parang kumirot ang dibdib niya. May nararamdaman siyang inggit.

"Sige, Hobi. Ako ng bahala kay Yooma. Ihanda mo na si Seffira, mamaya lang ay darating na ang instructor niya"

Tumango lang si Hobi at mabilis na kinuha ang kanyang kamay at nag-umpisa na silang maglakad. Mabigat amg bawat hakbang ng batang babae nguni't pilit niyang isinantabi ang kirot sa kanyang puso. Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa kanyang silid. Oo, may sarili na siyang silid dahil malaki na nga siya. Simple lamang ang kanyang kwarto at mayroon itong sariling veranda gaya na din ng hiling niya. Naging abala si Hobi si pag-aasikaso ng kanyang susuotin nang bigla siyang magtanong.

"Tito Hobi, nasa'n ang Mommy ko?"

Napahinto si Hobi sa kanyang ginagawa. Nagulat siya sa tanong nito dahil ito ang kauna-unahang beses na nagtanong siya tungkol sa kanyang Ina. Hindi rin nila pinag-uusapan si Harsha sa mansyon. Hangga't maaari kasi ay ayaw nilang malaman ng bata na siya ay Half-breed. Pero alam nilang darating ang panahon na magkaka-isip ito at magsisimulang magtanong.

"Huh? A-ano kasi, mas maganda siguro kung si Daddy J ang tatanungin mo"

Nalungkot ang ekspresyon ng bata at mabilis itong napaluha. Dinaluhan ito ni Hobi at siya'y lumuhod sa harapan nito.

"Sshhhh, stop crying na Sefira. Kakausapin natin si Daddy J about this, okay? Please, tahan na. Gusto mo bang makita ni Teacher na mapula ang eyes mo pagdating niya? Dapat laging naka-smile ang Princess namin"

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon