PAHINA 21※

2.2K 57 35
                                    


FEVER ?

Harsha's POV

Mainit-init, mabango at matigas.  Yan ang naramdaman ko nang yakapin ko pa ng mahigpit ang aking tandayan na unan. Lumanghap ako ng malalim at idiniin ang aking matangos na ilong sa matigas na bagay na nasa aking harapan.

Ang bango, shit! Kailan pa naging kaamoy ni Lord J ang unan ko?

"Harsha"

Narinig kong sabi ng Unan na yakap-yakap ko. Tila kaboses din siya ni Lord J. Niluwagan ko ang yakap sa aking katabi at tumingala. Noong una'y malabo pa ang aking paningin at nang luminaw iyon, ang una kong nakita ay ang nakangiti niyang mga labi.

"Nananaginip ba ako? Katabi kita sa kwarto ko?"

"No, you are not dreaming and you're freezing that's why I warm you up"

Napangiti ako. Ang sarap pala makasama sa panaginip ni Lord J.  Napaka-caring,  lalo tuloy siyang naging gwapo sa paningin ko. Tapos Malaya ko pa siyang nayayakap.

Mula sa pagkakayakap ay gumapang ang kamay ko paakyat sa kanyang mukha at marahan kong hinaplos ang kanyang makinis na pisngi.

"Napaka-gwapo mo talaga, Lord J.  Sana hindi na ako magising sa panaginip na ito"

Hindi ko alam nguni't tila nagkaroon ako ng sandamakmak na lakas ng loob. Mula sa kanyang pisngi ay gumapang ang aking daliri patungo sa mapula niyang mga labi. Hindi ko mai-alis ang aking titig sa kanyang bughaw na mga mata. Gusto ko na talaga siya, kahit alam kong hindi niya ako magugustuhan pabalik. Kahit isa lamang akong alipin para sa kanya. Kahit ang aming relasyon ay isang one sided love lang. Kahit habang buhay siyang mabubuhay at ako'y balang araw na lilisan na hindi manlang nakaranas ng Pag-ibig niya. Ang importante ay ang maipadama ko ang nararamdaman ko sa kanya sa pamamagitan ng pagiging masunurin. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng aking dugo at sa pamamagitan ng pagpapaligaya sa ano mang paraan, sa loob ng kanyang silid.

"Gusto kita"

Tumakas ang mga katagang iyan mula sa aking bibig. Pakiramdam ko ay gumaan ang aking pakiramdam. Masaya din ako, kahit man lang sa panaginip ay masabi ko ang nilalaman ng puso ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong itulak ng marahan at nakalas ang pagkakaykap ko sa kanya. Nakatihaya na ako ngayon at siya'y nasa gilid ko parin nguni't magkapantay na ang aming mga ulo.

Napalunok ako ng mariin at sumalsal ang aking puso. Pati ba naman sa panaginip ay parang totoong totoo ang nararamdaman ko, parang totoo na nagtititigan kami, parang totoong paunti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin, at parang totoong sa wakas ay naglapat ang aming mga labi. 

Damn! His lips is the sweetest I've ever and will tasted.

Walang Malay na ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at buong pusong ninamnam ang kanyang matamis at nakaka-akit na halik.  Matagal na naghinang ang aming mga labi, ayoko na talagang magising kung nananaginip man ako. 

"Harsh--- I'm sorry, I didn't know"

Biglang naputol ang aming mainit na pag-iisang labi at sabay kaming napalingon ni Lord J sa nagsalita. 

So, Hindi ako nananaginip? Totoong nag-confess ako kanina? Tangina!  Nakakahiya.

Awtomatikong tumayo si Lord J at umalis sa aking kama. Ako naman ay hindi makapagsalita gawa ng kahihiyan. Pa'no ko siya haharapin simula ngayon? Ngayong alam na niya na may gusto sa kanya ang kanyang alipin? Paano kung ipatapon na niya ako o ipapatay? Wag naman sana.

"No worries. Dinaanan ko lang si Harsha dahil nabanggit ni Taehyung na hindi pa naghihilom ang sugat niya"

Agad na lumapit sa akin si Jin at dinama ang aking noo at leeg. Matapos niyon ay tiningnan din niya ang aking pulsuhan. Tama nga si Taehyung, sariwa pa rin ang sugat ko. Sabagay, hindi ko naman ito ginagamot at wala din akong iniinom na gamot.

"Mayroon siyang lagnat, Lord J. Tama ka, hindi pa naghihilom ang sugat, dapat ay pahilom na ito"

"Paanong gagawin mo?"

"Papainumin ko lang siya ng gamot at gagaling din siya"

Nakita kong tumango lang si Lord J. Matapos niyon ay naupo siya sa gilid ng aking kana at kinuha ang aking kamay kung saan naroon ang pinakaunang marka na iniwan niya sa akin.

"Magpagaling ka. Simula ngayon ay marami ka ng gagawin para sa akin. Lalo't nandito si Fatima"

Nawala yung ngiti ko. Akala ko ay totoong caring siya. Yun pala ay kailangan lang niya ng serbisyo ko. At bakit napasali sa usapan yung Fatima ? Kailangan ko na din ba siyang pagsilbihan?

"O-opo Lord J"

Tanging sagot ko at iniiwas ko ang aking tingin kay Lord J. Marahan niyang binitawan ang aking kamay, tumayo mula sa aking kama at mabilis na umalis ng aking silid. Si Jin na lamang ang naiwang kasama ko loob.

"Dadalhan kita ng makakain at gamot. Babalik agad ako dito"

Hindi na niya hinintay ang aking sagot at agad siyang lumabas. Isinara ko ito pagkatapos. Huminga na lamang ako ng malalim.

Nguni't wala akong makapang pagsisisi na umamin ako sa kanya.

Gusto ko siya at wala ng makapagbabago sa nararamdaman ko.

Suklian man niya o hindi ay ayos lang.

Hindi naman humihingi ng kapalit ang Pag-ibig di ba? Lalo na't tunay.

I like LORD J.

※※※※※※

Meanwhile

Sa ilalim ng madilim na langit na napapalibutan ng makikintab na bituin at ang malamig na simoy ng hangin na hindi manlang naghatid kahit katiting na ginaw sa kanyang maputlang balat kahit pa ito'y direktang humahaplos rito.

Tumingala ang magandang dalaga sa kalangitan at gumuhit sa kanyang mukha ang isang matamis na ngiti. Sumasabay rin sa hangin ang marahang pag-ugoy ng kanyang mahabang kulay kayumangging buhok. Ipinikit niya ang kanyang mga mata na may Asul na kulay at nagsimulang umusal ng matamis na mga salita na para sa kanyang tinatanggi na hindi niya maarok.

"Young Lady"

Hindi siya nag-abalang lumingon sa kanyang lingkod at siya'y umusal.

"Bakit?"

"Mayroon po kayong bisita. Naghihintay po siya sa hardin"

May ngiting namutawi sa kanyang mga labi at marahang idinilat ang kanyang mga mata. Magiliw siyang naglakad at nilisan ang teresa ng kanyang silid. Tila sumasayaw ang kanyang balakang sa kanyang bawat hakbang at maingat na humahaplos sa kanynag makinis na mga binti ang palda ng kanyang kasuotan.

Hindi maitatanggi sa kanya ang kasabikan na makita ang nasabing panauhin. Mag-isa niyang tinungo ang hardin at ang una niyang nakita ay isang matangkad na binatang may hawak na isang tangkay ng pulang Rosas.

Biglang kumabog ang puso ng dalaga at walang mapaglagakan ang kaligayahang kanyang nadarama. Mabilis siyang humakbang at nilapitan ang nasabing binata na may kayumanggi ding buhok.

Tumingala siya at sinalubong ang mapagmahal na titig ng binata.

"Mas maganda sana kung matutunghayan kong muli ang asul mung mga mata aking mahal"

Agad na niyakap siya ng binata at matapos niyon ay binigyan siya ng halik sa kanyang noo. Ilang sandali lang ay inabot niya sa dalaga ang Rosas at malugod itong tinanggap ng isa.

"Don't worry. Makikita mong muli iyon soon, Althea"

※※※※※※※※

New character !

Salamat po sa mga nagbabasa!

Mahal ko kayooooo!

Mister

Vote and comment po! 😍






BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon