Ending

2.3K 50 17
                                    

※※※

Hindi ko na alam kung anong oras na sa ngayon o kung ilang gabi na ang nagdaan dahil magmula ng gabi kung kailan sumugod si Lord Luhan at Butler Jin sa Coron ay ikinulong na ako sa aking sariling silid.

Wala rin akong balita tungkol sa aking mag-ama dahil gustuhin ko mang magtanong sa nagbabantay sa akin o kung may nagdadala sa akin ng pagkain ay hindi ko magawa dahil alam kong tapat sila sa aking asawa.

Gusto ko na namang umiyak habang nakatitig sa salamin at tinititigan ang aking mga bughaw na mata kasabay ng haplos sa markang iniwanan sa akin ni Lord J sa pulso nang una niya akong makagat. May mapait na ngiti ang namutawi sa aking mga labi nang biglang bumukas ang pinto at nang lingunin ko iyon at si Lord Luhan pala ang dumating.

Mabilis akong tumayo at akmang yayakapan ang aking sarili nang biglang haltakin niya ako sa may pulsuhan at hilain palabas ng silid. Nagtataka man ay wala na akong nagawa dahil malakas siya.

Habang tumatakbo kami sa pasilyo ay nakarinig ako ng mga boses. Marami sila at hindi kilala. Ano kayang nangyayari?

"Sumama ka sa kanila at dadalhin ka nila sa Nisha. Pupuntahan kita roon." Nakakunot na noong sabi niya sa 'kin at tatalikod na sana pero nilingon niya akong muli.

"Wag kang magtatangkang tumakas. Hindi ka na niya makukuha sa'kin dahil pag-aari na kita!" Banta niya saka siya naglakad papalayo at hindi na lumuingon muli.

Hinila ako nung bampirang lalake na may pulang mga mata at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang sikretong labasan ng mansyon. Dito ako madalas dumaraan noon para tumakas at makalabas.

Sa labas ay may itim na kotseng naghihintay. Mabilis na binuksan ng lingkod ang pinto ng kotse at nang pumasok ako ay may nakita akong babae na nakaupo sa driver seat at may katabi siya sa Passenger na isang lalaking bampira ngunit mukhang wala itong malay dahil nakalaylay ang ulo. Napatakip ako sa bibig nang makita kong may dugo sa sahig. Pinatay niya ito.

"I will take you to Baron as Master Jin requested." Iyon lang ang sabi ni Althea at pinaharurot niya ang kotse palayo sa lugar.

"B-bakit? 'di ba, kakampi ka ni Master Luhan?" Takang tanong ko.

"Kakampi niya ako dahil kakampi niya si Master Jin pero noon iyon." Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Ano bang nangyayari? Parang maraming bampira kanina sa Jiya?" Tanong ko ulit at narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Babagsak na ang Jiya, Harsha. Magiging malaya na tayo." malumanay niyang sabi pero batid ko sa boses niya ang kasiyahan. Napangiti na rin ako kalakip ang panalangin na sana nga ay maging malaya na ako..

***

Kasama ang pinaka-matataas na panginoon sa aming lahi ay pumaroon kami sa Jiya. Humarap sa amin si Lord  Luhan pero nadismaya ako nang hindi niya kasama si Harsha.

"Nais namin ang maagap na pagkilos mula sa iyo. Refrain and let us have vote to choose for new Lord." Matapang na sambit ng isang panginoon at nakatingin lang sa amin si Lord Luhan na tila nagmamatigas.

Nakita kong sumulyap siya sa akin at kay Master Jin na nakatayo sa aking tabi.

"Batid namin ang korapsyon na nagaganap dito sa Comptrollers. Ang pagiging iyong makasarili. Bakit hindi mo ipinaalam sa aming lahat na may hawak kang isang half-breed? Dahil gusto mong malipon kami at yumoko sa iyo?" Sigaw ng isang Lord matapos hampasin ang lamesa kung saan kami nagtitipon.

"Sino naman ang naiisip niyong papalit sa akin? Ang Coron? Hindi ba't kasalanan din ang pagtatago ng breeder at pakikipagsundo sa Comptrollers na huwag ipaalam ni kanino ang tungkol sa kanyang anak?" Tumayo siya at may inilapag na papel. Iyon yung pinirmahan ko noon na pumapayag akong pag-aralan nila si Sefira kapalit ng pagtatago sa katauhan nito.

Lahat sila ay lumingon sa akin habang isa-isang tiningnan ang papel kung ito ba ay tunay.

"Anak niya ang pinag-uusapan doon. Kahit sino sa atin, kahit tayo ay mamatay tao. Pagdating sa ating anak at kapamilya ay gagawin natin ang lahat upang mailigtas sila 'di ba?" nagsalita si Master Jin at ang karamihan ay tumango. Hindi ko alam kung dahil sang-ayon sila o takot sila sa aking kapatid.

"Hindi ako bibitiw. Patayin niyo muna ako. Kung sinong makakagawa ay siyang papalit sa akin!" Malakas niyang sigaw na nagpatahimik sa lahat. Hindi namin nais na pumatay ng kalahi. Alam kong walang gagawa niyon para sa kanya.  Napuno ang bulawagan ng bulungan at agam-agam. Nakita ko ang pag-ngisi niya.

"Walang problema. Ako'ng gagawa tutal naman ay kailangan pa kitang singilin sa mga kasinungalingan mo." Sambit ng aking kapatid at mabilis akong napalingon sa kanya. Natunghayan ng lahat ang kanyang pagpapalit-anyo. Humarap siya sa karamihan at damang-dama ko ang kakaiba niyang lakas.

"Kung mamarapatin niyo sanang kayo'y lumisan na. May ililigpit lang ako." Sarkastikong sambit ni Master Jin at kaagad na lumbas ng silid ang mga panginoon. Naiwan ako kasama nila.

Si Lord Luhan ay naupong muli at nakangiting nakatitig sa amin. Tila di niya alintana ang panganib na naghihintay sa kanya.

"Handa ka na ba, Luhan?" Walang paggalang na tanong ng aking kapatid at akmang lalakad palapit sa kanya nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. Huminto naman ang aking kapatid saka ko nilingon si Lord Luhan.

''Nasaan si Harsha?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot at umismid lang kaya nabuhay ang galit na pinipigilan ko.

"Nasaan si Harsha!" Ulit ko at tumayo. Nakakuyom na ang aking palad dahil sa galit.

"Hinahanap mo ang Asawa ko?" Mapang-asar niyang balik-tanong. Tumawa siya nang malakas  at gusto ko na siyang sugurin ngunit kailangan ko malaman kung nasaan ang Ina ni Sefira.

"Sigurado akong patay na silang dalawa ngayon ni Althea. Akala nila mauutakan nila ako. Mabuhay man sila ay hindi mo na siya magiging asawa dahil namarkahan ko na siya Jimin. Mamatay man ako ay akin na siya habang-buhay!" Tumawa muli siya ng malakas. Kaagad ko siyang sinugod at sinapak pero hindi siya lumaban.

"Buburahin ko ang Jiya sa mapa ng lahi natin!Tandaan mo yan! Makuha ko lang siya ulit sa'yo!" Mabilis ko siyang tinalikuran saka nilingon si Master Jin saka tumango. Tumango rin siya sa akin at ang narinig ko nalang habang ako'y naglalakad palayo ay ang kanyang impit na sigaw. Hindi nagdalawang-isip ang aking kapatid na siya'y paslangin.

Hinintay ko siya sa harap ng mansyon ng Comptrollers at nakangiti siyang lumabas at lumapit sa akin. puno ng dugo ang kanyang kamay habang hawak ang puso ng napatay niyang bampira.

"Puntahan na natin sila." Nakangiti niyang paanyaya at malugod ko siyang sinundan. Nakita ko kung paano niya hinulog ang puso sa lupa ng ganoon na lang habang hinuhubad niya ang kanyang kasuotang pang-itaas upang punasan ang mga dugo. Mabilis kaming sumakay sa kotse na naghihintay at nakangiti akong nagsimulang magmaneho.

"Sigurado ka ba sa sinabi mo kanina? Kaya mo pang paslangin ang namumuno sa Jiya ngayon?" Tanong niya sa akin ng may pag-aalala.

"Hindi, pero... kaya ko silang pababain at sakupin..." Ngumiti ako pagkuwan. "Maaasahan ko ba ang tulong mo?" Ngumiti siya pabalik sa akin at ang liwanag ng asul niyang mga mata.

Itinuon ko ang atensyon sa kalsada at bumulong.

"Tapos na Harsha. Tapos na..."

***

Tapos na siya kagaya ng sabi ni Jimin. Next is Epilouge at Special Chapter for our Sefira and other cast.

Sino gusto ng SPG? LOL, pahabol.

Salamat sa pagsubaybay at suporta!

Mister

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon