PAHINA 43※

1.6K 36 13
                                    


Forgotten.

Hindi ko sigurado kung matatawag kong swerte ako o talagang mapilit lang at matigas ang ulo. Simula nang makita ko si Harsha, I mean si Natasha sa bulwagan ng mansyon ni  Namjoon ay hindi na siya nawaglit sa aking isipan. Wala pa akong pinagsasabihan na kahit sino tungkol dito. Kagaya ng sabi ko noong nakaraang chapter. Gusto kong maging selfish kahit ngayon lang.

Oo nga pala, ilang araw na lang at kabiluwag na naman ng buwan. Nalalapit na ang kaarawan ni Sefira. Sigurado akong maghahanda si Jimin ng nararapat na selebrasyon para sa kanyang munting prinsesa. Mainam para sa akin na mabilhan ko siya ng regalo ngayon pa lang.

Ano nga bang bibilhin ko para sa kanya? Mas mainam siguro kung alahas, dahil kung kasuotan ay baka bigla na naman siyang lumaki at baka hindi niya rin iyon magagamit. Kasalukuyan pa kasi siyang madedevelop hanggang dumating siya sa puntong hindi na siya tatanda dahil isa nga siyang Bampira tulad ko.

Pumasok ako sa isang Jewelry Shoppe. Agad akong binati ng isang magandang Bampira, kulay kayumanggi ang kanyang mga mata. Mayroon siyang itim na buhok na hanggang balikat lamang ang haba.

Isang matipid na ngiti lang aking pinawalan para sa kanya. Simula kong pinagmasdan ang mga naka-display na alahas sa loob ng glass cabinet. Lahat ay halos nakahain sa akin. Singsing, hikaw, kwintas, at pulseras.
Maganda naman silang lahat nguni't gusto kong mabigyan si Sefira ng medyo kakaiba. 

"Sino po bang pagbibigyan ninyo, Young Lord?"

Tanong niya sa akin. Hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin pero sumagot ako.

"Para sa anak ng matalik kong kaibigan. Isang batang babae."

Matapos niyon ay hindi na siya sumagot. Tila nahimigan niyang ayokong magpa-istorbo. Hindi kasi talaga ako magaling sa mga ganitong bagay. Never naman kasi akong nag-regalo sa mga naging karelasyon ko at sa mga naging flings ko. Mas okay siguro kung kwintas na lang dahil parang wala naman akong nakitang may suot siyang ganun noong huling makita ko siya.

"Mayroon ba kayong kwintas na may batong Sapiro?"

Napa-angat ako ng ulo nang may narinig akong magsalita malapit sa akin. Tila pamilyar ang kanyang tinig kaya mabilis ko itong hinanap at nahagip ng aking paningin si Natasha. Magiliw siyang nakangiti sa kanyang kausap. Nakakasilaw ang maganda niyang ngiti.  Nakalimutan kong bigla kung bakit ako narito, nakuhang lahat ni Natasha ang aking atensyon.

"Mayroon po Young Lady, para kanino po ba?"

"Para sa aking anak."

Tila ako nangatog at nanlamig. Mayroon siyang anak? Di kaya siya talaga si Harsha at nagpapanggap lang siyang ibang tao? Pero bakit? Alam kong hindi magagawa ni Harsha na iwanan ang kanyang Anak ng gano'n na lang.

Hindi ko na siya nilubayan at sinundan kahit saan man siya nagtungo. Hanggang sa naisipan niyang pumasok ng palikuran at para hindi halatang sinusundan ko siya ay pumasok din ako sa palikuran para mga kalalakihan. Wala naman akong ginawa sa loob at namalagi lang ng ilang saglit.

Napagdesisyonan ko ng lumabas at nagulat ako nang nakita ko siyang naghihintay sa labas ng palikuran at naka-krus ang braso sa kanyang dibdib.

"Bakit mo ba ako sinusundan? Master Taehyung?"

Hindi ko alam kung anong isasagot. Paano niya nalamang sinusundan ko siya? Lubos naman akong nag-ingat kanina. Pero, nahuli na ako kaya wala na akong magagawa.

"Masama bang sundan ko ang isang magandang dilag na katulad mo?" Tanging naisagot ko. Ito lang ang paraan upang hindi siya maghinala. Tutal naman ay kilala niya ako bilang isang playboy na Bampira.

"Kung may kailangan ka, sabihin mo ng deretso. Wala akong planong sumali sa mahabang listahan ng mga naging babae mo."

Prangka niyang sagot. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Ano nga bang sasabihin ko?

"Narinig ko kanina na sinabi mo na mayroon kang Anak, sinong napangasawa mo?"

Nakata kong lumikot ang kanyang mata. Tila nabigla siya sa aking katanungan. Baka nga tama ang hinala ko. Pero imposible talaga dahil inilibing namin si Harsha.

"Anak iyon ng kapatid ko. Parang anak ko na rin siya kaya gano'n!" Mabilis niyang sagot at tinalikuran na ako. Sinundan ko pa rin siya. Ang cute niya talaga kapag naiinis. Namumula ang pisngi niya at lumiliit ang mga mata.

"Talaga? Ngayon ko lang nalaman na may anak si Lord Luhan."

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paglalakad.

"Natasha!" Tawag ko.

"Natasha!" Mas nilakasan ko pa ang tinig ko habang bumibilis ang kayang bawat hakbang.

"Harsha!"

Bigla siyang huminto at galit na hinarap ako. Nakakuyom ang kanyang mga palad. Napangisi ako dahil sa kanyang reaksyon. Nakapa-obvious niya.

"Don't ever call me with other name! I really hate that thing!"

Singhal niya at pumikit siya ng mariin na tila pinakakalma ang kanyang sarili. Kung gusto niya ng laro, ibibigay ko ang gusto niya. Papatunayan kong siya si Harsha at nagpapanggap lang siyang nakalimutan na niya kami, lalo na ang kanyang anak.

"Wag ka ng magalit. Oo nga pala,  Natasha. Kaarawan ng Pamangkin ko sa darating na kabilugan ng buwan.  Gusto sana kitang imbitahan."

Mabilis na nagbago ang timpla ng kanyang mukha.  Mula sa inis ay naging isa itong malungkot na ekspresyon.

"Sorry, di kita mapapaunlakan."

"Ikaw ang bahala. Pero, gusto ko lang malaman mo na bukas ang bulwagan ng Coron para sa iyo kung sakaling maisipan mong pumunta."

Huling paalala ko at tinalikuran na siya. Kung hindi talaga siya si Harsha ay magpapakita siya. Yun nga lang, hindi siya magaling umarte. Aalamin ko kung paanong naroon siya sa Jiya Clan. Mukhang may tumatraydor sa matalik kong kaibigan.

※※※※※※

Update again.

Malapit na pong magkita ulit ang HARMIN!

Salamat po sa mga nagbabasa.


BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon