PAHINA 1※

4.1K 104 73
                                    


New world.

Malamig, madilim, at maginaw. Ganyan ang sitwasyon ko sa kasalukuyan. Hindi lang ako ang parang alagang hayop ang nakakulong sa kalawanging selda na ito. May kasama akong isa , dalawa, tatlong babae na sa tingin ko ay mas bata pa sa akin. Naaawa ako para sa kanila, pero dapat yatang maawa muna ako sa sarili ko. Dahil katulad nila, pare-pareho lang kami ng kahihinatnan pagkalabas ng seldang ito.

Niyakap ko ang aking sarili. Sino ba naman ang hindi giginawin kung dalawang maliit na tela lamang ang suot mo. Okay sana kung maliligo ako sa swimming pool o magmo-model ako ng swim suit kaso hindi ganun ang mangyayari mamaya. Naka-suot kasi ako ng itim na pares na damit pang-langoy. Maganda naman ang balat ko, kaso hindi ko ninais kahit minsan na ibandera ito sa mga tao.

"Labas!"

Sabi nung lalaking napaka-tangkad at may malalaking muscle. Kinalampag nya yung bakal ng selda. Nakita ko kung paano nagyakapan ang mga kasama ko nguni't sa akin ay ignora nalang sila.

Ilang buwan na ba akong nakakulong dito? Tatlo o apat na buwan na yata. Hindi ko sigurado kung mabuti iyon, ang sigurado ko lang ay maka-alis man ako dito o manatili ay pareho parin ang tutuluyan ko.

Kamatayan.

"Bilis! Labas!"

Sumigaw ulit yung lalaking akala mo sasali sa body building contest sa laki ng katawan. Kitang-kita pa yung mga galit niyang ugat sa braso. Subali't, ang pinaka kapansin-pansin sa kanya ay ang kanyang pulang pulang mga mata. Kulay dugo kung ihahalintulad.

Marahan akong tumayo at nauna nang pumila sa pintuan ng selda. Sanay na ako. Noong una'y katulad din nila ay takot na takot ako, pero naisip ko na ano pang silbi ng pagkatakot kung kahit magpakabuti ay mamamatay pa rin ako.

Dahil isa akong tao.

Naramdaman kong pumila sila sa aking likuran. Narinig ko pang umiyak ang isa sa kanila.

"Tahimik! Ayusin n'yo ang mga sarili ninyo! Kung hindi ay papatayin ko kayo!"

Napabuntong hininga na lamang ako at walang buhay na pinagsalop ang aking mga palad at inilahad sa kanya. Mabilis nya akong nilagyan ng posas matapos nyang buksan ang pinto. Kinabitan nya din ng kadena yung telang nakalagay sa leeg ko.

Para kaming mga aso.

Pero ito na ang mundo ngayon, kaming mga tao ay isang hamak na pagkain na lamang para sa kanila. Minsan ay alipin, minsan naman ay tagapag-bigay ng aliw. Alin man doon, lahat iyon ay hindi katanggap-tanggap.

"Lakad!"

Nag-umpisang maglakad yung mukhang bouncer ng bar hawak-hawak ang dulo ng kadena mula sa leeg ko. Mukha na talaga akong hayop. Kaso wala na akong magagawa, ito na ang buhay ko.

Na-miss ko tuloy bigla sina mama at papa. Panganay akong anak. Normal naman ang lahat, two years ago. Isa lamang akong normal na estudyante na may average na utak, minsan nag cu-cutting din at nag che-cheer sa mga cutie boys ng campus. Ngunit isang iglap ay natapos ang lahat, simula nung lumabas sila at sinakop ang sangkatauhan. Kakakunti na lamang yata kaming mga tao.

"Dito lamang kayo at wag magtatangkang tumakas"

Sabi nung bouncer. Apat na buwan na nung huling makita ko sina Mama at Papa. Madami na ding nagbago. Akala nila ay 18 years old ako, pero hindi. Bente anyos na ako. Dinaya ng parents ko ang birth certificate ko kasi tatanga-tanga daw yung nagpa-register nung papeles ko. Ang daming error kaya pina late register nila ako. Lahat pinalitan mula sa pangalan hangang sa birthday ko.

I am Harsha Sanchez, pero ang pangalan ko daw talaga ay Natasha. Malapit lang din naman. Pero mas bet ko yung new name ko unique eh.

May tatlo akong kapatid at pang-apat ang nasa sinapupunan ng Mama ko. Nanatili silang buhay upang mag produce ng mga anak. Binibigyan sila ng pang-gastos pangkain sa mga anak pero hindi kami pwedeng mag-aral. Mabuti na lamang ay nakapag kolehiyo na ako bago pa sila namayagpag. Kahit papaano ay hindi ako mang-mang.

Gayun pa man, kailangan ko magpanggap na bobo sa harap ng mga Halimaw na ito. Pakiramdam nila ay threat ang mga tao na may alam sa buhay. Agad nila itong pinapatay, walang isip-isip. Patay agad.

Nagulat ako nang biglang tumakbo yung isang babae na kasama ko kanina sa selda. Napa-iling na lamang ako. Wrong move si ate, mamamatay na siya ngayon. At iyon nga ang nangyari.

Hinablot siya ng isang bouncer na halimaw at walang dalawang isip na sinagpang ang kanyang makinis na leeg. Napa-pikit na lamang ako.

Halimaw.

Yan ang sigaw ng utak ko pero hindi ko maisa-tinig.

"Ano? May tatakas pa ba?"

Pinahid nung bouncer yung dugo sa labi nya at ngumisi pagkuwan.
Umiling kaming lahat syempre at nagsiksikan sila sa isang sulok. Ako lang ang naiwang nakatayo ng tuwid. Sanay na kasi ako sa ganitong eksena, walang bago sa paningin ko.

"Harsha!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Agad naman akong nagbaba ng tingin ng ma-recognize ko kung sino iyon. Isa siya sa may mataas na posisyon dito sa impyernong lugar na ito. Kinamumuhian ko siya, totoo. Pero wala kong magawa kundi magpaka-baba at magsunud-sunuran.

"Bakit po Panginoong Namjoon?"

Sambit ko, kinakabahan ako pero pinilit kong wag manginig ang boses ko. Nakita ko mula sa aking pagkakayuko na hinawakan niya ang aking kadena at pagkatapos no'n ay hinaplos nya ang aking ulo.

Fuck! Kung di ko lang mahal ang buhay ko sasampalin ko 'tong halimaw na ito!"

Sigaw ng utak ko. Muli, hindi ko iyon maisasatinig.

"Magpaka-bait ka. Pag hindi kapa naibenta tonight, dalawa lng ang pupuntahan mo"

Nanatili akong nakayuko. Isang beses sa isang buwan ang bentahan ng mga alipin. Hindi lang babae ang binebenta, may mga lalaki din. Hindi nga lang sabay ang araw ng bentahan.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking punong tainga.

"Sa kama ko at sa ilalim ng lupa"

Nanginig ako. Nakakatakot naman kasi yung mga choices. Parehong di maganda. Pang-apat na beses na kasi ito pero hindi pa rin ako nabibili.

"O-opo Panginoong Namjoon."

※※※※※※

Vote and comment po salamat !

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon