PAHINA 17※

2.4K 75 90
                                    


FIRST BITE.

Harsha's POV

Kasama ko ngayon sa loob ng aking silid si Maya. Kanina ko pa napag-mamasdan ang kanyang magandang mukha, kung paanong ang kanyang matamis na ngiti ay ayaw lumubay sa kanyang mga labi kahit isang segundo.

Mas excited pa siya sa akin! Tsk.

Suot ko na ngayon ang gown na napili ni Jin mula sa Gown Shop kahapon. Sa totoo lang ay napaka-ganda at elegante ng napili niya. Nguni't laking taka ko dahil bakit naman magsu-suot ang isang alipin na katulad ko ng isang mamahaling damit?

Ang gown ay kulay itim na turtle neck, sleveless, fitted ito sa aking katawan kaya madali mong mapapansin ang magandang kurba ng aking katawan. Mayroon din itong slit sa kanang bahagi sa harapan ng aking hita, ang slit nito ay abot hanggang sa gitnang bahagi ng aking kulay morenang mga hita.

"Oh, gosh! Harsha! You're so pretty!"

Naibulalas ni Maya at ibinigay niya sa akin ang isang salamin. Namangha naman ako sa aking nakita nguni't nag-alala din ako.

"Bakit ang garbo naman ng ayos mo sa akin? Alipin lang naman akong dadalo sa Engagement Party"

Naupo sa tabi ko si Maya at hinawakan ang aking kamay. Nabahala ako nang marinig ko siyang bumuntong hininga.

"I don't like to feed you negative thoughts but most of the time, the owners often took this kind of opportunity to look for a mate to partner at their pet"

"S-sigurado ka ba dyan? Kaya ba kailangan nakapostura ako? Pag-aasawahin ako ni Lord J? Bakit?"

"To reproduce of course"

Biglang kumabog ang aking puso. Kaya siguro hindi na ako pinatawag ni Lord J sa kanyang silid dahil ito ang kanyang plano para sa akin. Ang manganak ng manganak.

Punyeta ka kasi, Harsha. Asa ka naman na gugustuhin ka ng Lord J na iyon! Hindi ka blue eyes! Hindi ka niya kalahi.

Sigaw ng tinig sa loob ko. Naramdaman kong nag-iinit na ang mata ko at may luhang nagbabadyang tumakas mula roon nguni't pinigil ko.

Napalingon kaming sabay ni Maya sa pinto nang makarinig kami ng katok. Si Jin siguro iyon, kasama rin kasi siya sa party upang bantayan ako dahil magiging abala daw si Lord J.

Naunang tumayo si Maya at sumunod naman ako. Muntik pa akong matapilok sa suot kong sandals dahil sa kaba. Parang ayaw ko ng umalis, hindi naman ako kailangan doon.

Lumabas kami ng silid at nasilayan ko si Jin na posturang postura. Nakasuot siya ng gray color long sleeve shirt na turtle neck. Pinatungan niya ito ng black coat na ang haba ay halos aabot na sa tuhod at nakabukas lamang ito. Ang kanyang pang-ibaba ay black trouser at nakasapatos siyang itim,makintab ito.

"Goodluck sa party. Have fun!"

Masayang pahayag ni Maya at iniwanan niya kami ni Jin.

"Tara na't ihahatid muna kita sa silid ni Lord J."

Tiningala ko ang gwapong matangkad na binata sa aking harapan nguni't agad din akong nag-iwas ng tingin. Naalala ko na naman kasi yung nangyari kahapon.

"Do you like lord J?"

"A-ano?"

Hindi ako nakahuma at dumagundong ang puso ko. Nguni't hindi ko alam kung dahil sa kanyang tanong o dahil sa nakikita ko siyang palapit ng palapit sa akin?

"B-bakit mo naman naisip iyang ganyang tanong? Isa akong tao, binili ako ni Lord J. Kaya imposibleng m-magugustuhan ko siya."

"Ganun ba? Iba kasi ang nakikita ko"

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon