PAHINA 37※

1.7K 37 20
                                    


The Dream

Nagising akong napapaligiran ng mga puno at  nagbabagsakang tuyong dahon kasabay ng malakas na hangin.
Nasaan ako? Yan ang katagang namutawi sa aking isipan. Ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako katabi ng aking anak.

Nakaramdam ako ng pagkataranta. Paanong narito ako? Nasa'n na ang anak ko? Ang mga kapatid ko? Hinahanap kaya nila ako? Hindi ko na alam kung anong iisipin ko at ako'y nagulat nang biglang may mabilis na tumakbo sa aking tagiliran. Hindi ko nakita kung ito ay tao o ligaw na hayop dahil na rin sa kadiliman at tanging sinag lamang ng buwan ang tumutulong sa aking maaninag ang kapaligiran.

Mabilis akong kumilos at naglakad. Sino yan! Lumabas ka at magpakita sa akin! Huwag kang duwag! Malakas na sigaw ko at tila ito'y umalingawngaw sa buong kapaligiran. Nakarinig ulit ako ng kaluskos, mabilis akong naghanap, sinubukan kong talasan ang aking paningin at paigtingin ang aking pandinig.

Mamaya lamang ay may nakita akong bulto ng isang tao. Sa tingin ko ay isa itong babae dahil mababa lamang ang tangkad nito. Mayroon din siyang makintab at maitim na buhok. Biglang humangin ng malakas at muwagayway ang kanyang buhok. Paunti-unti siyang naglakad papalapit sa akin at halos tumalon ang aking puso ng makita ko ang kanyang kagandahan.

"H-Harsha?"

Malakas na bigkas ko sa kanyang pangalan at patuloy lang siyang naglakad papalapit sa akin. Wala akong nakitang reaksyon mula sa kanyang mukha. Pinagmasdan ko ang kanyang itsura. Napakaraming nagbago. Naging maputla ang kanyang balat, naging malalim ang kanyang mga mata, mapula ang kanyang mga labi at ang kanyang mga mata.

Blue eyes.

Napuno ng pagtataka ang aking isipan. Paanong nangyari ito? Nananaginip ba ako?

"Lord J"

Bigkas niya sa aking pangalan. Ngayon ko nalang ulit narinig ang napakaganda niyang tinig. Tumahip ang aking puso, nakaramdam ako ng pangungulila. Miss na miss ko na si Harsha. Sana, kung panaginip ito ay hindi na ako magising.

Agad ko siyang niyakap. Mabilis na naglandas ang luha sa aking mga pisngi. Hindi siya pumalag nguni't hindi niya rin ako niyakap pabalik. Malamig ang katawan niya at hindi ko na malanghap ang type AB niyang dugo. Tila, iba na siya. Hindi na siya ang Harsha'ng binili ko at naging Ina ng aking anak.

"Aaaaggghhhhrrr!"

Malakas kong sigaw nang makaramdam ako ng kagat sa aking balikat. Oo, kinagat ako ni Harsha. Napapikit ako ng mariin results ng dagliang kirot. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nagulat ako ng makita ko ang aking anak na kagat-kagat ang aking braso. Isang panaginip lamang pala.

"Good morning"

Malambing kong sabi at binitawan niya ang kagat kong braso. Namangha ako sa aking natuklasan, isang buong araw lang ang lumipas at malaki na agad si Sefira. Kung titingnan ay mukha na siyang 9 months old baby, nakaka-upo na siyang mag-isa. Hindi ko tuloy alam kung mamamangha ako o mangangamba sa pagkakaroon ng anak na Half-Breed.

"Hi Sefira, anak. Ako ang Daddy mo"

Humagikgik lang ang bata. Agad akong bumangon at binuhat ko ito. Lumabas kami at saktong naglalakad palapit sa amin si Hobi, halatang excited makita ang bata. Nang makita niya kami, mabilis siyang tumakbo palapit at inagaw si Sefira mula sa aking mga bisig. Hinayaan ko namang hawakan niya ang bata.

"Ay! Ang laki na ng  baby natin J! Woah! Ganito pala sila. Samantalang sa lahi natin. One week muna siyang sanggol bago lalaki"

Masayang pahayag ni Hobi. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa sala at doon ay nilaro siya ni Hobi. Ilang saglit lang ay humahangos papalapit sa amin si Jin at may hawak siyang sobre, agad niya itong iniabot sa akin. Mabilis ko itong binuklat at binasa.

To Lord J of Coron Clan,

             We are sending the Comptroller you've chosen today for the first inspection as we agreed for the access you gave to study the behaviors and physical development of the child. Please, anticipate our coming hour later after you read this letter.
                  Thanks and long live Coron.

Respecfully,
The Comptrollers

Galit kong nilamukos ang papel at itinapon kung saan 'di ko alam. Hindi talaga ako titigilan ng Comptrollers, lalo na ang aking anak. Iniisip ko na lang ang kaligtasan ng aking anak. Dahil, alam kong pagkakaguluhan siya ng lahat ng Panginoon ng bawat Clan kapag nalaman nilang isang Half-Breed ang aking anak.

Oo, ililihim namin sa lahat ang tungkol sa totoo niyang pagkatao. Na ang kanyang Ina ay isang tao. Nakakahabag, totoo. Nguni't ginagawa ko lang ang alam kong paraan upang mapag-ingatan siya sa abot ng aking makakaya.

Ngayong araw din bumalik si Fatima at Yoongi sa mansyon. Nakakatuwang tanggap nila ang aking anak. Oo, si Fatima pa mismo ang nag-alaga at nagpaligo sa kanya. Hindi rin sila nakaligtas sa pagkamangha ng makita nilang malaki na agad ito makalipas lang ang buong araw.
Hindi rin sila makapaniwala noong una na ang dugong nais inumin ng aking anak ay dugo ng isang Bampira.

※※※※※※

"Narito na siya, J"

Pahayag ni Jin nang puntahan niya ako sa aking opisina. Dumating na pala ang Comptroller na napili namin na titingin kay Sefira.

"Sige papasukin mo siya"

Pumasok siya sa loob. Likas sa kanya ang lakas ng loob. Sinalubong niya ang aking malamig na tingin. Na tila sanay na siya sa mga ito.

"I came here to start my inspection. I bet I'm allowed to touch the kid right? Since it's part of my Job"

Bumuntong hininga lang ako at tyaka nagsalita.

"Of course, just make sure na hindi mo magagalusan ang bata. Cause, I'm sure will kill you if you did. Just do your Job. Ayokong mag-feeling close ka sa bata"

Tumango-tango lang si Althea at naupo sa silya sa harapan ng aking lamesang pang-opisina. Hindi nagtagal ay bumalik si Jin at kasama ang aking anak.

"Sefira!"

Masigabong bati ko sa aking anak at agad itong humagikgik nang ako'y makita. Tila miss na miss niya ako at umaksyon siyang nagpapakalong sa akin. Mabilis ding tumayo si Althea at nag-aalangan man ay ibinigay ko sa kanya si Sefira.

Ayoko mang aminin ay nalungkot ako ng sobra nang makita kong magtitigan silang dalawa. Na tila sila'y magkakilala at may koneksyon. Nahabag pa akong lalo nang abutin ng maliit na kamay ni Sefira ang pisngi ni Althea.

"Mam - ma"

※※※※※※※

Nakakainis!

Pero ganun talaga. Para sa flow ng story he he he.

Salamat sa mga magbabasa!

Mahal kayo ni MisterPatatas!

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon