PAHINA 27※

2.1K 51 58
                                    

Comptroller

Halos mapalundag sa gulat si Harsha nang makarinig siya ng malakas na katok mula sa pintuan. Agad niya itong nilapitan habang marahang hinihimas ang kanyang dibdib upang kumalma ang nagwawala niyang puso.

Nguni't tila bigo siyang mapatahan ang pusong nagwawala nang makita niyang kasama ng lingkod si Taehyung, subali't hindi ito nakangiti katulad ng mga nakaraan nilang pagtatagpo.

Dagling pumasok si Jin kaya napilitan siyang magbigay daan, sumunod sa kanya si Taehyung sa loob ng silid. Napansin niyang may dala-dalang kupas na kulay kayumangging bestida si Jin. Bigla tuloy siyang nagulumihanan.

"Go take a bath and wear this"

Inabot sa kanya ni Jin ang bestida at agad naman itong tinanggap at hindi na nagawang magtanong dahil agad siyang tinulak ito patungo sa direksyon kung nasaan ang Palikuran.

Mabilis naman siyang naligo at isinuot ang bestidang ibinigay niya. Lumabas si Harsha ng Palikuran at naabutang parehong nakasuot ng seryosong ekspresyon and dalawang Bampira at halatang naghihintay sa kanya.

Napukaw ang aking atensyon nang magsalita si Jin.

"Harsha"

Sambit niya sa aking pangalan kalakip ang tila pag-aalinlangan. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking mga kamay. Nagsalubong ang aming mga mata at puro kalungkutan lamang ang nabasa ko mula sa kanya.

Ma-e-evict na ba ako sa mansyon? Ikukulong na ba nila ako sa basement? Nagbago ba isip ni Lord J kaya nandito si Taehyung sa kwarto ko? Ibebe--

"Taehyung will mark you, Harsha"

Napatigagal ang dalaga. Mas masama pa pala ang mangyayari kaysa sa mga naisip niya kanina.

Punyeta naman 'tong mga halimaw na 'to. Porke Tao lamang ako ay ginaganito nila ako. Ipapalantak nila ako kay Teahyung, tapos sinong next? Nakaka-tangina lang talaga.

Yan ang gustong lumabas sa mula sa kanyang bibig nguni't nabigo siya.

"B-bakit naman Butler Jin? M-may nagawa ba akong kasalanan?"

Bumuntong hininga ang nasabing Bampira at pilit na ngumiti, nguni't isang pekeng ngiti ang naipamalas niya.

"Look, Harsha. Some inspectors will come here later, we called them Comptrollers. They check every Mansions, per Half-century and today is for Lord J's visit"

Sinulyapan niya si Taehyung na nakaupo na sa kanyang kama at matiim siyang pinagmamasdan. Ngumiti siya pagkatapos at bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa kanyang kalamnan nang masilayan ang matulis na pangil ng Bampira. Agad naman niyang ibinalik ang tingin kay Jin.

"Eh, ano namang kinalaman ko sa Controllers?"

Biglang natawa si Jin sa tinuran ng dalaga at napangiwi siya ng makita ang matulis na pangil nito sa mismong kanyang harapan.

Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Di naman ako nag-joke!

"Comptrollers, not controllers. You're very funny!"

Narinig din niya ang pagtawa ni Taehyung gamit ang malalim niyang boses. Nguni't ilang saglit lamang ay naging seryoso ulit ang mga ekapresyon nila.

"Listen. Kaya magpupunta sila dito ay para tingnan ang mga alipin na aming binili, at kasama ka doon. Kailangan ay makita nilang kaawa-awa ang alipin sa kamay ng kanyang amo at kung hindi ay kukunin nila ito at gagawing BREEDER"

Natutop ng dalaga ang kanyang bibig gamit ang dalawa niyang kamay na kaninang hawak ni Jin. Iyon pala ang totoong dahilan kung bakit naroon sila sa silid ng dalaga.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon