Pahina 54

1.6K 37 1
                                    


※※※※※※

"Clean yourself. We need to go somewhere."

Utos sa akin ni Lord Luhan.  Bakas pa sa mukha ko ang mga luha habang ikinukubli ko ang aking katawan sa ilalim ng makintab at makapal na kumot. Ramdam ko ang hapdi sa aking kaselanan. Ilang ulit siyang nagpasasa, nagparaos nang hindi alintana kahit iyon ay labag sa aking loob.

Bumangon ako mula sa kama at mahigpit na hinawakan ang kumot at hinapit pa iyon palapit sa aking katawan. Pinagmasdan ko siya habang palabas ng silid habang ang tanging suot lamang ay ang kanyang pang-ibabang pantalon. Ngunit huminto siya sa pinto at nagsalita.

"Wear your best Harsha. I want my mistress splendidly gorgeous later."

Matapos niyang sabihin iyon ay hindi na siya nag-atubili pang isara ang pinto at lumabas na ng pintuan. Tumayo na ako sa kama hila-hila ang kumot at isinara muna ang pinto saka sumandal roon. Hinayaan kong lumandas ang masaganang luha sa aking mga pisngi, habang kagat ang aking pang-ibabang labi at pinipigil ang aking palahaw.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na ako sa banyo. Laking gulat ko nang napakarami kong marka sa leeg. Hickeys kung tawagin. Naikuyom ko ang aking mga palad. Paano ko ikukubli ang mga iyon?

Bumuntong-hininga na lang ako at tumapat sa shower. Naligo ako at ilang ulit na sinabon ang sarili na tila mabubura niyon ang bawat haplos at pagsasamantalang ginawa sa akin ni Lord Luhan. Ilang sandali ay natapos na ako at nagbihis. Katulad ng bilin ni Lord Luhan ay pinili ko ang pinaka-maganda at pinaka-mahal na damit na mayroon ako.

Isa iyong itim na bestida. Off shoulder and balloon style and palda nito. Para akong aatend sa isang ball. Pero,isinawalang bahala ko nalang. Ayoko ng madagdagan ang galit ni Lord Luhan sa akin. Matapos kong maghanda ay lumabas na ako ng silid at hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay.

Nakita ko si Lord Luhan na naghihitay sa akin. Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"You'll know, later." Kinilabutan ako nang pasadahan niya ng kanyang daliri ang parte ng leeg ko kung saan niya ako nilagyan ng maraming hickeys.

"Those look good on you. Mistress Natasha." Turan niya.

Hindi nalang ako umimik. Lumakad na siya at nauna. Sinundan ko siya at sa labas ng mansyon ay may naghihintay na itim na kotse. Sumakay kami at naging tahimik ang buong byahe.

Kalaunan ay biglang tumahip ang puso ko nang maisip ko na ang daan na aming binabaybay ay papunta sa Coron.

"A-anong gagawin natin sa Coron?" Wala sa isip na nahaplos ko ang mga hickeys na nilagay niya. Ayokong makita iyon ni Lord J. Baka hindi na niya talaga ako matanggap kapag naging maayos na ang lahat.

"Sabi ko sayo, malalaman mo mamaya. Don't be so excited, Harsha."

Natameme na lang ako. Ano ba naman kasing laban ko sa isang tulad niya? Naging bampira nga ako pero alipin pa rin. Hindi ko kayang ipaglaban ang aking sarili. Isa akong mahina at talunan.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarating kami sa Coron. Bukas ang malaking entrada at may nakaparadang kotse sa labas na halatang basta na lamang iniwanan. Ipinarada ng alipin and kotse sa gilid at saka mabilis na lumabas si Lord Luhan. Ayaw ko man lumabas ay sumunod na rin ako.

Kinilabutan ako nang dumampi sa balat ko ang malamig na hangin kasabay ng malakas na pag-ungol na naririnig ko mula sa loob ng mansyon.

"Seems like Jin was having fun, eh?"

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon