PAHINA 18※

2.5K 65 115
                                    


First of all,  I like to say HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO OUR BELOVED JEON JUNG KOOK!!!  Awww. . Our Kookie is a grown up man now!  Only best of the best wishes for our MAKNAE! 

※※※※※※

MEET THE BAD BUT OH, SO GOOD VAMPIRE.

(Yeah,  alam ko mahaba yung title.  Ganyan lang talaga kasi birthday ni kookie tapos ngayon ko lang ipapakita si  Taehyung after long 17 chapters! ENJOY!)

NARRATOR

Tahimik na nakasakay sa itim na kotse ang tatlong Bampira at isang babaeng tao.

Ang drayber na Bampira ay tahimik na ginagawa ang kanyang trabaho. Sa passenger seat nakaupo ang lingkod na Bampira at nasa likod na upuan ang Panginoon katabi ang dalaga.

Walang may nais magsalita. Lalo na ang dalaga. Hindi pa din kasi siya makapaniwala na sa unang pagkakataon ay kinagat siya at nasipsipan ng dugo ni Lord J. Mabuti na lamang at naunang bumasag ng katahimikan si Jin.

"Lord J. Nauna na po roon si Hobi at Yoongi, nakaligtaan ko lamang ipaalala kanina"

Hindi sumagot ang binatang may kahel na buhok at sinulyapan ang dalaga sa kanyang tabi. Hawak-hawak niya ang pulsuan na kanina lamang ay kagat-kagat niya.

"Later, you'll thank me that I've bit you"

Napalingon sa kanya ang dalaga ngunit hindi rin ito sumagot.

Sa isip ng dalaga ay hindi naman siya galit. Sa katunayan ay natuwa siya dahil nagkaroon na siya ng silbi sa lalakeng nagugustuhan, kahit bilang pagkain manlang.

May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi habang siya'y nakayuko nang maalala niya kung paanong nag-alala sa kanya ang binatang Bampira matapos siya nitong kagatin. At isa pa, may kakaiba siyang naramdaman habang animo'y sinasaid nito ang kanyang dugo. Wari sya'y idinuduyan sa langit, mahirap ipaliwanag ang kanyang naramdaman, napakasarap sa kanyang pakiramdam, nakaka-baliw, nakaka-gumon. Ngayon ay ini-isip niya kung may pagsisisi bang naramdaman ang mga taong nakagat noon ng mga bampira. 

"Nandito na po tayo"

Narinig niyang sabi ng binatang nakaupo sa passenger seat. Napapitlag siya ng biglang kumilos sa kanyang tabi ang binata. Nauna itong naglakad  palayo sa sasakyan ng hindi manlang sila hinihintay. 

"Tara na. Malapit ng magsimula ang okasyon"

Mabilis na kumilos ang dalaga upang lumabas ng kotse at nag-umpisa na silang maglakad. 

Pumasok sila sa isang malaking bulwagan kung saan gaganapin ang Engagement Party. Napakaraming Bampira ang naroon at lahat nakapustura. Nagtatawanan sila, nagku-kwentuhan at ang ilan ay wari'y nagpunta lang upang magpakita ng respeto nguni't ayaw naman talagang pumarito kung may pagpipilian. Katulad ng dalagang ito na nakayukong naglalakad sa likod ng lingkod na Bampira.

"Sumunod ka lang sa'kin, ihahatid kita kung nasaan sina Master Hobi"

Hindi sumagot ang dalaga ngunit patuloy lamang siyang naglakad.

Ramdam niya ang mga titig na itinutuon sa kanya ng mga Bampirang naroon. Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka na kung bakit ang isang alipin na katulad niya ay nakasuot ng mamahaling gown.

Ilang sandali lamang ay narating nila ang lamesa ng mga Master at doon nakaupo ang dalawang Bampira. Yung may kahel na buhok at yung may itim na buhok. Si Master Hobi at Lord J. Tumingala ang unang nabanggit sa dalaga.

"Why are you looking down? You are free to look around here. Just don't meet the stares of the other blue eyes"

"T-talaga?"

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon