PAHINA 50※

1.6K 49 30
                                    


Confrontation

Nobyembre 09, 1724

Sa wakas ay pinaunlakas ako ng aking anak na si Seokjin Coron na mas kilala na ngayong Jin Jiya na ako ay kausapin. Walang paglagyan ang kaligayahan sa aking kalooban. Marami akong dapat na ihingi ng tawad sa aking anak at susunggaban ko na ang pagkakataong ito upang maibalik ang aming samahan bilang mag-ama. Kung hindi man, handa akong maghintay hanggang sa mapatawag na niya ako; sa pagpapabaya sa kanilang mag-ina.

Nagkita kami sa ilalim ng bilog na buwan. Dito sa mansyon ng Jiya kung saan siya naninirahan. Napakalamig nang trato niya sa akin ngunit isinawalang bahala ko iyon. Isa pa, kasalanan ko naman ang lahat.

Pero may pinatunguhan din ang aming pag-uusap. Hiniling niyang payagan ko siyang tumira sa amin bilang kanang kamay ko ngunit hindi ko ipapaalam sa kahit sino ang tunay niyang pagkatao. Agad naman akong pumayag nang walang pag-aalinlangan. Sabik na sabik akong makasama siya kaya handa akong umaktong isang panginoon at siya bilang aking mapagkakatiwalaang kanang kamay.

Nobyembre 15, 1724

Ngayong araw dumating ang aking anak na si Jin. Halos mawalan ng ulirat si Elena nang makita niya si Jin dito sa mansyon. Buti na lamang at napigilan ko siyang maibulalas ang kahit na anong impormasyon patungkol sa aking anak. Ngayong araw din ay nakilala siya nina Jimin, Yoongi at Hobi bilang aking kanang kamay. Gustung-gusto kong sabihin na siya ay ang kanilang nakatatandang kapatid ngunit hindi maaari.

Katatapos lang namin magtalo ni Elena habang isinusulat ko ito. Gusto niyang palayasin ko si Jin ngunit ipinaglaban ko ang aking anak at ang karapatan ko na makasama ito. Matagal na panahon akong nangulila kaya hindi na ako papayag na mawala pa siyang muli sa akin.

Marso 25, 1725

Naging maayos naman ang aming samahan. Nakasundo din niya ang kanyang mga kapatid at napansin kong lagi niyang kasama si Jimin. Siguro ay lukso iyon ng dugo. Nararamdaman siguro ng puso ni Jimin na si Jin ang kapatid niyang nakasama noon sa tuwing pagtulog.

Maging ang aking asawa na si Elena ay sumuko na rin dahil nalaman niyang inampon ng kanyang ama si Jin. Batid kong kinausap niya ang kanyang ama patungkol doon pero hindi ko na inalam kung ano ang kanilang napag-usapan. Sana ay patuloy na maging maayos ang lahat sa pagitan naming lahat.

Nadismaya ako nang matuklasan kong matagal na pala akong niloloko ng aking katiwala. Halos kapatid kung siya ay aking ituring kahit na ang aking batid ay hindi ko siya ka-anu-ano. Ngunit mas nakaka-asar na nakita kong wala ng kasunod na pahina ang diary. Bakit pa nagsulat si Ama kung hindi naman pala niya tatapusin? Paano ko malalaman ang lahat ng katotohanan.

Half breed killed your father.

Biglang dumaan sa isipan ko ang mga katagang iyon. Ibig sabihin ay alam ni Lord Anton kung anong totoong nangyari tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Hindi 'ko na kailangan manghula kung sino ang salarin dahil si Jin lang naman ang kauna-unahang half breed at kapatid ko pa.

Kumukulo ang dugo ko at tila parang hangin akong tumakbo palabas ng mansyon. Nais kong makausap si Lord Anton, and this time. I won't accept any excuse from him because I need to know everything and the truth.

Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar. Maagap namang binuksan ng taga-bantay ng gate ang malaking entrada at nagmaneho na ako palabas. Mabilis ang pagtakbo ng aking kotse habang binabaybay ang kalsadang naliligiran ng mga puno nang sa di kalayuan ay may humarang sa kalsada na isang tao. Nakasuot siya ng itim ba bestida na abot halos sa lupa at may sout siyang kapa na may talukbong.

Mariin kong inapakan ang preno at ang babae ay matapang na nakatayo nang matuwid sa harapan ng aking kotse. Nang tuluyan ko na itong napatigil ay nag-atubuli siyang lumakad sa passenger side at kinatok ang bintana. Biglang nagwala ang aking puso nang makita ko ang kanyang kagandahan mula rito sa loob sa pamamagitan black tinted window ng aking kotse.

Bunuksan ko ang pinto at mabilis siyang pumasok. Tinanggal na niya ang kanyang talukbong at naikuyom ko ang aking kamao nang makita ko ang ilang pasa sa kanyang mga braso.

"Sinasaktan ka ni Luhan?"

Pumikit lang siya at huminga nang malalim. Tila ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol sa mga pasa niya. Pero, kumulo talaga ang dugo ko sa nakikita ko ngayon.

"Kailangan natin mag-usap, Lord J." Usal niya.

"Kailangan talaga nating mag-usap. Bakit hinahayaan mong saktan ka ni Luhan?" Naiinis kong tanong at wala akong planong tawagin siyang lord ngayon. Anong karapatan niyang saktan si Hasha? Ang babaeng mahal ko at ina ng aking anak.

"Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan iyon! Mas importante ang sasabihin ko!" Pasigaw niyang sabi kaya natahimik ako. Wala nga pala akong karapatan sa kanya dahil may asawa na siya.

"You better put your guard up every second passed, especially when Jin is around. Please, always be careful. Jin and Luhan are planing to kill you, even Yoongi and Hobi."

Seryosong pahayag ni Harsha sa akin. Gayun pa man, mas nangingibabaw ang takot ko para sa kanya. Kasasalin pa lang sa kanya at hindi siya kasin-lakas namin. Natatakot ako na baka saktan o paslangin din siya ni Luhan.

"Umalis ka na room Harsha! Magpakalayo-layo ka. Babalikan at hahanapin kita pag maayos na ang lahat."

Suhestyon ko pero mabagal siyang umiling.

"Ayokong mapahamak si Sefira. Matagal ko ng gustong balikan kayo pero hindi ko magawa. Para sa kaligtasan ito ng ating anak, Lord J." Malungkot na turan niya.

"God damn it!"

Nahampas ko pa ang manibela sa aking harapan sa galit at naramdaman kong hinawakan ni Harsha ang aking nakakuyom na kamay. Isinalubong ko sa kanya ang aking itim na mga mata at napako ito sa asul na pagmamay-ari niya.

"Please, this isn't the right time for anger. Promise me that you will take good care of yourself and always look out for Sefira."

Malambing niyang sabi at ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay ay lumipat sa aking pisngi at marahan itong hinaplos. Naglakbay ang aking paningin sa buong mukha niya hanggang sa nakabisado ko na ito at napadako ito sa kanyang mapulang labi. Siguro ay saka ko na iisipin ang tungkol sa mga suliranin ko. Ngayon ay ang mas importante.

I kissed Harsha.

Maybe Luhan own her name and body yet her heart was all mine and forever will be.

"Promised me you'll wait for me."

※※※※※※

Update

Seryoso tayo hanggang sa mga susunod na chapters.

May lulusob na po.

Ha ha ha.

Mister

Salamat sa mga nagbasa.









BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon