PAHINA 4※

2.6K 96 51
                                    


Young Masters

"Welcome to hell, new pet"

Puta, am I in hell ba talaga? Bakit ang bango nya rin? He sounded very arrogant. Yet, I am sure that this Young Master have perfect face like Jin more especially because He's a pure blood.

Hindi ako nag-react. Kunwari ulit ay hindi ko siya naintindihan.

Sa wakas ay lumayo na siya ng tuluyan at naglakad. Humugot ako ng malalim na hininga. Kakapasok ko pa lamang sa mansyon na ito nguni't pakiramdam ko ay bago pa man ako makarating sa mismong nakabili sa akin ay patay na ako.

"Tara na"

Mahinang sambit ni Jin at patuloy kaming naglakad. Dalawang hakbang na lamang ang layo ko sa kanya at sinusundan ko lamang ang bawat lakad niya dahil hindi naman ako maka deretso ng tingin. Sumasakit na nga ang batok ko kakayuko eh, idadagdag mo pa yung hilong nararamdaman ko mula sa pinaghalong ginaw at kaba mula nung makasalubong namin ang isa sa mga Young Masters. Oo with s, hindi ko nga lang alam kung ilan sila.

Pumasok kami sa isang silid. Hindi pa rin ako tumitingala hanggang sa narinig kong isinara niya ang pinto. Maliit lamang ang silid. Napapitlag ako nang biglang hawakan ni Jin ang kamay ko.

"Easy, tatanggalin ko lang itong posas at kadena sa'yo. Tumingala ka na din dahil kwarto mo ito"

"S-salamat Jin"

Inilibot ko ang paningin ko rito sa loob ng maliit na kwarto. Mayroong isang single bed sa gilid, Walang bintana, sa tabi ng kama ay may maliit na kahoy na lamesa at sa bandang paanan ng kama ay isang maliit na kabinet. At tanging isang dilaw na bumbilya ang nagbibigay liwanag sa loob ng silid.

Mas okay ito kaysa sa seldang pinanggalingan ko. Sana nga lang tumagal ako rito sa mansyon.

"Oo nga pala, Harsha. Wag mo akong tawaging Jin lalo na kapag may ibang makakarinig. Butler Jin dapat, baka isipin nilang masyado tayong close at malagot tayo ng sabay."

"Tatandaan ko Butler Jin"

Naupo muna ako sa kama at nakita kong nilapitan ni Jin yung kabinet at binuksan. Kumuha siya ng isang bestidang kulay itim na spaghetti strap na silk ang tela. Parang nighties kung titingnan. Inilapag niya ito sa kama, sa tabi ko.

"Take a bath and wear this. I willl take you to Lord J's room later"

Curious ako, sino ba si Lord J? Tatay ba siya ng mga Young Masters?

"Maaari ba akong magtanong?"

"Sige, ano ba iyon?"

"Sino si Lord J?"

Nagtitigan kami ng matagal. Para bang sinusukat niya kung karapat-dapat bang malaman ko ang kasagutan. Ilang saglit lamang ay nakita kong inilagay niya sa kanyang bulsa ang mga kamay at humakbang pa palapit sa akin.

"I guess, mas maganda kung ikaw ang umalam tungkol dyan, Harsha"

Nginitian na naman niya ako ng matamis. Pa-mysterious effect pala yung Lord J. Well, gusto ko lang sanang malaman kung posible bang patayin niya ako agad o pagti-tripan muna bago simutin ang dugo kong masarap daw.

Napa-pitlag ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako sa panauhing pumasok mula sa pintuan. Isa siyang lalake'ng matangkad, may maputlang balat, itim na buhok at may malawak na ngiti. May hawak- hawak siyang tray.

Oh my! Punong-puno ng hunkies ang bahay na ito! Parang feeling ko ang swerte ko na binili ako ng Lord J.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo Young Master?"

Awtomatiko akong napalingon kay Jin at yumuko. Bakit ba hindi ko agad napansin na isa siyang Young Master?

Blue eyes

Oo, blue ang mata niya hindi katulad kay Jin na kulay pula. So, yun yung palatandaan ng mga royal blood? Blue eyed sila?

"I just heard from my brother that you bought new pet. I took some food for her. She needs this to feed her Mas--,well, who is her master?"

"This human is Lord J's"

Hindi ko na makita ang ginagawa nila dahil nakayuko nga ako. Pero narinig ko ang pagtunog ng kubyertos nang mailapag ang tray sa maliit na lamesa dito sa loob ng aking silid.

"Tayo"

Narinig kong sabi nung bagong dating. Agad akong nanginig at nanlamig. Rule number 2, sundin lahat ng sasabihin ng mga nakatataas.

Dahan-dahan akong tumayo nguni't nakayuko pa rin. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko nang maramdaman kong inilapit niya ang kanyang mukha sa may bandang balikat ko. Naramdaman ko rin ang mainit na hininga na nanggagaling sa kanyang ilong.

"Hmmm Type AB?"

Great! Nalalaman pala nila kahit through smell lang ang type ng dugo ng isang tao. Sila na maraming ability! Tsk!

"Yes, Young Master"

Narinig kong sagot ni Jin sa kanya. Wala ng umimik pagkatapos ngunit ramdam ko pa rin ang malakas niyang presensya.

"Look-- I mean, tumingin ka ng deretso sa akin"

Hala? Deretso daw? So anong susundin ko? Rule number 1 o rule number 2?

Hindi pa rin ako kumilos at nag-umpisa ng bumigat ang paghinga ko dahilan ng nerbyos.

"I am sorry Young Master, I told her that it's forbidden to look straight at the Masters here"

"Oh, is that so?"

Piste! Bakit ba ang hilig mag english ng mga ito? Originated ba sila from other country? Nakakayamot lang na kailangan ko magpanggap na wala akong naiintindihan.

"I am asking you to break rule number one. Look at me"

Nagdadalawang isip ako. Pa'no pala kung test lamang ito tapos bigla niya akong patayin once I look up? Natigil lamang ako sa pag-aalinlangan nang si Jin na ang nagsalita.

"Go on Harsha, Do it"

Kinakabahan man ay unti-unti akong tumingala at ang unang bumungad sa akin ay ang asul na mga mata ng Young Master na nasa harapan ko.

Shet lang! Katarungan nasaan? Mas makinis pa ang balat niya sa akin! Anong sikreto ng mga Bampirang ito at parang napaka perpekto ng itsura nila? At ang bango niya!

Napagkit ang mata ko sa napaka-gandang asul niyang mga mata. Naakit din akong tingnan ang kanyang maliit nguni't matangos na ilong, ang kanyang mapulang mga labi. Perpekto, sobrang gwapo . Gwapong Bampira.

"Hello Harsha! I'm Hobi, the youngest of the Young Masters"

Matapos no'n ay ngumiti siya ng malapad at lumitaw ang mga biloy nya malapit sa kanyang mga labi.

Why so handsome?

※※※※※

Vote and comments po.
Salamat

Anyway, yung naka slant na text ay inner thoughts po ni Harsha :)

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon