PAHINA 42※

1.7K 29 36
                                    


ALTHEA IS ROSALIA?

Pebrero 24, 1693

Patuloy ang aming pagkikita. Nagkaroon kami ng relasyon ni Esmeralda. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Winaglit ko sa isipan na ang aming pag-iibigan ay bawal dahil isa akong Bampira at siya ay Tao. Nguni't tanggap niya ako bilang ako. Wala siyang takot na nadarama patungkol sa akin. Subali't hanggang sa ngayon ay hindi ko pa nasasabing Gabriel talaga ang ngalan ko at hindi Anton. Hindi ko na kasi magawang maalala sa tuwing kasama ko siya. Ang gusto ko lang ay mag-usap kami ng kung ano-anong mga bagay at magsalo sa isang mainit na pagmamahalan. Oo, may nangyari na sa amin ni Esmeralda at ako ang una niya, tanging hiling ko lang na sana ako na rin ang huli. Maayos naman ang lahat hindi din nakakahalata sa ngayon ang aking Ama na ako'y madalas na pumupuslit papunta sa kagubatan malapit sa bayan upang makipagtagpo sa aking sinisinta.

Nguni't dumating ang gabing hindi ko inasahan. Nagkita muli kami ni Esmeralda at hindi ko akalain na may gagawi rin pala sa gubat na mga kalahi ko. Naunahan nila ako at nakuha nila si Esmeralda. Sinundan ko sila at laking pasasalamat ko ng dalhin siya sa Mansyon ng Baron Clan. Doon, pwede ko siyang bilhin. Kailangan niya lang maghintay. Ilalabas ko siya roon at gagawin ko siyang alipin, sa ganitong paraan ay malaya ko siyang makakasama.

Hintayin mo ako, mahal.

Natapos ko ng basahin ang sumunod na pahina nguni't hindi pa rin dumarating dito sa aking opisina si Lady Althea. Ang inaasahan ko kasi ay narito na siya nguni't nabigo ako. Dala ng inip ay isinara ko na ang aklat at ibinalik sa tama nitong lagayan at lumabas ako ng aking opisina. Marahil ay kasama ni Lady Althea si Sefira.

Una kong tinungo ang silid ng aking anak nguni't hindi ko sila natagpuan. Tumungo naman ako sa salas pagkatapos at wala rin sila. Inaabot na ako ng pikon nguni't naghanap pa rin ako hanggang sa naisipan kong lumabas at doon nga ay natagpuan ko nga sila sa hardin at nag-uusap.

Marahan akong lumapit upang hindi nila ako mapansin. Gusto kong marinig kung anong pinag-uusapan nila.

"Pwede bang maging Mommy kita?"

Narinig kong tanong ni Sefira at sinakluban ako ng awa para sa aking anak. Talagang naghahanap siya ng Ina. Hindi ba sapat yung pagmamahal na naibibigay ko para sa kanya? Bago pa man makasagot si Lady Althea ay tumukhim ako kaya sabay silang napalingon sa akin. Mabilis na tumayo si Lady Althea at ako ay binati. Sinulyapan ko si Sefira tyaka ko siya nginitian.

"Anak, pwede bang pumasok ka muna sa loob? May pag-uusapan lang kami ni Lady Althea."

Tumango-tango ang bata at tumakbo ito paloob ng mansyon. Tumikhim muli ako at tininitigan ang dalagang nakatayo sa aking harapan.

"Lady Althea, siguro ay dapat wag ka ng madalas na pumarito. Malaki na si Sefira at sigurado akong ever full moon nalang ang changes na magaganap sa kanya. Bumalik ka na lang sa kanyang kaarawan pagkatapos ng pagbisita mo ngayong araw."

Matapat kong sabi sa kanya. Ngumiti siya ng pino at tyaka sumagot.

"Kung iyan ang nais mo, Lord J."

Sambit niya at nakatitig lamang ako sa kanya. Namamangha pa rin kasi ako sa katotohanang kamukha niya si Rosalia. Ang kauna-unahang taong natipuhan at minahal ko ng sobra. Nang dahil sa kanya kaya ako naging mahilig sa bulaklak na rosas.

Sinubukan kong iwaksi ang mga agam-agam at napako ang titig ko kay Lady Althea. Lumuwag ang kanyang ngiti at marahan niyang iniangat ang kanyang kamay at hinawi ang buhok na kumalat sa kanyang pisngi at inilagay sa likuran ng kanyang tainga.
Bigla akong nabato nang may napansin ako sa kanyang braso. May suot siyang bracelet na pamilyar sa akin.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon