PAHINA 8※

2.4K 77 61
                                    

Tao?

Matapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Isang pulang bestida na v-cut ang neck line, sando strap sya at four inch above knee ang haba. Mas maganda ito at mas disente kaysa sa sinuot ko kahapon.

Nahiga ako sa kama. Mukhang may bisita sila ngayon. Baka kalahi din nila iyon kaya nataranta si Jin. And since, hindi ako pwedeng lumabas kung hindi ako susunduin. Baka pwedeng umidlip muna ako kahit sandali.

Ikinulong ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot at pumikit. Inaantok na talaga ako. Kailangan ko munang matulog at magpahinga.

"Harsha"

Napabalikwas ako ng bangon. Biglang tumibok ng napakabilis at napakalakas ang puso ko ng dahil sa gulat. Inilibot ko ang aking paningin at nagulat muli ako nang makita ko si Hobi na nakatayo sa may pintuan at nakangiti.

Kaagad akong tumayo at yumuko sa harap niya.

"Magandang umaga Young M aster. Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo?"

"Tapos ka na bang maghanda? Hiningan ako ng pabor ni Jin na ipasyal ka "

Nagtaka naman ako. Bakit naman ako kailangang ipasyal ni Hobi? Tyaka sabi ni Jin wag akong lalabas kung hindi ako susunduin. Kaso, pwede ko bang suwayin itong Bampira? Bahala na.

"O-opo Young master. Kanina pa po ako nakapag-palit"

"Sumama sa sa'kin, dali!"

Lumabas siya ng aking silid kaya sumama naman ako. Isinira ko ang pinto ng aking kwarto at sinundan ko ang kayang paglalakad. Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero ayaw ko ding magtanong baka ikapahamak ko pa.

Lalo akong nagtaka nang makalabas kami ng mansyon. Napakadilim sa labas dahil 4 am palang yata. Nahirapan akong maglakad dahil madilim. Pero pinilit kong maglakad ng maayos hangang sa may naaninag akong poste nang ilaw.

Doon kami patungo. Namangha ako nang sa wakas ay makarating kami doon. Napaka-ganda. Isa pala itong hardin na may iba't-ibang klase ng bulaklak. Mayroon ding bench na kahoy sa gitna ng hardin. Lumanghap ako ng hangin, napakabango.

"Pretty, right? I wish I could able to come at this place under the sun like humans, But no"

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero, wala akong balak yumuko ngayon para sa kanya.

"Maaari po ba akong magtanong?"

"Sige"

Tumitig ako sa isang bulaklak na paborito ko. Isang rosas na kulay pula. Humugot muna ako ng hininga bago nagsalita.

"Totoo po bang maaari kayong mamatay kapag nasinagan ng araw?"

Hindi siya sumagot. Kinabahan tuloy ako at sumalsal ang puso ko. Ang tanga naman kasi nung tanong ko. Bakit about sa makakapatay sa lahi nila di ba? Nguni't napapitlag ako nang bigla siyang tumawa ng malakas.

"You humans are funny, really. Di kami mamamatay just because na-expose kami sa araw. Yeah, it could stung our skin pero bearable naman. Wag lang sobrang matagal ma expose kasi pwede din naming ma-injure"

Hindi na ako sumagot. At least hindi niya ako sinagpang dahil sa tanong ko na walang kwenta. Itinuon ko lang ang titig ko sa bulaklak.

"Let's sit down"

Nilingon ko siya at naglakad siya papunta sa bench tapos ay naupo. Sinundan ko siya at naupo rin ako pero hindi gaanong kalapit sa kanya.

"I like to know more about humans. Kaso, wala pa akong na encounter na hindi takot sa akin. Ikaw palang."

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon