PAHINA 34※

1.8K 41 47
                                    


※※※※※※

" Then we couldn't do a thing if the request was from Lord Anton of Tipolo Clan. My appointment here as the Chief Official at The Comptroller society was still fresh. If I fight that old Vampire, my position will be at stake"

Turan ng isang Bampira na may asul na nga mata. Mayroon siyang itim na buhok, maputlang balat, matangos na ilong at may maliit na bilugang mata.

"Ano na pong susunod nating hakbang Lord Luhan? "

Tanong ng isang babaeng Bampira na my mahabang olandes na buhok. Si Althea. Narito sila ngayon sa malawak at magarbong opisina ng bagong Panginoon.

"Hayaan natin sa kanilang pangangalaga ang Breeder. Kapag naipanganak na niya ang sanggol ay tyaka tayo gumawa ng paraan. Kung kinakailangang hingin ko ang tulong ng ibang Panginoon, ay gagawin ko"

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga. Tumayo na siya mula sa kanyang kinauupuan at handa nang umalis nguni't nagsalita pa ang isa.

"Kumusta naman kayo ng iyong nobyo, Lady Althea?"

※※※※※※※


1 month later.

"Woah! Tama na yan, Yoongi! Gwapo ka na! Baka mabasag yang salamin sa kakasipat mo ng iyong imahe"

Pabirong sabi ni Hobi at hinila na niya ang kapatid palabas ng kanyang silid.

Ngayong araw ang kasal ni Yoongi at Fatima. Hindi katulad ng mga tao. Ang kasal sa mundo ng Bampira ay ginaganap sa gabi ng kabilugan ng buwan. Hindi katulad ng mga tao na nagpapalitan ng singsing ang magkapareha, sa Bampira ay kailangan lang ng isang kagat.

Oo, isang kagat. Kailangan lang kagatin ni Yoongi sa leeg ang kanynag magiging asawa. Ito ay magiging marka na siya ay pagmamay-ari na nito. Si Fatima naman ay mamarkahan ang kanyang magiging asawa sa pulsuhan. Simple lang pero makabuluhan. Ito ay senyales na habang buhay na silang magsasama.

Matapos ang seremonyas sa ilalim ng maliwanag na buwan ay nagkaroon ng masaya at magarbong salo-salo. Sa mansyon muli ng Tipolo Clan ginanap ang importanteng okayson. Marami ang dumalo, mula sa iba't ibang clan. Lahat ay masaya para sa pag-iisang dibdib. Isa rin itong paraan ng pagpapatatag ng samahan ng Tipolo at Coron Clan.

Samantala, si Harsha ay naiwan sa mansyon kasama si Jin at Maya upang siya'y bantayan. Si Lord J at Hobi kasi ay naroon sa kasal ni Yoongi.

Malaki na ang tiyan ni Harsha. Nakakapag-taka nguni't tila agresibo ang batang nasa sinapupunan niya. Masyado itong malikot at kung noon ay dalawang beses lang siyang umiinom ng dugo sa isang araw, ngayon ay apat hanggang limang beses na. Lagi siyang uhaw at gutom.

Namayat siya at namutla. Madalas din siyang nakahiga lang dahil unti-unti siyang nanghihina pero tinitiis niya lahat para sa munting Bampira na nasa kanyang tiyan. Oo't tao siya kaya siya nahihirapan. Iniisip na lamang niya na dalawang buwan na lang at mailalabas na rin niya ang bata at inaashan niyang mulusog ito.

"Woah! Sumisipa na naman si baby!"

Hiyaw ni Maya. Siya kasi ngayon ang nagbabantay kay Harsha dahil sandaling may inasikaso si Jin.

Napangiti ang dalaga at hinimas ang umalon-alon niyang tiyan dahil sa kalikutan ng kanyang anak.

"May naisip ka na bang pangalan? Dalawang buwan nalang at ipapanganak mo na si baby!"

Naki-himas na rin ang dalagang Bampira at tila aliw na aliw.

"Hmmmm. Kapag babae, gusto ko ng Sefira. Kapag naman lalake ay Maru"
Nakangiting tugon ni Harsha.

BLIND FOLD || P.JM || R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon