Chapter Two

48.6K 785 137
                                    

Chapter Two

Timothy Servantes










[A/N: Annyeong guyseu :) Sorry po natagalan huhu. Anyways... Guyseu... Alam ko po na gusto niyo ng POV ni Lucian para malaman ang side niya. Wag po kayo mag-alala guyseu. I am planning to make his own POV pero hindi po muna ngayon. Mga 3 chapters pa before his POV. At tulad ng mga POV niya... Hindi iyon masyadong detalyado. I am saving his POV sa time na kailangan na kailangan at sa final chapter... Do not worry. Magiging madalas ang POV niya kapag natapos ko na ang scene para siya naman ang magsalita :) Hope you understand guyseu :) Thank you so much :) Enjoy reading :)]











***


Nagising ako ng maaga kinabukasan. Bumaba ako pagkatapos kong magdasal. Tahimik pa sa buong bahay dahil alasingko pa lang ng umaga. Niyakap ko ang towel na dala.







Bumaba ako at naghanap ng cr. Sa pagkakaalam ko ay nasa baba iyon. Bumaba ako para makapag-ayos ng sarili. Wala kasing sariling cr ang kwartong gamit ko.






Nasa kusina iyong cr banda. Lumapit ako roon. Nang bubuksan ko na ang pinto ay may lumabas na lalaki sa cr. Nagkatinginan kami. Napatili ako. Sumigaw rin siya.







"Ahhh! Magnanakaw!" sabi namin sa isat'isa. Ipinangtakip niya ang isang kamay sa ibabang parte ng katawan niya na natatakpan lang ng tuwalyang puti habang tinuturo ako. The water was dripping from his wet hair to his chest, halatang katatapos maligo. He's eyes wide open in shocked. At alam ko ganoon din ang akin. Napatakip ako sa mata dahil wala siyang kahit na anong saplot maliban sa towel sa ibabang parte ng katawan niya.







"Anong ginagawa mo rito? Mambobosong magnanakaw!" akusa niya. Automatic na natanggal ko ang pagkakatakip ng mga mata ko. I am looking straight at his face. Hinampas ko siya ng towel na dala ko.






"Ang kapal ng mukha mo! Magnanakaw ka no?" akusa ko. "Magnanakaw!" sigaw ko sa kanya. 







Kita kong nagulat siya sa ginawa ko. "Aray! Ikaw!" daing niya.







Napatili ako nang hilain niya ang towel na ipinanghahampas ko sa kanya. Na-out of balance ako dahil sa biglaan niyang ginawa. Nawalan ako ng balanse at matutumba na paharap sa kanya. Nanlaki mga mata ko at napasigaw sa gulat.






Nanlaki mga mata niya nang tumama ako sa kanya kaya natumba kami parehas. Tumama ang likod niya sa sahig tangay-tangay ako. Napaimbabaw ako sa kanya. Dinig ko ang pagmumura niya at ang pagdaing niya sa sakit.







Napapikit ako dahil sa impact. Shit!






Sobrang pagtahip ng dibdib ko dahil sa kaba. Narinig ko siyang nagmura. "Ano ba miss! Sino ka ba? Shit naman nabalian ata ako ng buto!" inis na sabi niya.







Lumayo ako hindi dahil sa hiya ng posisyon namin kung hindi sa kaba. Ang baby ko.






Napahawak ako sa tiyan ko at naupo sa sahig. Tumulo ang mga luha ko. Nag-uunahan ang mga ito. Labis ang pag-aalala ko sa anak ko. Shit! Kinabahan ako ng husto roon! Paano kapag may nangyari sa baby ko dahil sa impact nang pagkalaglag ko? What if... Shit! No! The thought of me having miscarriage feels like hell!







Naramdaman ko iyong lalaki sa tabi ko. "Miss..."






Napahikbi ako. Hindi ko mapigilan. Natakot talaga ako ng husto. Kinabahan ako. Baby... Sorry mommy is so careless. Sorry baby.






Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon