Chapter Sixteen

37K 774 177
                                    

Chapter Sixteen

Happier













[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Pasensya. Hindi kaya ni Owtor na mag-update araw-araw. Pero pinu-push ko talaga na every other day mag-update. Sorry gabi na siya nakakapag-update. Anyways.

Inspired ako kasi finally nangyari na ang fave couple ko. Yie. Congrats sa favorite couple ko Mr. And Mrs. Song <3 Kay baby Song Jong Ki na unang asawa ko sa Kdrama masaya ko na ipinaubaya ko na siya saiyo unnie Song Hye Kyo. Naks haha. Best wishes saking fave couple <3 Happy marriage and a forever sa inyong dalawa <3 Sana sunod na rin sina Lucian at Amanda sainyo hahaha. Nakakainggit sana kami rin ng EXO ko hahaha.

So ayun. Play niyo rin guyseu iyong Happier ni Ed Sheeran :) Iyon ang sound track natin ngayon :) Nang mapakinggan ko iyon bagay na bagay kay Lucian babe haha. So ayun :) Enjoy reading guyseu <3 Saranghaeyo <3]









***






Hindi ko iniwan si Lucian ng gabing iyon. Alasingko na nang bumangon ako sa tabi niya. Tulog na tulog pa rin siya. Halatang nalasing ng husto. Hindi man lang niya namalayan na sa tabi niya ko natulog.






Kagabi... Hindi ako nakatulog agad kakaisip sa pag-aming iyon ni Lucian. Ginulo niya ng husto ang sistema ko. Inamin niyang mahal niya ko. Pero mahirap umasa dahil lasing siya nang sabihin iyon. Panigurado... Nakalimutan na niya ang bagay na iyon. Nadala lang siguro siya ng alak na nainom niya.








Inayos ko ang kumot niya bago ako lumabas para pumasok sa kwarto ko. Sakto paglabas ko ay kalalabas din ni Phoenix.







"Good morning, babe." nakangiting bati Phoenix nang magkalapit kami. I can see his tenderness towards me. I miss him.









"Good morning din, Phoenix." bati ko at ngumiti ng naiilang. Naiilang ako bigla. Ang daming nangyari. Kaya pakiramdam ko galit din siya sakin.






Tumawa siya at nagulat na lang ako nang yakapin niya. I relax a bit. "Err. I can sense your awkwardness. Nakakatampo na."








Napangiti ako at parang automatic na nawala your pagkailang ko. "I miss you, Phoenix. Sobra. Sorry sa mga nangyari."






Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa sentido. Nakakahiya. Kahit bagong gising siya ang bango niya. Kamusta naman kaya ang amoy ko? Ang itsura ko?







"Wala kang ginawang kasalanan sakin, babe. Ako dapat ang humingi nun. Sorry." humigpit yakap niya. "Alam mo ba? Lagi kitang iniisip. Nag-aalala kami palagi saiyo. Sa inyo ng anak mo. I miss you always. Gagong Lucian kasi. Nakakapangselos babe. Pinagpalit mo na rin ako."






Napangiti ako kasi alam ko kung sinong tinutukoy niya. And my heart warmth because of the tenderness in his words. Ramdam ko talaga na namiss niya rin ako at nagtatampo siya. Akala talaga niya kinalimutan ko na siya at pinagpalit. Timothy is just a friend. Ano ba akala nila? Hindi ko naman tinignan o tinrato si Timothy ng higit sa kaibigan o kapatid. Alam naman ni Phoenix kung sino ang mahal ko. Kung close man kami ni Timothy ay iyon ay dahil sa napakabait niya at kumportable ako sa kanya. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Timothy.












"Hindi naman kita pinagpalit, ah? Ikaw pa rin kaya ang boyfriend ko. Namiss kita. Nagtatampo lang talaga ako saiyo noon kaya pasensya na. Nadamay ka. Sorry. Saka... Kaibigan ko lang din naman si Timothy,"








Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon