Chapter Thirty Six (Part One)

15.3K 319 48
                                    

Chapter Thirty Six (Part One)

Home















[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Sorry kung ngayon lang si Owtor nakapag-update. I am still so very thankful sa inyo mga babes for reading this story :) Thank you <3 I love you <3

Hi nga pala kay @Ivy thank you for reading saranghae <3 Next time I'll mention everyone :)

Maikli lang po ito. Next update iyong continuation :) Enjoy reading guyseu <3 Saranghae <3

P.S. HAPPY SIX YEARS EXO <3 SIX YEARS IN A RELATIONSHIP WITH MY BABIES, MY EXO <3 SARANGHAJA <3 MAHAL NA MAHAL KO KAYO <3 YOU ARE MY LIFE MY EVERYTHING HAHAHA. SARANGHAE! EXO-CBX I AM SO HAPPY AND PROUD OF YOU BOYS. SARANGHAEYO <3]










***




"Why don't you sleep babe?" tanong ni Lucian sakin habang nakahiga kami pareho. Nakayakap siya sakin habang nakaunan ako sa dibdib niya. Tinignan ko siya.










"Ayoko pang matulog. Babantayan kita. Ikaw ang kailangang matulog dahil bibiyahe ka pa mamaya." sabi ko sa kanya. Hinaplos ko ang dibdib niya. "Matulog ka pa..." sabi ko sa kanya at tiningala siya para makita ko ang mukha niya. His beautiful face. 










Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa bibig niya para halikan. Tinignan niya ko. Mapupungay ang mga matang nakatunghay sakin. "I don't want to sleep too. Gusto kong sulitin ang sandaling ito na kasama ka... mamimiss kita sa loob ng tatlong araw na hindi tayo magkikita." sabi niya.










Nadurog ang puso ko. Kitang-kita talaga sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila niya. "Kahit ako, Lucian ay ganoon din." sabi ko. "I'm going to miss you so bad... tawagan mo ko kung may oras ka..." please.










Napakagat ako sa labi. Ayoko mang sabihin iyon hindi ko mapigilan. Sa tuwing umaalis kasi siya alam kong hindi na naman kami magkakausap niyan dahil busy na naman siya.










Humigpit ang yakap niya sakin at mas hinila pa ko palapit sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko.










"I will. Please... do not forget me... kahit nandito siya para abalahin ka." sabi niya sa nahihirapang tono.










Nagulat ako sa sinabi niya at nangunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin?"









Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya... Why would he said that?










Bahagya akong humiwalay sa kanya para matignan ko siya. Seryoso niya kong tinignan. "Makakasama mo siya rito habang wala ako..." sabi niyang mababakasan ang pagseselos. Na ang kaisipang magkasama kami ni Timothy at gumugulo sa kanya.










Gulat na tinitigan ko siya. "Seriously Lucian?" napailing ako sa kanya at tumawa. Ipinatong ko ang kamay sa dibdib niya para halikan siya. Gusto kong alisin ang pagseselos niya. "Kahit magkasama kami... ikaw pa rin ang mahal ko. Lagi kitang iniisip. Lagi kitang namimiss. Gustong-gusto kong lagi kang kasama." sabi ko sa kanya, tapat at galing sa puso ko iyon. 











Napamura siya at hinawakan ang likod ng buhok ko para hilahin ako at halikan. Hindi ko na napigilang suklian ang halik niya. Humiwalay lang kami sa halik nang kapwa na kaming dalawa na nauubusan ng hangin. Hinaplos niya ang pisngi ko at pinanatili ang lapit ng mukha niya sakin.










Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon