Chapter Forty Seven (Part Four)
Yes
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Sorry for not updating soon. Pinaghandaan ko po talaga ang update na ito kaya sana po magustuhan niyo ang kinalabasan. I am so excited to post this chapter at sana tulad ko ay maging masaya kayo sa kinalabasan ng Chapter na ito :) Continuation lang po ito. Enjoy reading po :) Salamat <3 God bless <3
P.S Kapag may nabasa po kayong Chinese na nakasulat, ang naka-italic at may close and open parenthesis ay ang English translation niya bilang subtitles. I mean hindi siya nilagyan ng English doon nang nagsabi, direktang Chinese iyon pero para maintindihan kung ano iyong sinasabi ay nilagyan ko ng subtitles hahaha. Naks. Gumaganern haha. Thank you sa mga blog na nabasa ko about Chinese phrases nang naghahanap ako ng translation ng gusto kong isulat na mga salita. Credit sa kanila dahil hindi ako nahirapan magtranslate. I hope I really know how haha. Thank you again :)
Enjoy reading everyone :) Sana po maging masaya kayo sa update :) Because I enjoyed writing it. Comments in this are very much appreciated :) Thank you :) Saranghae <3 God bless <3]
***
Nang tuluyan kaming makalayo kay Timothy ay binalingan ko si Phoenix na nasa tabi ko, tahimik na nagmamaneho.
"Ano bang pakulo ito, Phoenix?" tanong ko sa kanya. Ano ba talagang plano ni Phoenix sa gabing ito? Sa palagay ko ay talagang pinaghandaan niya ito.
Tumawa siya sa tinanong ko at binalingan ako. Ngumiti siya sakin. His warm smile that makes me smile too. "You'll see later babe." kindat niya kaya naman natawa ako sa kanya.
Habang bumibiyahe kami ay pinipilit ko siya na sabihin sakin pero ayaw talaga niyang sabihin. Hindi ko rin maiwasang kabahan at ma-excite. Ewan ko kung bakit.
Tinanggal ko na muna ang jacket ni Timothy na suot ko. Tinignan ko ang necklace na binigay niya. Napangiti ako. May lungkot akong nararamdaman sa kabila ng kasiyahan. Ang ganda ng necklace... It was a gold necklace with an infinity pendant.
Pangako ko, ibibigay ko ito sa magiging anak namin ni Lucian tulad ng gustong mangyari ni Timothy at sasabihin ko sa magiging anak ko na mula iyon sa Tito Timothy niya. Sasabihin ko rin ang sinabi ni Timothy sakin na gusto niyang sabihin ko sa anak ko. Hinaplos ko ang pendant ng necklace... I silently prayed na sana matagpuan na ni Timothy ang kasiyahan na nararapat sa kanya. Mahanap na niya ang babaeng para sa kanya. Nilagay ko sa pouch na dala ang necklace.
Huminto si Phoenix kaya naman napatingin ako sa kanya at tinanong ko siya. "Dito na tayo?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango. "Yes, babe." he smiled. Lumabas siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Thank you." pasasalamat ko. Napatingin ako sa paligid only for me to found out na isang daungan ang aming napuntahan.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko. Ngumiti siya at kinuha ang aking kamay. Inalalayan niya ko hanggang sa makarating kami sa isang bangka na kung saan may naghihintay na isang lalaki. Ngumiti kami sa kanya ni Phoenix at bumati ng magandang gabi.
"Siya si Manong Ramil. Siya ang maghahatid satin." sabi ni Phoenix nang makalapit kami kay Manong. Binati ko si Manong na binati rin ako.
"Papunta saan?" tanong ko kay Phoenix nang harapin siya. Ngumiti si Phoenix sakin. "You'll see babe." ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...