Chater Fifty (Last Chapter Part Three)
Last Time
[A/N: Hello guyseu :) Thank you so much sa lahat nang nagbabasa ng kwentong ito :) I am happy na nanatili pa rin kayo sa sobrang tagal na ng story na ito lalo na ang update ni Owtor. Kahit na ang drama drama binabasa niyo pa rin siya :) Thank you :) Sorry nga pala mga bb sa last update na sobrang drama pero may continuation pa kaya sorry ulit hehe. Thank you pa rin dahil kahit gaano kadrama ito o gaano kabitin o kung ano pa, patuloy niyo pa ring sinusuportahan ang kwento nina Amanda at Lucian :) Thank you <3 Salamat sa walang sawang pagmamahal at pagsubaybay sa kwentong ito <3 This will be the last chapter mga babes. Thank you dahil nakaabot kayo rito :) Thank you dahil matatapos na naman tayo :) Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa tulong niyo kaya maraming salamat po <3 Mahal na mahal ko po kayo <3 Enjoy reading po kahit madrama hehehe :) God bless everyone <3]
***
Biniyan ako ni Juana ng tubig pagkaraan ng ilang minuto. Nakaupo kami ngayon sa sofa. Hindi ko alam kung ilang minuto na simula nang umalis ang mama ni Lucian. Ni hindi man lang kami nagpalitan ng pangalan at pagpapakilala. She never asks about the baby. She goes straight to her point.
Pointing out what is Lucian’s revenge to my family by using me.
At gaano ba kasakit ang bagay na iyon na hanggang ngayon ay pakiramdam ko may mga maliliit na karayom pa rin ang tumutusok sa puso ko na para bang dinadaganan ng ilang semento ang dibdib ko sa sobrang sakit nito.
“Anong nangyari, Amanda? Sino iyong babae?” tanong ni Juana. Hinahagod niya ang likod ko at naroon ang matinding pag-aalala.
Umiling ako sa kanya. I’m sorry Juana. I cannot tell you dahil paniguradong sasabihin mo kay Luciana ang tungkol sa bagay na ito.
I need to talk to my brother first before talking to Lucian for the confrontation. Kailangan ko munang malaman sa kanya ang totoo bago ako magdesisyon. Ayoko na basta na lang ulit magdedesisyon.
“Ayos lang ako, Juana.” sabi ko at tumayo na. Inalalayan niya ko sa pagtayo. Pinasalamatan ko siya. Kailangan na kailangan ko talaga ang makakaalalay dahil pakiramdam ko nanlambot ang buo kong katawan dahil sa nangyari at sa mga nalaman.
“Gusto ko sanang magpahinga, Juana.” sabi ko. Tumango siya kahit alam kong binabagabag siya nito. “Ihahatid na kita,” sabi niyang ikinatango ko. Kailangan ko nang masasandalan kahit sa pag-akyat ko lang. Pakiramdam ko kasi natunaw na ang buong lakas ko.
“Amanda, you can tell me if there’s really a problem.” sabi niya. Nasa tono ang sinseridad at pag-aalala. She's really is concerned.
Ngumiti ako sa kanya. “Salamat Juana. Gusto ko lang munang magpahinga sa ngayon.” sabi ko.
Kahit hindi ko alam kung talaga nga bang makakapagpahinga ako.
Tumango siya. Naroon pa rin ang matinding pag-aalala niya. Hinatid niya ko hanggang sa kwarto. Inalalayan din niya kong mahiga. “Sige na, Juana. Salamat. Iwan mo na muna ko. Kaya ko na.” sabi ko sa kanya. “Ayos lang ako.” sabi ko pa at ngumiti.
Tumango siya and kissed me on my forehead. “Kaya mo iyan, Amanda. Nandito lang kami.” sabi niyang ikinangiti ko. Nangilid ang luha ko sa pagiging concern niya. She’s really a friend.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...