Chapter Eleven
Doesn't Change
[A/N: Hello guyseu :) Thank you for still staying with me even some left already. I am not blaming those who stop reading this. I know its my fault. Do not worry hindi ako galit sa mga nagbibigay ng mga opinion nila o sa mga hindi na ito binabasa :) Alam kong kasalanan ko :) But I am still thankful dahil binasa niyo ito :) Thank you for those people saying "Ang ganda owtor update ka na," when some are bored already. Thank you for still reading this story when I think it's already lame. Thank you for those whose cheering me when I am already feeling down in my own disappointment and others disappointment. Thank you for still trusting me as your author :) Maraming salamat po at mahal ko kayo <3 I won't say sorry anymore even if I do kasi hindi niyo na rin naman gusto so ayun hehe. Enjoy reading na lang guyseu :) Kamsaranghae <3]
***
Maaga ako nagising kinaumagahan. Nag-ayos lang ako pagkatapos nagdasal. Bumaba na ko. Sinagot ko lang muna ang mga text sakin including my parents text. Lagi pa rin naman kaming may communication nina Mama at Papa. Si Kuya Knight din. Hindi ko pa nga pala na-o-open sa kanya iyong tungkol kay Mira. Gusto ko lang malaman baka magkakilala sila. O kaya naman baka lang... May chance.
Pagbaba ko sa kusina ay naroon na si Lucian kasama si Manang. Nang makita ako ni Lucian ay binati niya ko pero hindi ko siya pinansin.
"Good morning, Amanda." masayang bati niya at lumapit pa sakin. Tinignan ko lang siya.
"Good morning, Manang." bati ko kay Manang na para bang hindi narinig ang pagbati ni Lucian at lumapit kay Manang. Kita ko na bahagyang nagulat si Manang kasi hindi ko man lang sinuklian ang bati ni Lucian.
"Good morning, Amanda." bati ni Manang at ginantihan ang ngiti ko. "Kumain ka na. Masarap ang mga iyan dahil si Lucian ang nagluto." sabi ni Manang na may ngiti pa sa mga labi.
Si Lucian nagluto? Talagang nag-e-effort siya. I gave him that. Pero wala ng talab sakin iyan. O tamang sabihin... Pinipigilan kong maapektuhan.
"Kain na, Amanda. I'll prepare your milk." sabi ni Lucian. Can't he really get it? I am playing cold here. Bakit ba napakakulit niya?
"Manang... Pwede niyo po ba ko ipagluto ng iba?" tanong ko kay Manang. Narinig ko ang marahas na paghinga ni Lucian.
Kita ko na nagtaka si Manang sa sinabi ko. "Huh? Bakit? May pagkain naman na." nagtatakang tanong ni Manang. Alam kong nagtataka si Manang kasi nasa mesa na lahat ng pwedeng i-almusal. Sadyang ayoko lang kainin ang niluto ni Lucian. Hindi sa pag-iinarte ayoko lang na bigyan siya ng pag-asa na magiging maayos kami.
Parang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Iyong mga panahon na ganito si Lucian sakin. Iyong mga panahong hindi man lang niya pinapansin ang paghihirap ko para lang mailuto siya. Iyong mga panahong hinihintay ko siyang kumain para may kasabay ako pero binabalewala niya lahat iyon. Now... Alam na niya kung anong feeling.
I am not doing this to get even... Hindi ko ito ginagawa para maramdaman niya iyong mga naramdaman ko o mga pinagdaanan ko noon. I'm doing this to make him stop making efforts na mababalik pa ang dati naming samahan. Hindi na kami babalik sa dati kaya gusto kong tigilan na niya lahat ng ito sa pamamagitan ng pagbabalewala sa kanya. I already killed the hope in me. I won't think for having a chance on him. AGAIN.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...