Chapter Twenty
Pinapalaya Na Kita
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Sorry ngayon lang nakapag-update. Nilamon ako ng pagbabasa kahapon kaya ngayon ko lang na-update. Pasensya na. Ito ay madramang update haha. Sa palagay ko lang naman hehe. Para sa mga may gusto kay Timothy... Kailangan niya kayo ngayon huhu T_T.
Letting go is part of loving... And sometimes letting go is a painful thing for us to do but it's also the best thing for us to find our true love. Kaya kung ako saiyo palayin mo na siya kung nasasaktan ka na... Pero kung alam mong worth it at may pag-asa pa... Fighting! Hahahaha ~ skl :) share ko lang hahahaha ~
Enjoy reading guyseu <3 Salamat <3]
***
"Pasok!" narinig kong sabi ni Lucian sa loob ng kanyang silid nang marinig niya ang magkasunod na pagkatok ko.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa kwarto niya. Nahinto siya sa pagsusuot ng polo niya nang makitang ako ang pumasok.
Kita ko na bahagya siyang nagulat. "Babe. May kailangan ka ba?" tanong niya.
"Papasok ka raw sabi ni Phoenix?" pagkukumpirma ko kahit na nakita kong nakaslacks na siya at nakalatag na sa kama ang polo at coat and tie niya.
Bumuntong-hininga siya at tumango saka lumapit sa kama bago kinuha ang polong nakalatag doon. "Kailangan babe. Bakit? May kailangan ka ba?" tanong niya at tumingin sakin pagkakuha niya nun.
Umiling ako at sinara ang pinto sa likuran ko. "Sigurado ka na bang kayo mo na?" tanong ko. "Kagagaling mo lang sa sakit." paalala ko kay Lucian dahil sa sinabi niyang papasok siya ngayon sa opisina.
Tumingin siya sakin habang inaayos niya ang polo. "I'm fine babe. Magaling na talaga ako. And that's thanks to you. Kailangan ko talagang pumasok ngayon. Marami na kong kailangang asikasuhin." sabi niya at hininto ang ginagawa para makausap ako nang maayos.
"Sigurado ka? Huwag ka na lang magpapakapagod kung ganoon." sabi ko sa kanya. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. Kagagaling lang niya kahapon sa sakit at baka bigla siyang mabinat at magkasakit na naman siya ulit. Alam kong hindi ko naman siya mapipigilan.
Ngumiti siya sakin. "I'm fine. Thanks for the concern, babe."
Napakagat ako sa labi at nilapitan na siya. Kita ko na natigilan siya at bahagyang nagulat sa ginawa ko. Hinawakan ko ang butones ng polo niya para ituloy ang ginagawa niyang pagkabit doon. Kahit hindi ko siya tinignan ay ramdam ko ang paninitig niya. Alam kong hindi siya makapaniwala na ginagawa ko ito ngayon. Alam ko rin na nakangiti siya. At nakumpirma ko iyon nang magsalita siyang may tuwa sa mga boses.
"I miss you doing this to me..." masuyong bulong niya. Tiningala ko siya. Kita ko ang katuwaan at maliit na lungkot sa mga mata niya nang magtama ang mga tingin namin. Napakagat ako sa labi at hindi alam ang sasabihin.
"Huwag mong abusin ang sarili mo para hindi ka mabinat. Naiintinihan mo? Kagagaling mo lang sasakit. Ayoko ng maulit iyon." iyon na lang ang nasabi ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagsilay ng ngiti sa magaganda niyang labi.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...