Chapter Thirty Seven

11.9K 293 30
                                    

Chapter Thirty Seven

Ikaw Lamang














[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Kunting push na lang po road to epilogue na tayo haha. Please kunting tiyaga na lang po. Sana po makapaghintay pa po kayo. I'm sorry kung ang tagal kong mag-update. Busy na po kasi talaga. Anyways. This is just a short update. Try ko kung kaya bukas kasi POV lang naman ni Timothy iyon. Iyong kay Lucian saka na kasi spoiler siya lagi kaya ayaw ko siyang bigyan ng POV saka na lang haha kapag kailangan na kailangan na. So ayun. Sana po magustuhan niyo :) Enjoy reading po :) Saranghaeyo<3]













***




"Mag-iingat ka hija. Huwag mong kalimutang tawagan kami parati. Mamimiss ka namin." paalam ni Lolo at Lola sakin. Marami na silang naibilin sakin. Napangiti ako at nag-init ang sulok ng mga mata. Niyakap ko sila. "Marami pong salamat sa lahat Lolo, Lola."











Niyakap nila ko nang mas mahigpit. "Mag-iingat kayo ng anak mo. Hanggang sa susunod na pagdalaw mo rito samin." paalam nila.











"Mag-iingat po ako parati. Kayo rin po lagi po kayong mag-iingat." paalam ko at humalik na sa kanila.











Sunod kong niyakap si Matthew. "Thank you Matt. Alam ko naman na lagi mong iniingatan at inaaalagaan sina Mira at baby Kino kaya hindi ko na kailangang magbilin pa. Huwag ka sanang magsawa sa kanila." sabi ko sa kanya. Tumawa siya at hinalikan ako sa noo ko nang humiwalay kami sa yakap.











"I promise you don't need to worry." sabi niya kaya napangiti ako sa kanya. "Thank you." ngiti ko.











Sumunod kong niyakap si Mira. "Mamimiss ka namin. Mag-iingat ka roon palagi." sabi niya.











Natawa ako ng mahina. "Pangako mag-iingat ako. Kayo rin mag-iingat kayo rito." sabi ko.











Tumango siya at niyakap ako ng mas mahigpit. "Kami naman ni baby Kino ang bibisita saiyo sa susunod." sabi niya.











Ngumiti ako. "Aasahan ko iyan ah?" sabi ko sa kanya. Tumawa siya at humiwalay sa yakap. "Pangako iyan." ngiti niya.











Niyakap ko rin si baby kino. "Lagi kang magpapakabait okay? Magbehave ka palagi kina Mommy at Daddy. Take care of yourself so you can take care of your Mymy and Dada okay?"











Tumango si Kino at ngumiti. "Opo Mommy Amanda. Kino is big na and will always behave. Take care of yourself too Mommy Amanda. Mamimiss po kita." sabi niya. Kita ko ang pamumula ng mga mata niya at ang nagbabadyang luha.











May kirot akong naramdaman sa puso ko. Ang hirap iwanan ni Kino... Ang lakas ng hatak sakin ng batang ito na tipong ayoko ng malayo sa kanya. Iyong pakiramdam na para kong iiwan ang isang kapamilya.











Pinunasan ko na ang luha niyang lumandas na sa mga mata niya. Itinago niya ang mukha sa leeg ko. Nangilid ang luha ko at hindi na rin napigilan ang maiyak.











"Love ka ni Mommy Amanda. Lagi ka niyang iniisip. Lagi ka niyang tatawagan kaya huwag ka ng umiyak. Mamimiss kita Kino."











Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon