Chapter Forty Seven (Part Two)
Happy Birthday, Amanda
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu. Sorry kung ngayon lang. Ito ay maikli lamang guyseu. Birthday celebration naman ni Amanda ito mga bb :) Sana po magustuhan niyo :) Marami pong salamat :) Enjoy reading po :) God bless <3 Saranghae <3]
***
Kinabukasan ay tanghali na ko nagising. Nabungaran ko si Lucian na masuyo akong tinutunghayan. "Good morning, babe." nakangiting bati niya. Napangiti rin ako.
"Good morning," bati ko pabalik. Napatingin ako sa may side table. Pasado alas otso na ng umaga. "Sorry natanghali na naman ako ng gising. Magluluto pa ko ng almusal natin." sabi ko sa kanya.
Umiling siya at ngumiti. "No need for you to say sorry babe. At isa pa babe wala namang pipigil saiyong matulog. Antukin ang baby natin." nakangiting sabi niya. Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.
"Napansin ko nga rin." sabi ko sa kanya. Tumawa siya at hinalikan ako ng masuyo bago niya hinalikan ang tiyan ko. "Hello baby this is Daddy. Labas ka na para makasama ka na namin ni Mommy." kausap niya sa baby. Natawa ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. Tumingin na sakin si Lucian pagkatapos niyang halikan ang tiyan ko.
"Halika na, kumain na tayo sa baba. Ayokong magutom kayo." sabi niya. "Ano bang gusto mong lutuin ko?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. "Sina Phoenix at Tiffany na ang nagluto ng agahan natin babe." sabi niya. Nagulat ako roon.
Napangiti ako dahil sa tuwa. "Talaga? Nakakatuwa naman." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango. "Sinabi mo pa babe. Pinauna ko na rin sila kumaing dalawa para makapagsolo sila at hindi ako inaagawan ni Phoenix." sabi niya.
Natawa ako dahil doon. Hinayaan niya muna ko na makapag-ayos bago kami bumaba. Nakita namin sina Phoenix at Tiffany sa baba. Mukhang kinukulit na naman ni Tiffany si Phoenix.
"Dali na! Pasyal tayo, Phoenix. Ipasyal mo naman ako rito." dinig kong sabi ni Tiffany. Napangiti ako at nagkatinginan kami ni Lucian.
"Tss. Bakit ba ang kulit kulit mo?" si Phoenix na naiinis na pero hindi naman talaga.
Nagpuppy eyes si Tiffany sa kanya dahilan para mapailing si Phoenix. Hindi talaga niya kayang tanggihan si Tiffany kapag ganyan.
"Pretty please? Please? Please?"
Kita ko na napailing si Phoenix. "Oo na sige na. Sige na. Stop doing that." pagsuko ni Phoenix. Natawa na lang kami ni Lucian kay Phoenix dahil nagsusungit pa hindi naman kayang panindigan.
Tuluyan na kaming nakababa. "Good morning," bati namin sa kanila nang makalapit kami nang tuluyan.
Napatingin silang dalawa samin. "Good morning," bati nila pabalik. Lumapit si Phoenix sakin para halikan ako sa noo. Natawa ako sa kanya. Tinanong pa niya kung kamusta ang tulog ko. Nakangiting sinagot ko naman siya ng mabuti. Sila naman ang tinanong ko kung kamusta ang naging tulog nila.
Ngumiti si Tiffany habang sumimangot si Phoenix. "Sobrang comfortable ng bahay niyo. Thank you sa pagpapatuloy sakin." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...