Chapter Twenty Six
Alam Namin
[A/N: Waaahhh! Annyeong guyseu:) Miss you mga bb :) Huhu sorry kung ngayon lang nakapag-update si Owtor. Alam niyo naman na busy na talaga siya. Hindi na po mauulit na umabot ng ganito katagal. I miss you guys. I miss my Wattpad lmao. Huhu. Sorry talaga. Susubukan ko na po ulit ibalik sa thrice a week ang update. Pasensya na talaga guyseu. Hayaan niyo magsisipag ako lalo na mag-update kahit sobrang busy na. Anyways. Ito ay maikling update lang mga bb. Pinutol ko lang ulit ito guyseu kasi masyado ng mahaba at hindi na naman tatanggapin ni Wattpad kaya ang ginawa ko ay pinutol ko na lang po ulit. Baka bukas ko po i-a-update iyong karugtong. Kung kaya lang talaga ng mahaba ay buo ko i-a-update iyon kaso hindi eh. My word limit din pala si Watty. Pasensya na talaga mga bb :) Maikli lang po ito. So ayun... Enjoy reading guyseu :) Maraming salamat :) Mahal ko kayo <3]
***
"Sasabihan ko na lang po silang lahat tungkol dito." sabi ni Momo. "Iyong nabunot niyo po ay si Kuya Phoenix na po ang magdadala. On the way na raw po siya." sabi pa niya. Si Phoenix pala ang magdadala. Himala na hindi busy si Phoenix ngayon.
"Sige, Momo. Kami na bahala. Salamat." pasasalamat ni Lucian. "Salamat Momo." pasasalamat ko.
"Wala iyon, Oppa, Unnie. Ingat kayo. See you soon. Byieeee~."
Napangiti ako sa kanya. Bahagyang tumawa si Lucian. "Ingat kayo lagi. Bantayan niyo lang iyong mga lalaki. Kapag gumawa ng kalokohan isumbong niyo agad. Bye." bahagya akong natawa sa sinabi niyang iyon sa pinsan. Pasaway siguro talaga ang mga pinsang lalaki nila Lucian.
Nagapaalam na samin si Momo. Napangiti ako. "They are really a nice people." sabi ko sa kanya. Talagang pinalaki silang may mabuting puso, na may pagpapahalaga at pagmamahal sa isat'isa.
Ngumiti si Lucian at mas niyakap ako. Hinalikan niya ang pisngi ko. "They are." he smiled proudly to me. Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
Bumaba na kaming dalawa. Nag-ayos na si Lucian para sa pagpasok niya ng opisina.
"Papasok ka bukas, Lucian?" tanong ko habang inaayos ang lunch na babaunin niya. Gusto ko lang malaman kung may balak pa siyang umalis kahit off niya.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin mula sa likuran. "No... That's my special day with you." bulong niya at hinalikan ako sa pisngi.
Napangiti ako roon at nag-init ang puso. Kahit noon naman na hindi pa siya umaaming mahal ako ay nilalaan na niya ang araw na iyon para saming dalawa. "Akala ko kasi papasok ka pa rin kahit day off mo iyon." sabi ko sa kanya. Day off niya kasi ang linggo. Wala kasing pasok nun.
"Iyon na nga lang ang araw na pwede kitang makasama ng buong araw... Ipagpapalit ko pa ba? Walang mas mahalaga kung hindi ikaw." malambing na sabi niya at humigpit ang yakap sakin.
Napangiti ako. Sweet. "Let's go to the church tomorrow morning then diretso tayo mamili ng ipangreregalo kapag naibigay na ni Phoenix iyong nabunot natin." sabi ko sa kanya. Nilagay ko na sa lagayan iyong lunch niya. Hinarap ko siya. Gusto ko kasi na every Sunday makapagsimba kaming dalawa. Ang laki ng biyayang natatangap namin kaya dapat na magpasalamat kami.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...