Special Chapter (Tiffany❤Phoenix)

11.9K 275 30
                                    

Special Chapter












[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Thank you po sa inyong appreciation for the last update :) Salamat po :) Masaya po ako na nagustuhan niyo ang update :) Anyways. Ito ay maikli lang at special Chapter for my next story. Kina Phoenix at Tiffany na po ang susunod kong gagawan bago sina Attorney. Pagsasabayin ko kasi ang kina Phoenix at Brandall dahil kailangan matapos ko muna ang story nina Phoenix para masimulan ko ang kina Gracia. Hehe. Okay lang naman po kung hindi niyo babasahin. Iyong susunod kasi na update ay mahaba-haba rin kaya ito po muna. Sana po magustuhan niyo pa rin. Maraming salamat :) God bless <3 Saranghae <3 Enjoy reading <3]











(Tiffany's POV)









Nang makaalis si Amanda at Timothy ay naiwan akong mag-isa sa malaking bahay ni Kuya Lucian. Napangiti ako nang muling maalala ang magiging surprise ni Kuya Lucian kay Amanda. Ngayon na siya magpo-propose sa birthday mismo ni Amanda. I know Amanda will be happy. At masaya ako para sa kanilang dalawa.








Sana one day, maranasan ko rin iyon. Sana may isa ring lalaki na alukin ako ng kasal... at sana si Phoenix na lang iyon.








Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Phoenix na nakaalis na sina Amanda. Wala pang isang minuto nang i-send ko iyon ay tumatawag na si Phoenix.








"Nakaalis na sila?" pag-co-confirm niya. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Kakaalis lang nila..." sagot ko.








"Okay. Sasabihin ko kay Lucian. I will be there. Susunduin na kita kaya kailangan pagdating ko ay nakaayos ka na."








Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya. "Hindi na ko sasama. Hindi mo na ko kailangang puntahan." sabi ko.







Natigilan siya sa kabilang linya. My heart aches.







Alam ko naman kung bakit gusto niya kong isama sa party na gaganapin... para pagselosin si Gracia. Para ipakita kay Gracia na may kasama na siya. Para ipakita na hindi na siya naaapektuhan.








At nasasaktan ako sa katotohanang iyon. Mahal ko si Phoenix kaya naman ayokong nakikitang nasasaktan siya.







"Ikaw ang bahala..." sabi niya sa kabilang linya. Tumulo ang luha ko nang tahimik.








"Sige na. Baka malate ka sa usapan niyo nang pagsusundo kay Amanda." sabi ko para matapos na ang tawag.









"Okay. Lock the doors..." bilin niya. "I will. Ingat Phoenix. Send my congratulations to them." sabi ko.
"Alright. I'll hang up." sabi niya at naputol na nga ang linya.










Hindi ko maiwasang mapahikbi. Ganoon lang. Pumayag na siya. Nakakatampo.








Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha sa unan habang umiiyak. Nakakainis si Phoenix! Bakit kasi hanggang ngayon ay si Gracia pa rin?








Hindi naman talaga maipagkakaila na napakaganda ni Gracia at talaga namang napakabait pa. Every man's dream.








Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit minahal siya ng magkapatid.








Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon