Chapter Nineteen

33.5K 670 67
                                    

Chapter Nineteen

Paano Sasabihin













[A/N: Waaahhh! Annyeonghaseyo guyseu :) Ito ay maikli lamang. Gusto ko lang talagang mag-update ngayon kaya maikli lang ito. Dapat kahapon pa talaga ito. Anyways. Short and very short update lang ito mga bb hahaha. Kaya pagpasensyahan ang update na ito mga bb. Salamat sa patuloy na pagtitiyaga niyo kay Owtor. Sa pagmamahal kina Amanda at Lucian <3 Thank you for your votes and comments <3 Pinapasaya niyo ko guys kaya thank you <3 Saranghae <3

So ayun. Dahil nandito na sa Pilipinas ang aking baby Park Hyung Sik ay mag-a-update ako HAHA. Walang konek iyon hahaha. I love you Park Hyung Sik akin ka na lang T_T. Umuwi ka sa bahay naghihintay ako HAHAHA~

Enjoy reading :) Saranghaeyo <3 Wo Ai Ni <3]









***












Parang kumalma ang puso ko dahil sa yakap ni Lucian. Halos makalimutan ko na ang nangyari. Tanging siya at ang mga yakap na lang niya ang mahalaga sakin ngayon.








"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Lucian at humiwalay sa yakap. Umiling siya. Kinapa ko ang noo niya dahil iba ang init ng buong katawan niya. Napasinghap ako nang maramdam ang init niya. Hinawakan ko ang leeg niya para makumpirma ko nga kung nilalagnat siya pero binaba niya ang kamay ko at hinawakan iyon.








"Nakatulog ka ba?" malambing na tanong niya.








"Nilalagnat ka, Lucian." sabi kong hindi pinansin ang tinatanong niya. Wala ng mahalaga sakin ngayon kung hindi ang kaalamang nilalagnat siya!








Binalot ng pag-aalala ang sistema ko. Nilalagnat din siya! Jeez! Paniguradong dahil iyon sa nangyari kagabi. Nagpakabasa siya sa ulan at hindi ko alam kung gaano niya katagal ginawa iyon pero panigurado akong iyon ang dahilan kung bakit siya nilalagnat ngayon.









"I'm fine because you're here. Kumain ka na ba? Paniguradong napagod ka dahil sa pag-aalaga mo sa kanya kagabi." narinig ko ang pagseselos sa boses niya na pilit niyang tinatakpan ng pagiging masuyo. Nakaramdam ako ng kirot dahil doon. I didn't mean to make him jealous.








"Kumain ka na ba, Lucian? Dapat nagpahinga ka na. Nakatulog ka ba?" nag-aalalang sabi ko. Kita ko na masama ang pakiramdam niya pero pinipilit lang niyang huwag ipahalata sakin. 









"Hindi ako nakatulog pero ayos lang ako..." nakangiting sabi niya. Pati pagngiti niya ay halatang may iniinda siya.








Umiling ako sa kanya at hinawakan siya sa leeg niya. "Ang init mo. Uminom ka na ba ng gamot?" kinakain ng matinding pag-aalala ang sistema ko.








Umiling siya at lumayo. Mahinang bumahing siya. "Excuse me." mahinang sabi at umiling. Nagkusot din siya ng sentido. "Damn head ache..." bulong niya. Mas lalo akong nakaramdam ng pag-aalala.









Napailing ako at hinawakam siya sa braso. "Kumain ka na tapos uminom ng gamot." sabi ko. Kailangan niyang uminom ng gamot at magpahinga para gumaling na siya agad.










"Huwag mo na ko intindihin. Magpahinga ka na kung tapos ka ng kumain." sabi niya at hinaplos ang pisngi ko. Bakit ba ako pa rin ang inaalala niya?









Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon