Chapter Twenty Four
Let It Go
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Waahhh! Sorry kung ngayon lang nakapag-update si Owtor. Alam kong sobrang tagal na simula ng huli akong mag-update huhu. I miss you guyseu. Pasensya na talaga. Sobrang busy na ni Owtor ngayon. Sorry mga bb. Tapos nagloloko pa Wattpad ko huhu. Dapat nung isang araw pa ito eh kaso nagloloko talaga iyong app ko huhu. Anyways. It will be a short update :) Sana magustuhan niyo :) Ang time frame dito ay late lang ng ilang araw. So ayun. You can listen to Baby by EXO iyong Chinese Version so you could appreciate Lucian while singing it haha :) Enjoy reading :) Kamsahamnida ~ Pasensya na ulit ^^v]
***
Naalimpungatan ako ng bandang madaling araw. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nakitang nakatunghay si Lucian sakin. Agad nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka na makita siyang gising pa...o gising na?
"Hey..." napapaos na sabi niya. Nakapulupot pa rin ang kamay sakin at nakayap din ako sa kanya. Kumalas ako para bumangon. Nanatili siyang nakahiga. "I'm sorry... Nagising ba kita?"
Kinunutan ko siya ng noo. "Ikaw... Bakit gising ka na? O baka naman hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya.
Napakagat siya sa labi. "Kagigising ko lang." hindi makatinging sagot niya. "Matulog na ulit tayo." sabi niya at hinawakan ako sa braso para ihiga pero pinigilan ko ang kamay niya. Napatingin siya sakin.
"Lucian... I know you are lying." sabi ko.
"I am not." sabi niya. That sounds familiar to me. Alam kong napansin niya rin iyon dahil sa multo ng ngiti sa mga labi niya.
"Hindi ka ba makatulog?" tanong ko at inilagay ang isang kamay sa dibdib niya at masuyo siyang tinunghayan. Napatingin siya sa kamay ko na para bang may nagawa akong nagpagulat sa kanya pero bumalik din ang tingin sakin nang muli akong magsalita. "Dapat ginising mo ko kung hindi ka pala makatulog." sabi ko pa sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa dibdib niya. Hinawakan niya iyon nang mahigpit at hinaplos ng hinlalaki niya.
"I don't want to sleep. I am afraid... Na kapag gising ko kinaumagahan ay wala ka na. Natatakot akong baka panaginip lang ang lahat at kapag natulog ako ay mawawala ka kapag muli akong nagising." nahihirapang sabi niya. Tinignan niya kong muli. Kita ko talaga ang takot sa mga mata niya. "I'm sorry. I don't want you to feel guilty about it." mabilis na dagdag niya bago ko pa maramdaman ang guilt na bumabalot sa puso ko. Dinala niya ang kamay ko sa mga labi niya para halikan. "Matulog ka na ulit. Susubukan kong matulog." sabi niya at hinawakan ako sa braso para hilahin pahiga. Nanatili akong nakaupo lang at nakatunghay sa kanya. Kita ko ang pag-ahon ng pag-aalala sa mga mata niya at pagkabahala sa nakikitang reaksyon sakin.
Nangilid ang luha ko. Ang bigat ng puso ko dahil sa nararamdamang guilt at sakit. "Kailan ka pa hindi nakakatulog?"
Guilt creeping in my heart as I felt that I am to blame kaya nahihirapan siyang matulog. I want to know kung kailan pa. Sumasakit ang puso ko sa kaisipang iyon.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...