Special Chapter (Part Two)
Lost
[A/N: Annyeong guyseu :) Thank you for still reading this story. Marami pa pong mangyayari sa kwentong ito. At sana huwag kayong magagalit sa kahihinatnan ng chapter na ito. Wala akong alam na background music para sa mga madramang eksena. Bigyan niyo nga ako please? Haha. But anyways. Miracle of December by EXO ang pinakikinggan ko habang sinusulat ito. Iyong english version nito ay mage-gets niyo iyong kanta kahit korean. Bagay kasi kay Lucian iyong kanta haha. So anyways ulit, sana magustuhan niyo ang update na ito. Sorry na po agad. Hindi ko ginusto ito haha. Maraming salamat sa pagbabasa ng story na ito kahit napakarami niyang flaws pati ni Owtor. Maraming salamat guyseu :) I really do appreciate it :) Mahal na mahal ko kayo <3 Saranghae <3]
***
Excited ako para umuwi kay Amanda. Fuck! Shit! I made it!
Excited akong i-surprise siya. Gusto ko na sabihin sa kanya lahat. I want to let her know everything today. I don't care if she'll get mad at me. Ang mahalaga masabi ko sa kanya lahat. I will make everything for her to forgive me if she'll be angry at me once she heard what I'll say.
Hindi ko na kaya pang itago sa kanya. Ayoko ng masaktan pa siya. I need to let her go.
I doubled my speed just to get home fast. Wala na kong pakealam kung maticketan man ako for reckless driving. Oh damn! Ang saya ko lang! I made the deal!
Nang makarating sa bahay ay nagmamadaling bumaba ako sa kotse habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Sana magustuhan ni Amanda ito.
"Amanda! Amanda!" tawag ko sa pangalan niya. Alam kong hindi niya ko maririnig kung sakaling nasa taas siya. Oh damn, baby!
"Amanda!" sigaw ko. Pumasok ako sa loob ng bahay. Sinalubong agad ako ni Manang. "Manang!" niyakap ko siya. "Si Amanda po? Nasa taas ba?" excited na tanong ko kay Manang at tumingin pa sa taas. Damn! I'm just too fucking excited!
Hinarap ako ni Manang. Kita ko ang pamumula ng mga mata niya. Nangunot ang noo ko. Anong nangyari? "Umiyak po ba kayo? Ano pong nangyari? May problema po ba kayo Manang? May maitutulong po ba ko?" nag-aalalang tanong ko. Anong nangyari kay Manang at mukhang kagagaling niya sa pag-iyak? Malaki ang pasasalamat ko kay Manang at naging malapit na rin kami sa kanya ni Amanda. Inaalagaan niya si Amanda parati kapag wala ako kaya nagpapasalamat ako ng husto roon.
"Si... Si... Amanda. Umalis si Amanda, Lucian." umiiyak na sabi ni Manang. Natigilan ako. Ano? "Umalis siya, Lucian. Umalis na siya." humagulgol si Manang. Parang may punyal na tumama sa puso ko nang sabihin iyon ni Manang. Naguguluhan ako.
Nangunot ang noo ko. "A-ano po? Hindi ko po kayo maintindihan, Manang." naguguluhang tanong ko. Why would Amanda leave? Bakit naman niya gagawin iyon?
"Umalis na siya, Lucian. Nagpaalam na siyang aalis na. Wala na siya. Dinala na niya mga gamit niya hijo."
Binitawan ko si Manang. "Hindi po iyan totoo. Please. Stop kidding me, Manang. She'll never leave me." sabi ko at agad tumakbo paakyat sa kwarto. No!
Nagbibiro lang si Manang hindi ba? Fuck! Nangako sakin si Amanda. Maghihintay siya. She'll stay. Hindi niya ko iiwan!
Baka niloloko lang ako ni Manang. Baka nagkuntiyaba sila ni Amanda para biruin ako.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...