Chapter Forty Seven (Part One)
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) I miss you. Sorry for not updating. Alam kong paulit-ulit na si Owtor kaya sasabihin na lang niya na enjoy kayo sa pagbabasa ng update na maikli ni Owtor haha. Salamat :) Huwag po kayong mag-alala. Matapos ko lang po ang birthday celebration ni Amanda mabilis na matatapos ang story. Hindi ko po alam kung kailan pero limang update na lang tapos na. So ayun po. Sana po maintindihan niyo. Enjoy reading po. Salamat. God bless po <3 Saranghae ~
P.S This is just the part one. Hindi po kasi tumatanggap si Wattpad ng higit sa 17,000 words kaya naman hinati ko na po siya sa dalawa dahil mahigit 20K ang nagawa ko. Pero bukas ko na po i-a-update iyong karugtong para hindi kayo mainip kasi sinusulat ko pa iyong celebration ng birthday ni Amanda. It's more on Phoenix at Cassandra lang muna because after ng CTBB it's either kay Cass o kay Phoenix ang isusunod ko :) Salamat :) God bless po :)]
***
Nang makauwi kami ni Lucian sa may isla ay ang unang ginawa namin ay tawagan sina Lola sa may Hacienda. Sinabi lang namin sa kanila na nakauwi na kami. Nang matapos ng ilang sandaling pag-uusap ay nagpaalam na rin kami kina Lola. Pinagpapahinga na rin kasi kami nina Lola dahil nga bumiyahe pa kami.
Kumain na kami sa labas nang bumiyahe kami ni Lucian pauwi kaya naman umakyat na agad kami sa kwarto para magpahinga. Matapos namin makapaglinis ng katawan ay nahiga na kami ni Lucian para magpahinga dahil sa pagod ng pagbiyahe.
Nahiga ako sa tabi ni Lucian. Agad niyang ipinulupot ang kamay sakin. Inunan ko ang ulo sa kanyang dibdib at pinayapa ang sarili sa tibok ng puso ni Lucian. Hinalikan niya ang aking noo. Tiningala ko siya. Ngumiti ako sa kanya habang nakangiti rin siya sakin habang tinutunghayan ako.
"Thank you, Lucian for this. Thank you really for making this to happen." sabi ko sa kanya.
Ngumiti pa siya lalo at hinalikan ako saking noo. "Anything for you babe." masuyong sabi niya dahilan para mapangiti ako lalo.
Nagpasalamat ako sa Diyos para sa pagkakataon na ibinigay Niya para samin ni Lucian. Para sa masayang sandali na iyon kasama ang pamilya ni Lucian sa Hacienda Paraiso.
Nag-usap pa kami ng ilang sandali bago pa kami nakatulog na may kasiyahan saming damdamin.
Tanghali na nang magising ako. Wala na si Lucian sa tabi ko. Paniguradong gising na iyon. Anong oras kaya siya nagising? Alam kong napagod talaga siya sa biyahe dahil siya ang nagmaneho. Tumayo ako mula sa pagkakahiga pagkatapos magdasal ay tinungo ko ang banyo para makapag-ayos. Nang makalabas ako galing banyo ay sakto bumukas din ang pinto ng kwarto namin ni Lucian. Naroon si Lucian habang bitbit bitbit ang isang tray na naglalaman ng pagkain. Nagkatinginan kami at napangiti sa isat'isa.
"Good morning, sleepy head. Kamusta ang naging tulog mo?" masuyong tanong ni Lucian. Inilapag niya ang hawak na tray sa side table. Lumapit ako sa kanya.
"Pasensya ka na tinanghali na ko ng gising." sabi ko sa kanya nang makalapit. Ipinulupot agad niya ang mga braso sakin para bigyan ako ng masuyong halik saking noo. Napangiti ako.
"Huwag mong alalahanin iyon, babe dahil alam ko naman na napagod kayo ni baby sa mahabang biyahe natin kahapon." sabi niyang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...