Chapter Five
Escape
[A/N: Waahhh! Sorry guyseu kung ngayon lang nakapag-update. Sobrang busy ko na talaga ngayong buwan. Huhu. Ang daming kailangang gawin :'( Anyways. Ito ay maikli lamang. May mga extra characters na darating. Ang mga babies ko na HandCool-Est at si Faith :) Dadaan lang sila hehe :) Sila iyong nakita ni Amanda sa ospital sa book one :) Sorry pero feeling ko lame ito. Sana magustuhan niyo pa rin :) Happy Birthday Kim Namjoon at sa best friend kong si Cheska bey :) Saranghae <3 Enjoy reading :) God bless :) Salamat <3
P.S Dapat kahapon pa ito pero nagloko si Wattpad kaya di ko siya na-update kagabi. Sorry.]
***
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naghahanda kami nina Mira dahil ngayon ang kaarawan ni Matt. Nagkasundo sina Lola na magdaos ng isang pagtitipon para sa kaarawan nito. Hindi naman daw kasi ito mahilig na i-celebrate ang birthday nito kaya surprise party ito para hindi makaangal si Matt sabi ni Mira. Nagluto kami ng mga handa para kay Matt.
Tumutulong din si Timothy samin. Hindi siya pumasok ngayon para rito.
"Amanda huwag kang magpapakapagod. Pagkatapos niyan eh magpahinga ka na. Marami naman ang tumutulong kaya kami na diyan." sabi ni Lola sakin. Kanina pa ko pinagsasabihan ni Mira na huwag ng tumulong pati ni Lola pero gusto ko talaga, kahit papaano.
Marami sa kapitbahay ang nagpresintang tumulong sa paghahanda kaya nagiging madali lang ang trabaho. Mababait talaga ang mga tao sa bayan na ito.
"Opo, Lola." sabi ko. Ayaw ko rin na alalahanin pa ko nina Lola kaya tinapos ko lang ang pagluluto ng menudo at ako na lang ang mag-aasikaso kay baby Kino. Tumulong naman si Tim sa pag-aayos sa labas.
"Hey..." napatingin ako kay Timothy nang lumapit siya sakin. May hawak siyang bimpo. Pawis na pawis siya pero bakit hindi siya nagpupunas? Saka bakit ang gwapo at ang bango pa rin niya? "Hindi ka pa ba napapagod? Kanina ka pa riyan. Baka mapagod kayo ni baby." sabi niya, concern.
Ngumiti ako sa kanya at nagpunas ako ng noo. Pinagpapawisan na rin ako. "Tatapusin ko na lang ito." sagot ko sa kanya. Bahagya akong nagulat nang lumapit siya. Hinawi niya ang buhok na dumikit na sa pawis ko sa noo at inipit iyon sa tainga ko. Napakurap ako at bumilis ang tibok ng puso ko nang idampi niya ang bimpong hawak sa noo at pisngi ko para punasan ang pawis.
"Pinagpapawisan ka na. Bilisan mo na riyan at magbihis ka baka matuyuan ka pa ng pawis. Bawal kang magkasakit." sabi niya. Napangiti ako at napakagat sa labi. Napakamaalalahanin talaga niya.
"Opo. Ako na." sabi ko sa kanya at kinuha ang bimpo sa kanya. Bahagya siyang nagulat at namula. Doon ata lang niya narealize ang ginawa niya. Napakagat siya ng labi at nag-iwas ng tingin.
Napangiti ako. "Sorry." aniya. Umiling ako. May nakita kong bimpo malapit kaya kinuha ko iyon. "Ikaw ang magpunas ng pawis. Basang-basa ka na." sabi ko sa kanya at inabot ang bimpo sa kanya.
"Pwede bang ikaw na?" sabi niya. Nagulat ako roon at pinagtaasan siya ng kilay. "Huh?"
"Wala." iling niya at kinuha ang bimpo sakin. Napakagat ako sa labi. "Akin na nga." sabi ko sa kanya at kinuha ang bimpo sa kamay niya saka pinunasan ang noo pati likod niya. Napangiti siya dahil doon at nagpasalamat. Para siyang bata. "Para kang si Baby Kino."
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomantizmAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...