Chapter Thirty Eight (Part Two)
[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) Ito ay maikli lamang po. Karugtong ng nakaraang update. Wala pong masyadong ganap. Next update po ang mayroon :) Sana po magustuhan niyo pa rin :) Iyong conflict na sinasabi ko next update iyon :) Enjoy reading po :) God bless <3 Saranghae <3]
***
Maaga kami nagising kinabukasan dahil may usapan kami ngayon ni Cassandra na mamamalengke ng maaga para sa mga kakailanganin namin sa pagluluto. Sumama si Lucian samin na mamalengke ni Cassandra. Malaking tulong iyon dahil hindi kami mahihirapan magcommute at mapapabilis din kami.
Sasabay raw pauwi si Attorney sa mama nito pauwi rito sa isla kaya before makauwi sina Attorney ay gusto ni Cassandra prepared na lahat para sa surprise niya kay Attorney. Mukhang may inaasahan ding bisita si Attorney kaya marami kaming lulutuin ngayon. Mabuti na lang marunong ding magluto si Lucian kaya matutulungan niya kami habang sina Caiden at Phoenix na ang bahala sa set up ng mga mesa at upuan sa labas. Iniwan na muna namin ang dalawang bata kina Caiden at Phoenix na naiwan sa bahay.
Nang mabili na namin ang lahat ng kakailanganin ay mabilis na rin kaming umuwi. Naghanda na kami para magluto. Sina Phoenix at Caiden naman ang tumulong para ayusin ang upuan at lamesa sa labas. Mabuti na lang behave ang dalawang bata na gumawa pa ng mga cut out pictures nilang pamilya. Talaga namang matutuwa ka sa mga bata.
Niluto namin ang mga paboritong pagkain ni Attorney. Tanghali na nang matapos kami sa pagluluto. Eksaktong ala una nang ma set up na namin ang lahat sa labas at hihintayin na lang ang pagdating nila Attorney. Nakakapagod pero masaya dahil natulungan namin si Cassandra na tuwang-tuwa dahil natapos namin.
"Maraming salamat." sabi ni Cassandra samin. Napangiti naman kami sa kanya. "Wala iyon. Masaya kaming makatulong." sabi ko sa kanya. Niyakap niya ko. Nagpasalamat din siya kina Lucian, Phoenix at Caiden. Ilang beses na siyang nagpasalamat samin at ilang beses na rin naming sinabi na wala iyon at masaya kaming makatulong.
"Uwi muna tayo babe para makapagpahinga ka at makapag-ayos tayo." bulong sakin ni Lucian. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya sa balakang ko na parang minamasahe iyon. Napangiti ako. I found his gesture sweet. Alagang-alaga niya rin ako kanina.
Tumango ako sa kanya at nagpaalam na muna kami kay Cassandra. Umuwi na rin muna kami para makapag-ayos ng sarili pero bumalik din kami pagkatapos. Bandang two nang dumating na sina Attorney kasama ang kapatid nito at kasunod ang mga kasamahan ni Attorney.
Agad na sinalubong ng mga bata ang daddy at Tito nila. "Daddy, Tito Arkin, we missed you!" sabi nung dalawang bata at hinalikan pa ang papa at Tito nila. Napangiti ako. Hinalikan din ni Attorney ang dalawang bata. "Namiss rin kayo ni Daddy. Napakabait ba kayo?"
"Opo. Happy birthday Daddy. We love you." bati nung dalawa at pinugpog ng halik ang daddy nila. Napangiti ako. Nagkatinginan kami ni Lucian at napangiti sa isat'isa. Tumawa si Attorney at niyakap ulit ang mga anak. Sarap talaga mahalin ng mga bata dahil napakabait at sweet nila. "Salamat. Mahal na mahal ko kayo." sabi niya sa mga anak. Napangiti ako.
Naramdaman ko ang pagyakap ni Lucian sakin kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko na nakangiti rin siya. "I can't wait na dumating ang araw na ganyan din ang mga anak natin." sabi niya. Napangiti ako at hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko.
BINABASA MO ANG
Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
RomanceAmanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she's carrying the Billionaire's Baby... ay minahal niya rin ang bilyonaryong si Lucian. Pero hindi siya minahal nito. Nasaktan siya at nauwi...